webnovel

Patayin (8)

Editor: LiberReverieGroup

Wala naman sa huwisyo si Jun Wu Xie para ipaliwanag ang lahat.

"Buckwheat Kingdom...pero...." Biglang napagtanto ni Qiao Chu na ang mga ito ay may kaugnayan sa balitang kaniyang dala kaninang umaga.

Ngunit hindi niya alam kailan nagkaroon ng kaugnayan si Jun Wu Xie sa mga taga-Buckwheat Kingdom. Dahilan para bigla itong sumugod sa courtyard.

Gulong-gulo na si Qiao Chu sa mga oras na iyon. 

"Si Mistress ay kasama nilang nagpunta dito sa Condor Country." Muling sumagot si little black cat. Hindi nagpakita ang pusa habang sila ay naglalakbay patungong Condor Country. Nanatili itong nakatago sa katawan ni Jun Wu Xie at nanunood lang sa mga nagaganap. Hindi niya akalaing hahantong sa ganitong sitwasyon ang lahat.

Sa wakas ay naintindihan na ni Qiao Chu ang lahat. Napagtanto niyang nasa mahirap na kalagayan ang sitwasyon ng Emperor at ni Grand Tutor He. Naintindihan niya maging sila Hua Yao na hindi na nila dapat abalahin si Jun Wu Xie sa mga oras na ito. Agad na silang lumabas ng silid.

Hindi naman nagsalita si Jun Wu Xie sa loob ng silid. Patuloy ito sa paggamot kay Grand Tutor He.

Gayong malala ang mga sugat na natamo ni Grand Tutor He, iyon ay kayang-kayang gamutin ni Jun Wu Xie. Matapos ipainom ang ilang bote ng premium elixir, bumalik na sa normal ang paghinga ni Grand Tutor He.

Simula't sapul, tahimik lang na nakaupo ang munting Emperor habang nakatingin sa ginagawa ni Jun Wu Xie.

Sumiksik naman sa tagiliran ng munting Emperor sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit. Kahit na nagbago ang anyo ng munting Emperor, natatandaan pa rin nila ito. Alam nilang ito ang batang nagbigay ng nagbigay ng masasarap na pagkain sa kanila.

Ngunit bakas sa mga mata ng dalawang hayop na naguguluhan sila sa sitwasyon. Nawala ang kasiglahan ng munting Emperor at hindi nila maintindihan kung bakit. Wala na rin ang ningning sa mga mata nito.

Tahimik lang itong nakaupo doon at walang reaksyon. "Meh?" Ikinuskos ni Lord Meh Meh ang kaniyang ilong sa paanan ng munting Emperor ngunit wala itong reaksyong natanggap mula sa bata.

Marahang hinila naman ng Sacrificial Blood Rabbit ang laylayan ng pantalon ng bata ngunit wala din itong nakuhang reaksyon sa bata.

Nalungkot ang dalawang Spirit Beast dahil doon. Hindi na sila muling sumubok, humiga na lang sila sa paanan ng munting Emperor.

Nang matapos si Jun Wu Xie sa paggamot kay Grand Tutor He, lumapit naman siya sa munting Emperor para suriin ang kondisyon nito.

Hindi niya na mabakas sa mukha nito ang kasiglahan. Ang mukhang sa ilalim ng ulan ay umiyak ng dalawang patak ng dugo. Naglaho na ang lahat.

Hinawakan ni Jun Wu Xie ang palapulsuhan ng munting Emperor at sinuri ang pulso nito.

Ang pulso nito ay katulad ng sa lalaki kanina ngunit may kaunting pagkakaiba!

Sa lalaki ay gulong-gulo ang pulso at mga ugat nito. Samantalang dito sa munting Emperor ay parang mayroong dalawang pwersang naglalaban!

"Young Miss!" Biglang sumulpot si Ye Sha sa silid.

Kunot-noong sumagot si Jun Wu Xie: "Bakit?"

"Ang iyong lingkod ay may ideya sa nangyayari sa katawan ng munting Emperor." Nakaluhod sa isang tuhod si Ye Sha sa harap ni Jun Wu Xie.

Nagulat si Jun Wu Xie sa sinabing iyon ni Ye Sha agad itong humarap dito.

"Alam mo?"

Tumango naman si Ye Sha bilang sagot.

"Sa katunayan, nagkaroon na ng ganiyang sitwasyon sa Middle Realm noon. Narinig kong binanggit iyon ni Young Master Fan, pero hindi kumpleto ang nalalaman tungkol doon ni Young Master Fan."

Próximo capítulo