Ang mga sinabi ng City Lord ay agad pumukaw nang ingay sa karamihan habang ang lahat ay
di-makapaniwalang nakatitig kay Jun Wu Xie.
Ang mga binanggit ay inilagay ng direkta, iminumungkahi at tahasang sinasabi na ang mga
kabahayan ay hindi talaga ipinatayo ni Jun Wu Xie at sa halip ay sinunggaban ang pagkakataon
bago pa man angkinin iyon ng City Lord, ninakaw ang karangalan na hindi dapat sa kaniya sa
pamamagitan ng pagsasabing itinayo niya iyon!
At sa parehong sandali na natapos ang pagsasalita ng City Lord, hindi mabilang na pares ng
mga naghihinalang tingin ang nakatingin sa anyo ni Jun Wu Xie.
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at sa isang malamig na kislap ay tumingin siya sa City Lord
na binaliktad ang katotohanan ng kasinungalingan.
Nang makita ng City Lord na hindi sumasagot si Jun Wu Xie ay hindi nito makontrol ang
kasiyahan. Ngunit bago pa man niya masiguro ang kapangyarihan ni Jun Wu Xie, ay hindi siya
nangahas na labanan ng harapan si Jun Wu Xie. Tutal, para sa isang kabataan na nagawang
paslangin si Liu Er at grupo nito na higit sa sampung katao, ay kailangan mag-ingat sa
kabataang ito.
Ngunit…
[Kung ang pisikal na lakas ay hindi uubra, may iba pa naman siyang paraan upang gawin iyon!]
[Isa lamang itong bata at walang karanasan na kabataan, paano mangyayari na ang binatilyo
ay tugma sa kaniya?]
"Young Master Jun, dahil nakikita ko na ikaw ay bata pa at walang alam, hindi ko
panghahawakan ang bagay na ito laban sa iyo. Ngunit dahil sa ang pagtatayo ng mga
kabahayan ay hindi pa lubusang natatapos, ay marami pang hindi ligtas na bagay na narito.
Ang pang-ahas na linlangin mo ang mga taong ito sa pamamagitan ng pagtira kasama sila para
lamang makakuha ng papuri upang mapabuti ang iyong reputasyon, hindi ba't tila wala lang sa
iyo ang buhay ng maraming tao?" Pagpapatuloy ng City Lord sa pagdiin ng isyu, tumingin siya
kay Jun Wu Xie na tila nasasaktan.
Sa sandaling iyon, halos karamihan ng mga takas na ang sulyap ay nakatuon kay Jun Wu Xie ay
naging kakaiba.
Naisip nila na ang pagtatayo ng mga kabahayan na ito ay naging kakaiba. Hindi nila
magagawang malaman kung magkano ang halagang inabot sa pagpapatayo ng isang bagay na
ganoon kalaki, ngunit kahit sino ay mahuhulaan na iyon ay talagang napakalaking halaga. [Si
Young Master Jun ay napakabata pa at hindi rin isang tunay na mamamayan ng Clear Breeze
City. Tunay nga bang bukal dito na maglabas ng napakalaking halaga ng salapi upang
makapagpatayo ng magarang tahanan para sa mga taong walang kaugnayan sa kaniya? Kahit
saan tingnan, iyon ay talagang kakaiba.]
Maging ang ilan sa kanila ay mayroong pagdududa sa kanilang mga puso dahil kanilang
naramdaman na napakabata pa ni Jun Wu Xie at ang sinasabi ng City Lord ay mas kapani-
paniwala. Lalo na, ang pagpapatayo ng mga kabahayan na ito ay hindi lang maliit na halaga at
ang City Lord ay naging mabuti sa mga takas, naisip nila na mas kapani-paniwala kung
sasabihin na ang City Lord ang nagpatayo ng mga kabahayan na iyon.
Naharap sa lantarang paninirang-puri ng City Lord at mga nagdududang tingin mula sa mga
takas na ibinabato sa kaniya, si Jun Wu Xie ay nanatiling matatag parang Mount Tai, ang
malamig na tingin ay hindi nakitaan nang pagkatinag sa ilalim ng lahat ng panggigipit.
Pinakita ng City Lord na nagtataglay ito ng katalinuhan, dahil nagawa nitong malinis na maidiin
ang krimen sa ulo niya at lantaran pang inaangkin ang mga kabahayan. Iyon ay isang
magandang pakana dito.
Malamig na tumawa si Jun Wu Xie sa kaibuturan ng kaniyang puso ngunit walang pinakita na
kahit ano sa kaniyang mukha.
Ang katahimikan ni Jun Wu Xie ay naging dahilan upang ang City Lord ay palalong matuwa,
upang tawanan ang kamusmusan ni Jun Wu Xie na naging dahilan upang agad mawala ang
diwa nito kapag naharap sa problema. Sa sobrang pagkataranta ng binatilyo ay wala itong
masabi!
Ang City Lord ay hindi natatakot na si Jun Wu Xie ay pisikal na umatake sa kaniya sapagkat
mayroon siyang mga kawal na nasa kaniyang likuran kaya walang dapay ipangamba. At sa oras
na kumilos si Jun Wu Xie, ay iisipin niyang dala iyon ng matinding galit at kahihiyan at sa oras
na iyon ang pamamahala sa mga kabahayan dito ay magiging napakadali na lamang!
Subalit, akmang handa na ang City Lord na ibuhos lahat ng maruming tubig sa mukha ni Jun
Wu Xie, ang sulok ng mga labi ni Jun Wu Xie ay biglang napangisi at kaniyang sinabi: "Tapos ka
na?"
Bahagyang natigilan ang City Lord.
Patuloy na nagsalita si Jun Wu Xie: "Kung tapos ka na, ako naman." Ipinalakpak niya ang mga
kamay at ang mataas na anyo ni Ye Sha ay biglang nagpakita sa kaniyang tabi!