webnovel

Ang Middle Realm (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa luntiang bulubundukin, malinaw na tubig ang dumadaloy, at ang mga ibon ay

nagkakantahan sa mahalimuyak na mga bulaklak.

Magkakasunod na mga karwahe ang patungo sa batis ng kabundukan, ang mga karwahe ay

puno ng ilang masasayang mga kabataan.

"Iniisip ko kung ilang nakakayanig na kababalaghan ang magpapakita sa Battle of Deities

Grand Meet ngayong taon." Masayang sabi ng isa sa mga kabataan habang minamasdan ang

tanawin sa labas ng bintana, ang mata nito ay puno ng pag-asam.

Ang Battle of Deities na isinasagaw sa Middle Realm isang beses kada sampung taon ay

biglang isinagawa ngayong taon.

Ang Battle of Deities ay inabot ang kanilang mga imbitasyon sa lahat na dalawampu't lima

pababa ang edad, bukas para sa lahat ng mga kabataan na lalaki na walang kaugnayan sa

anumang kapangyarihan. Ang Battle of Deities Grand Meet ay nagsasagawa ng iba't ibang

paligsahan. Mula sa spirit power hanggang sa ring spirits, medikal na kakayahan hanggang sa

pagpapanday halimbawa, hangga't magagawa ng mga ito na manguna, ay makakakuha sila ng

magandang pag-asa upang isulong ang kanilang kasanayan.

Ang Battle of Deities na ginagagawa isang beses tuwing sampung taon ay naging paligsahan

kung saan nakuha ang atensyon ng karamihan. Hindi mabilang na dami ng mga tao ang

pinipiga ang kanilang mga utak upang makaisip ng paraan kung paano nila maisasali ang

kanilang sarili doon, nakikipaglaban sa pagkakataon na maipakita ang kanilang kakayahan,

isang sugal para sa pag-asa ng kanilang hinaharap.

Ang mga tao mula sa buong mundo ay alam na ang kapangyarihan ng Middle Realm ay

nahahati sa One Region, Four Sides, Nine Temples at Twelve Palaces. Ang uri ng

kapangyarihan na mayroon ang One Region sa mga nagdaang taon ay isang bagay na hindi

malilimutan ninuman. Ngunit nang bumagsak ang Dark Emperor, ang One region ay bumukod

at hindi na idinawit ang kanilang sarili sa makamundong gawain ng Middle Realm. Ang Four

Sides ay laging pinanatili ang walang kinikilingan na paninindigan sa loob ng mahabang

panahon at hindi gumawa ng anumang uri ng paghahamon laban sa kanino man, at hindi rin

nagpapahintulot sa kanino man na sumali sa kanilang ranggo.

At sa nagdaan na mga taon, ang Nine Temples ay tila hindi nagpalawak at unti-unting

nasasakop ng Twelve Palaces. Ang dahilan kung bakit naganap ang Battle of Deities Grand

Meet ngayon ay dahil sa Twelve Palaces.

Malinaw sa puso ng lahat na ang Twelve Palaces ay hangad na gamitin ang pagkakataon na ito

upang makasungkit ng mas maraming magagaling na indibidwal upang isulong ang kanilang

kapangyarihan ngunit iniisip rin na siguradong hindi sila papayagan ng Nine Temples na

ganoong lamang kadali mangyari iyon.

Ang tila di-nakakapinsalang Battle of Deities Grand Meet ngayong taong ito sa katunayan ay

puno ng panganib ngunit lahat ng mga bagay na iyon ay hindi alam o naiintindihan ng mga

kabataan na nasa karwahe. Silang lahat ay nagmula sa malayong bayan sa Middle Realm kung

saan ang mamamayan ay pinagsama-sama ang kanilang pera upang makuha ang ilang mga

karwahe at maipadala ang mga kabataan sa Battle of Deities Grand Meet. Ang mamamayan ay

hindi hangad na manguna ang mga kabataang iyon sa paligsahan sa halip ay iniisip nila na ang

papuntahin doon ang mga kabataan ay magbibigay sa kanila ng karunungan at karanasan na

makabubuti sa kanila. Habang ang grupo ng mga kabataan ay namumula dahil sa

rumaragasang kasiyahan na nararamdaman, isang munting anyo ang tahimik na nakaupo at

hindi gumagawa ng anumang ingay sa isang sulok ng karwahe. Nakatungo ito at tahimik na

minamasdan ang pusa sa kaniyang braso, tila hindi alintana ang masayang usapan sa kaniyang

paligid.

"Ngiyaw." Garalgal ng pusang itim na nakatingin kay Jun Wu Xie habang tamad na

iwinawasiwas ang buntot nito.

[Mistress, sa pagitan lang nating dalawa, si Dumb Qiao at sa iba pa, sino sa tingin mo ang

mangunguna sa Battle of Deities Grand Meet?]

Tahimik na umiling si Jun Wu Xie.

Ang ilan sa kanila ay nakarating sa Middle Realm limang araw na ang nakakaraan. Ang ruta na

patungo sa Middle Realm mula sa Lower Realm ay naging kakaiba. Nang sila'y nasa gilid-dilid

na mga lugar, ang nakita nila'y maliliit na mga nayon na nakakalat sa paligid. Ngunit subukan

mong humatak ng isang kabataan sa alinmang lugar sa mga maliliit na nayon na iyon at

malalaman mo na ang kapangyarihan nila ay higit pa sa sinumang tao na nasa parehong edad

na makikita sa Lower Realm.

Hindi nagtagal matapos nila iayos ang mga sarilisa maliliit na mga nayong iyon, ay narinig nila

ang balita tungkol sa Battle of Deities Grand Meet, na naging dahilan upang ang munting

pangkat ni Jun Wu Xie na mga kabataan ay maghiwa-hiwalay.

Gamit ang kapangyarihan ng ilan lamang sa kanila, ang isipin na wasakin ang Twelve Palaces

ay hindi magiging madaling gawin.

Ngunit kung magagawa nilang maglagak ng Soul Purging Nail sa kritikal na meridian ng Twelve

Palaces, ay mas magiging madali iyon sa kanila.

Ang sulok ng mga labi ni Jun Wu Xie ay nakapangingilabot na napangiti.

Ang Twelve Palaces ay gumawa na ng matinding kaguluhan sa Lower Realm sa loob ng ilang

taon. Panahon na upang ang gulong ng kapalaran ay umikot na laban sa kanila ngayon.

Próximo capítulo