'Sa tingin ko maglalakad ako papunta sa kapital'
Tumalon mula sa sanga, kinumpirma ni Zhang Xuan ang kanyang direksyon bago maglakad.
Ang kabilang grupi ay maaaring nasa misyon, ngunit wala itong ugnay sa kanya. Ang importanteng bagay para sa kanya sa ngayon ay ang bumalik kela Hong shi at iba pa at bumalik sa Hongyuan Master Teacher Academy kaysa sa pagsayang ng oras niya dito.
Hualala!
Matapos maglakad ng kaunti, nakarinignsi Zhang Xuan ng mabibigat na yabag. Kaagad siya tumalon pataas at nagtago sa puno. Kasunid nito, nakita niya ang ilang malalaking spirit beast na sumisinghot sa lupa bago tumakbo sa direksyonkung saan sila Luo Qiqi at iba pa ay nagpunta.
'Nahanap na nila sila…'
Sumimangot si Zhang Xuan.
Kahit na ang mga spirit beast na ito ay nasa Transcendent Mortal 5-dan lang - maliban kay Ye Qian, si Lu Qiqi at iba pa ay lahat mga 6-dan na eksperto - magiging mahirap pa din itong laban para sa kanila.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com