webnovel

Panloloko

Editor: LiberReverieGroup

"Ah?" Hindi niya inasahang magagalit si Shen Bi Ru, nabigla si Shang Bin. Agad siyang nagpaliwanag, "Shen laoshi, hindi ikaw ang tinutukoy ko, si Zhang Xuan ang sinasabi ko. Kung wala siyang pera, hindi siya dapat nanlilibre ng ibang tao. Tingnan mo, pinigilan siya ng waiter, nakakahiya yun. Sinisira niya ang karangalan ng ating akademya…"

Habang nagsasalita siya, lalong dumilim ang mukha ni Shen Bi Ru, hanggang umabot sa puntong sasabog na siya sa galit ano mang oras. Nagtaka si Shang Bin sa nangyayari. Sa mga oras na ito, nababahalang nagsalita ang waiter, "Shang shaoye…"

"Ano yun?" Nakasimangot na tumingin sa kanya si Shang Bin.

"Ehem ehem, yung nanlibre ay si… Shen laoshi!" Ang sabi ni waiter.

Napagsabihan siya na tumulong sa munting palabas ni Shang Bin. Ngunit, hindi niya inasahan na ang binibini pala ang magbabayad ng mga kinain nila. Bago pa niya ito masabi kay Shang Bin, sumugod na agad si Shang Bin sa kanila Zhang Xuan, kaya lalo siyang nahirapan na ipaliwanag ang sitwasyon kay Shang Bin.

"Si Shen laoshi ang nanlilibre?"

Nagulantang si Shang Bin. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.

[Totoo ba 'to?]

Araw-araw niyang inaalok na kumain kasama niya ang binibini at lagi lang siyang tinatanggihan nito. Anong karapatan ng pinaka walang kwentang teacher sa akademya para kumain kasama si Shen Bi Ru, bukod pa dito… nilibre pa siya ng binibini?

"Bakit? Hindi dahil wala akong pambayad ay nagpapaka galante na ako at ipinapahiya ko ang sarili ko, hindi ba!" Masamang tumingin sa kanya si Shen Bi Ru. Ilang beses na siyang napahiya sa harap ni Zhang Xuan ngayong araw at kanina pa sumasama ang loob niya dahil dito. Tapos, ininsulto pa talaga siya ng taong ito. Pakiramdam niya ay kakawala na ang galit niya dahil sa mga nangyayari.

"Hindi, hindi yun ang ibig kong sabihin…" Namutla si Shang Bin at halos umiyak na siya.

Ngayon lamang niya naintindihan na aksidente niyang nainsulto ang kanyang diyosa sa kabila ng pagpapasikat niya sa binibini. Agad niyang ikinumpas ang mga kamay niya para hawiin ang di nila pagkakaintindihan, "Hindi iyon ang ibig kong sabihin, ang gusto kong sabihin ay… ay…"

Nauutal siya, hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag.

Ngunit, gaya ng inaasahan sa isang teacher ng akademya at apo ng isang elder. Sa dami ng nakita at naranasan niya, agad siyang nakabawi at lumingon sa waiter. Maringal siyang nagsalita, "Sige na, ang utang ni Shen laoshi ay utang ko din. Magkano ba ang kailangan kong bayaran? Ako na ang magbabayad para sa kanya!"

"Shang shaoye, isa kang iginagalang na panauhin ng Hongtian Pavilion, hindi namin matatanggap ang pera mo!" Natatarantang tumango ang waiter.

Ito ang mga linyang inihanda nila, para maipagmalaki niya ang kanyang karangyaan at kakayahan sa harap ng kanyang diyosa.

"Maganda yan…" Gusto pa sanang ipagpatuloy ni Shang Bin ang pag-uusap nila upang maipagmalaki na nakahihigit siya sa iba nang biglang umalingawngaw ang boses ni Shen Bi Ru, "Ayos lang, ako na ang magbabayad, para hindi naman masabi ng iba na nagpapaka galante lang ako!"

Sa mga oras na 'to, kumuha siya ng isang hairpin sa kanyang ulo at inabot ito sa waiter, "Ang jade hairpin na ito ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa 5000 pirasong ginto, pwede niyong ipasuri yan sa isang espesyalista. Iiwan ko muna yan sa inyo. Kapag nakakuha na ako ng pera, babalik ako para kunin yan!"

"Ito ay…"

Habang hawak niya ang jade hairpin, hindi alam ng waiter kung anong gagawin niya.

Hindi ito kasama sa napagkasunduan nila…

"Shen laoshi, hindi mo kailangang gawin 'to. Kakilala ko si manager Wu ng Hongtian Pavilion, kaya kapag nagsalita ako, bale wala na yang utang mo na yan…"

Nagmadaling lumapit si Shang Bin.

