webnovel

Paglabas sa Lungga (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa top ten magical artifacts na nasa Dark Emperor's tomb, halos isang buwan ang nagugol ni Jun Wu Yao para makapili ng pinaka-magandang magical artifact para kay Jun Wu Xie.

Nakatayo ng tuwid si Jun Wu Xie nang kaniyang lingunin sina Qiao Chu at Hua Yao. Tila ito isang larawang ipininta ng isang mahusay na pintor---kabigha-bighani.

Isang taon na ang nakakalipas at nasaksihan ng grupo ang pagbabago ng panahon sa lugar na iyon.

"Haha! Mahigit isang daan na ang taong naitumba namin ni Brother Hua! Hindi ko mailarawan ang aking nararamdaman!" Bulalas ni Qiao Chu na nagniningning ang mga mata.

Noon, kailangan nilang magtago sa Twelve Palaces sa takot na sila ay patayin ng mga ito. Sa kabila ng galit sa kanilang mga puso, hindi nila mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanilang mga magulang. Ngunit ngayon, mayroon na silang kapangyarihan na dati ay pinapangarap lang nila! Walang mapagsidlan ang tuwa nila ngayong maaari na nilang labanan ang kanilang mga kaaway.

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Hindi niya gaanong binigyang pansin ang pagkasabik ni Qiao Chu.

Matindi ang ginugol nila para sa training at cultivation sa loob ng isang taon, halos hindi na sila natutulog. Naranasan pa nilang tanging gulay at prutas lang ang kanilang kinain sa loob ng anim na buwan. Lahat ng iyon ay para maabot ang kanilang taglay na kapangyarihan ngayon.

Tinapunan lang ni Hua Yao si Qiao Chu ng tingin.

Maya-maya ay dumating sina Fei Yan, Fan Zhuo at Rong Ruo. Muli, nagsama-sama ang grupo.

"Shush! Ayokong marinig 'yang kadaldalan mo!" Agad na sabi ni Fei Yan nang makita niyang akmang magsasalita si Qiao Chu.

Malungkot namang napanguso si Qiao Chu.

Humakbang palapit si Hua Yao at sinabing: "Saming paglalakbay, dinagdagan ng Twelve Palaces ang kanilang pinapadalang tao. Lahat sila ay nagmula sa Middle Realm na sadyang nakakapagtaka.

Alam ng Twelve Palaces ang panganib sa Heaven's End Cliff at para hindi gaanong magamit ang kanilang mga kapangyarihan, gagamit sila ng pain na mga taga-Lower Realm. Ngunit tila nag-iba ang sitwasyon ngayong lumabas sila sa kanilang lungga. Lahat ng kanilang nakaengkwentro ay taga-Middle Realm. Sa bawat paglusob ay dumadagdag ang bilang ng mga ito.

"Noon ay patuloy na ginagamit ng Twelve Palaces ang mga taga-Lower Realm. Bakit ngayon ay tila nag-iba ang kanilang taktika? Hindi ako naniniwalang bigla silang nagkaroon ng konsensya. Tinanong ko sina Big Brother Ye Sha tungkol doon, sabi nila halos kalahating buwan na ang nakakaraan simula nang tumigil ang mga taga-Middle Realm na gumamit ng taga-Lower Realm sa pagpunta sa Heaven's End Cliff." Maingat na saad ni Hua Yao.

Sa loob ng isang taon na sila ay nagku-cultivate, ang tanging lugar na kanilang ginagalawan ay ang Heaven's End Cliff lamang.

Simula nang madiskubre ng Twelve Palaces kung nasaan ang Dark Emperor's tomb, nagsimula silang ikalat ang balita tungkol sa Heaven End's Cliff sa mga taga-Lower Realm. Ang bawat palace ay nagkaroon ng partikular na kapangyarihan bilang pain. Hindi sasayangin ng Twelve Palaces ang kanilang mga tauhan maliban na lang kung alam nila ang eksaktong lokasyon ng Dark Emperor's tomb.

Tumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. Alam niya ang sinasabi ni Hua Yao kaya sinabihan niya si Hua Yao na magmasid-masid.

"Mayroon sigurong nangyari sa Lower Realm o di kaya'y sa Middle Realm para magkaroon ng ganitong pagbabago." Saad ni Jun Wu Xie na bahagyang nakatingin sa lupa.

"Kumusta ang kalagayan niyo?" Maya-maya ay tanong niya.

Nagtinginan si Qiao Chu at ang grupo. Agad naman nilang naintindihan ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie. Nakangiti silang sumagot dito.

"Mas mabuti pa sa mabuti! Handa na kaming lahat na harapin ang kahit na sino!"

Isa-isang tinignan ni Jun Wu Xie ang grupo hanggang sa tumigil ang kaniyang mga mata kay Jun Wu Yao. Walang nakapansin sa pagdating nito. Hindi naiwasang mapangiti ni Jun Wu Xie bago nagsalita.

"Kung gayon, panahon na siguro para bumalik tayo."

Próximo capítulo