"Ano?"
"Kami ay mga opisyal na apothecary, at ikaw, isang hamak na apprentice, ay nangahas sabihin na kaya mong alamin ang mga mali namin?"
"Ano bang inaarte mo dyan? Kaming mga apothecary ay maraming nalalaman na paraan. Isantabi na natin kung kaya mong alamin ang mga mali namin, kapag nagawa mong kilalanin kung anong paraan ng paggawa ng mga pill ang ginamit namin, panalo ka na!"
Nang marinig nila ang mga sinabi ni Zhang Xuan, muling sumabog sa galit ang lahat.
Nangahas ang isang mayabang na bata na sabihing may kakayahan siyang malaman kung anong paraan ng paggawa ng mga pill ang ginamit nila at ang mga pagkakamali nila sa pamamagitan lamang ng panonood sa kanila habang gumagawa sila ng pill sa harap niya?
"Nababaliw na ba siya?"
Sa isang banda, pakiramdam nila Ouyang Cheng at Wen Xue na mababaliw na sila.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com