"Problema mo na yun, ano naman ang kinalaman nun sakin?" Inabala siya ni Shen Bi Ru sa pagsasalita niya. Pagkatapos, lumingon uli si Shen Bi Ru sa waiter at sinabing, "Mauuna na akong umalis kung hindi kayo kukuha ng espesyalista para suriin yan!"

"Ah…" Natatarantang tumingin ang waiter kay Shang Bin at kitang kita ang pagmamakaawa sa kanyang mga mata.

"Anong tinitingin-tingin mo sakin?" Mabilis na ikinumpas ni Shang Bin ang kanyang kamay. Kasabay ng isang mabangis na tingin, nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Hinxi kita kilala!"

"Sige na nga!"

Hindi inasahan ni Zhang Xuan na mauuwi sa gulo ang pagkain nila dito. Umiling siya, at lumapit, binawi niya ang jade hairpin mula sa waiter at ibinalik kay Shen Bi Ru. "Bakit mo 'to binigay sa kanya? Hindi nga aabot sa 1280 pirasong ginto ang halaga ng kinain natin. Para magbigay ka ng ganito kamahal na gamit sa kanila, gusto mo ba talagang magpaloko?"

"Magpaloko? Halos sampung taon nang nakatayo ang Hongtian Pavilion. Patas ang mga presyo ng pagkain dito at hindi kami nangsisino ng mga customer namin. Wala pang tao na nagkaroon ng ganyang problema samin, kaya anong ibig mong sabihin sa mga sinasabi mo?"

Sa oras na nagsalita si Zhang Xuan, lumapit sa kanila ang isang lalaki.

Siya ang manager ng Hongtian Pavilion, si Wu Chou.

Nag-usap na sila ni Shang Bin at hindi siya dapat na magpapakita noong una. Ngunit, nang marinig niya ang sinasabi ni Zhang Xuan tungkol sa panloloko, hindi niya na napigilan ang sarili niya.

Nabaling sa kanila ang atensyon ng iba pang mga customer dahil sa mga nangyari. Kung hindi siya magpapakita at hinayaan niyang magsalita si Zhang Xuan, masisira ang reputasyon ng tavern. Kapag nangyari yun, siguradong papatayin siya ng boss niya, si Elder Hong Hao.

"Anong ibig kong sabihin? Kailangan ko pa ba talagang sabihin?"

Bahagyang dumilat si Zhang Xuan at mararamdaman ang matinding katamaran mula sa kanya.

"Hmph, tanging ang pinaka magagandang sangkap lamang ang ginagamit namin sa bawat lutuin sa aming Hongtian Pavilion, para maihain ang mga ito ng sariwa at masarap. Sumailalim din sa istriktong pagsusuri ng akademya ang mga presyo ng mga pagkain dito. Kung hindi ka makakapagpaliwanag, kahit na teacher ka pa ng akademya o hindi, huwag ka nang mangarap pa na makakaalis ka pa dito!"

Nagdilim ang pagmumukha ni manager Wu.

Para sa isang tavern, ang panloloko sa mga customer ay isang mabigat na kasalanan. Kung hindi niya ito aayusin ngayon, posibleng maipasara ang Hongtian Pavilion kapag kumalat ang ganitong klaseng balita.

"Talagang naghahanap siya ng gulo!"

Noong una, iniisip niyang makakalusot nanaman si Zhang Xuan. Ngunit, nang akusahan ni Zhang Xuan ang Hongtian Pavilion na niloloko nila ang mga customer nila at ginalit niya si manager Wu, nagningning ang mga mata ni Shang Bin habang masaya niyang pinapanood ang mga pangyayari.

Mukha mang mabait at pasensyosong tao si manager Wu, ngunit kapag reputasyon na ng Hongtian Pavilion ang pinag-uusapan, daig pa niya ang isang nagwawalang toro na hindi marunong umatras!

Mukhang minamalas ang pinaka kolelat na teacher sa akademya!

"Anong pinagsasabi ng taong 'to…"

Kitang kita ang pagka taranta sa mukha ni Shen Bi Ru.

[Para maitayo ng ganitong kalaki ang Hongtian Pavilion sa loob mismo ng Hongtian Academy, makikita agad na malakas ang kapit nito. Ang lakas ng loob mong akusahan sila ng panloloko sa harap ng publiko, hindi ka ba naghahanap ng gulo?

Napaka halaga para sa isang ganitong kalaking tavern ang reputasyon nito.]

"Tutal gusto mong magsalita ako, sige hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa!"

Sa kabila ng pagbabanta ni Wu Chou, hindi natinag si Zhang Xuan. Tumungtong siya sa mesa at nagsalita.

