At doon pa lamang sa sandaling iyon nang ipihit nito ang katawan na nakita ni Jun Wu Xie, sa
damuhan malapit sa batis, may isang usa na halos hindi na humihinga.
Ang likurang binti ng nakitang batik-batik na usa ay tila nasugatan ng isang matalim na bagay
at umaagos sa sugat na iyon ang pulang dugo, minantsahan ang damong nasa paligid ng paa
nito. Sa lugar kung saan malapit nakahiga ang sugatang binti ng usa, isang kalat ng mga gamot
ang makikita.
Ang munting matandang lalaki gabay ang tungkod nito ay muling naglakad at naupo sa tabi ng
batik-batik na usa, bago ito nagsimulang maghanap sa mga halamang gamot na hawak sa
kaniyang kamay.
"Magtiwa ka Little Spotty. Pagagalingin kita. Malaman ko lang kung sino ang nanakit sa'yo ng
ganito ay pahihirapan ko talaga ang mga tampalasang iyon sinasabi ko sa iyo!" Bulong ng
munting matandang lalaki sa kaniyang sarili sa tabi ngbatik-batik na usa na nakahiga lamang sa
damuhan, hindi tumutugon sa kaniya.
Nakatingin si Jun Wu Xie sa kakaibang eksena sa kaniyang harapan, at kumibot ang isang sulok
ng kaniyang mata.
[Sinong makapgsasabi sa kaniya kung saan nagmula ang matandang lalaking iyon? At sino ang
nagsabi dito na ang Blood Cot Grass ay maaring direktang ilapat sa sugat sa pamamagitan
nang pag-nguya dito!?]
Inisip talaga ni Jun Wu Xie na dapat ay umalis na siya doon at magkunwaring walang nakitang
kahit ano. Ngunit nang makita ni Jun Wu Xie na nagsimulang mglabas ang munting matandang
lalaki ng hindi kilalang sangkap at akmang isusubo sa bibig ng batik-batik na usa, naramdaman
niya na… hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili!
Bilang isang beterinaryo sa nakaraan, hindi magagawang hayaan lamang na manood at makita
ang mga hayop na "pinahihirapan".
"Kung ipagpapatuloy mo iyan, ay hindi na ito mabubuhay ng matagal."Isang malamig ang
nakakakilabot na boses ang biglang umalingawngaw sa tahimik at payapang kagubatan, agad
na napahinto ang munting matandang lalaki na hawak ang hindi kilalang sangkap at
sinusubukang isubo sa bibig ng batik-batik na usa. Ipinihit niya ang ulo at minasdan ang kaakit-
akit na binatilyo, hindi alam kung kailan ito naglakad palabas sa mga puno, bakas sa mata na
hindi ito nalulugod.
"Saan nagmula ang ligaw na batang ito? Iisa lamang ang daan paakyat sa tuktok ng Mount Fu
Yao. Nawawala ka ba at nakayukyok sa likuran ng mga puno?"
Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay lumagpas sa matandang lalaki, walang intesyon na mag-aksaya pa
ng kaniyang hininga dito. Wala talaga itong magandang impresyon sa Middle Realm.
Ang munting matandang lalaki ay nais na tanungin nang maayos si Jun Wu Xie kung saan ito
nanggaling ngunit bigla niyang nakita na naglakad si Jun Wu Xie patungo sa tabi ng batik-batik
na usa at naglabas ng panyo upang punasan ang "hindi kilalang sangkap" mula sa sugat ng
batik-batik na usa. Pagkatapos ay nakita niyang naglabas si Jun Wu Xie ng isang bote ng gamot
at dahan-dahang ibinuhos ang likidong gamot sa binti ng batik-batik na usa.
"Bata! Ano ang ginagawa mo sa aking Little Spotty! Hindi ka puwedeng basta na lamang
magbibigay ng gamot kung gusto mo!" Nang makita ang ginawa ni Jun Wu Xie, ang munting
matandang lalaki ay papilay-pilay itong lumapit habang nagrereklamo, nais niyang pigilan ang
binatilyo. Ngunit halos dalawang hakbang pa lamang ang nagagawa nito nang makita niya ang
sugat ng batik-batik na usa na naghihilom, ang dugo na kania'y umaagos mula sa sugat ay
namuo na.
Ang mata ng munting matandang lalaki ay biglang nanlaki, ang tingin niya ay napako sa bote
ng gamot na nasa kamay ni Jun Wu Xie.
Sinipat ni Jun Wu Xie ang kalagayan ng batik-batik na usa at nang masiguro nito na wala itong
iba pang pinsala ay tumayo na ito upang humayo.
Ngunit napansin niya na ang masungit na munting matandang lalaki ay nakatingin sa bote ng
gamot na tangan niya sa kaniyang kamay at bakas sa mata nito ang isang uri ng pananabik.
"Ah, little brother… Er… Iyan… Iyang bote ng gamot… Saan iyan nanggaling?" Nag-aalangan na
tanong ng munting matandang lalaki na ang mata ay nagniningning.
"May problema ba?" Malamig na tanong ni Jun Wu Xie.
Ang munting matandang lalaki ay pinagdaop ang kaniyang kamay at nahihiyang ngumiti. "Erm,
malaki ang interes ko sa mga bagay na tulad nito. Huwag… Huwag mo akong husgahan sa
itsura kong ito. Sasabihin ko sa iyo, sa katunayan ay isa akong manggagamot!"
"Manggagamot?" Naguluhan si Jun Wu Xie. Maraming beses na niyang narinig ang tawag na
manggagamot sa nakaraang mundo, ngunit hindi dito sa mundong ito.
Nang makita ang reaksyon ni Jun Wu Xie, ang munting matandang lalaki ay mas lalong
nasabik. "Little Brother, hindi mo alam kung ano ang isang manggagamot?"