Kahit na gustong-gusto ito ni Zhao Ya, alam niya n ang dahilan kung bakit pumunta ang guro niya sa Honghai City ay para makuha ang Soulless Metal Humanoid. Kung kukulangin siya sa pera para mabili ito dahil sa pagbili niya ng espadang ito para sa kanya, siguradong pagsisisihan niya ito habang buhay.
Sa pagkakaalam ng mga iniisip ni Zhao Ya, sinabi ni Zhang Xuan, "Sapat na gusto mo ito. Kung kukulangin tayo sa mga spirit stone, maaari tayong humanap ng ibang paraan!"
Hindi madali para makakita ng isang kagamitan na tugma sa isang tao, dahil dito, hindi bumii si Zhang Xuan ng maraming mga gamit para sa kanyang mga estudyante. Dahil nagawa niyang makita ng isa para kay Zhao Ya, determinado siyang bilhin ito para sa kanya.
"Maghanap ng ibang paraan? Ano bang ibang paraan ang mayroon ngayon?" Napaatras si Zhao Ya.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com