"Itong [Violet Savage Bear Meat] na 'to, ang sabi niyo, inihahanda ito sa pamamagitan ng pagkatay sa isang Savage Bear pagkatapos ay ibinababad ito sa mga Violet Flower sa loob ng tatlong araw. Sa ganitong paraan, magiging malutong ang labas nito habang malambot naman ang loob at magiging mahalimuyak ang karne nito. Subalit, hinango niyo agad ito para iprito pagkatapos niyo itong ibabad ng isang araw lang. Kahit na pareho lang ang hipo nito, ang mga katangiang medikal ng Violet Flower ay hindi pa nanuot sa karne, kaya walang kwenta ito kahit na gaano pa karami ang kainin ng isang tao!"

"Itong [Honghu Mandarin Fish] naman, ang sabi niyo ito ay mga wild na mandarin fish mula sa Lake Hong. Ngunit, yung totoo, ito ay mga mandarin fish na kinukuha niyo sa Yeluo Bay. Madali lang malaman ang pinagkaiba ng dalawa. Dahil kinakailangan ng mga wild na mandarin fish na labanan ang mga natural predator nila, ang [Qinghe Turtle], kadalasan ay masmatibay ang palikpik sa buntot ng mga Honghu mandarin fish kaysa sa mga inaalagaang isda. Kailangan mo lang mag-usisa ng konti para malaman niyo kung totoo ba ang mga sinasabi ko!"

"Ito namang [Clear Sautéed Nestled Heart Herb], hindi nga Nestled Heart Herb ang ginamit na sangkap dito kundi Bitter Heart Herb! Yung totoo pareho lang ang mga halamang ito, yun nga lang pinalaki ang mga ito sa magkaibang kondisyon, kaya magkaiba ang pangalan nila. Ang Nestled Heart Grass ay tumutubo sa tabi ng pugad ng mga savage beast at inaalagaan nila ang mga ito. Ang katawan ng mga ito ay mas makapal at higit na mas mataas ang naibibigay nitong nutrisyon!"

"Ang Bitter Heart Herb naman ay tumutubo kung saan-saan at napakamura. Manipis ang katawan nito at higit na mas mababa ang naibibigay nitong nutrisyon! Para sa parehong klase ng gulay, ang pagkakaiba ng kanilang halaga ay halos sampung patong! Sinabi niyong Nestled HeartbHerb ito pero iniluto niyo ito gamit ang Bitter Heart Herb, kung hindi ito panloloko, ano pala 'to?"

Sa pamamagitan lang ng pagturo sa mga pagkain, madaling nalaman ni Zhang Xuan ang pinagmulan at mga kamalian ng mga ito. Nang marinig niya ang mga ito, nawala ang tapang ni manager Wu at namutla ang kanyang mukha.

Bilang manager ng Hongtian Pavilion, hindi lang siya basta humaharap sa mga customer, siya rin ang namamahala sa mga gawain sa kusina. Natural lang na alam niya kung totoo ba ang mga sinasabi ni Zhang Xuan.

Hindi lang siya basta nagsasabi ng walang kabuluhang bagay, ang mga sinabi niya ay… pawang katotohanan!

Hindi ito alam ng boss niya. Para sa sarili niyang interes, palihim na kumuha si Wu Chou ng magpapalit ng mga sangkap nito. Kahit ang mga propesyonal na gourmet ay hindi kayang malaman ang pinagkaiba ng Honghu Mandarin Fish, Nestled Heart Herb at ang mga imitasyon ng mga ito, dahilan para masabing ang mga pamalit sa mga ito ay katulad na katulad ng mga orihinal.

Paano niya nalaman ang mga ito? Higit pa dito, tugmang tugma ang mga sinabi niya.

"Bwisit!"

"Dumayo pa kami dito mula sa malayo para matikman ang Nestled Heart Herb, tapos imitasyon lang pala ang mga 'to!"

"Ako rin. Narinig ko na masarap daw ang Honghu Mandarin Fish, tunay at mabango, kaya naman nagpunta ako dito. Ang lakas ng loob niyong lokohin kami!"

"Refund, refund! Hindi ko maisip na ang numero unong tavern ng Hongtian Academy ay gagamit ng mga imitasyon, bukod pa dun isa akong regular customer! Hindi ko inakalang niloloko niyo lang pala kami!"

Hindi minadali ang mga sinabi ni Zhang Xuan at meron siyang sapat na ebidensya para patunayan ang mga sinasabi niya. Nagkagulo ang mga taong nanonood sa mga nangyayari.

Ang Hongtian Pavilion ay maituturing na isa sa pinaka kilalang tavern, pati na sa buong Tianxuan Kingdom. Maraming mga eksperto ang nagpunta dito mula pa sa malalayong lugar dahil sa mga specialty ng Hongtian Pavilion. Hindi nila inakalang peke pala ang lahat ng mga ito.

Próximo capítulo