Sa loob ng paaralan, umihip ang hangin at kumaluskos ang mga puno.
"Masasabi kong talaga namang kahanga-hanga ang mga klase ni Sun laoshi!"
Habang naglalakad sa may pasilyo, nagkomento si Zhao Wuxing.
Kahit na nasapawan ni Liu Cheng laoshi si Sun Cheng laoshi, na kasabay dumating ni Liu Cheng laoshi sa akademya, may taglay siya na tunay na abilidad.
Kahapon lang siya nakinig sa mga leksyon ni Sun laoshi kasama si Liu Changyan, at malaki ang naging pakinabang nila dito.
"Tama, napakahusay ng pagtuturo niya, sa tingin ko mas mahusay pa siya kaysa kay Hu laoshi!"
Tumango si Liu Changyan.
Yung totoo, yung klaseng gusto nilang pakinggan ay ang klase ni Liu laoshi, ngunit bihira siyang magpakita. Maraming beses na nila siyang hinanap ngunit nabigo lang sila.
Di kalaunan, noong marinig nila ang mga balita na mahusay din ang mga klase ni Sun laoshi, pinuntahan nila ito upang makinig sa kanyang mga leksyon. Sa isang iglap, namangha sila.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com