webnovel

Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (3)

Editor: LiberReverieGroup

Nagsimulang kumalat ang usok mula sa iba't-ibang direksyon. Maririnig din ang mga pagal na tangis. Mabigat ang loob ng mga mamamayan na lumikas. Hindi nila masilayan ang pag-asa, ang tunog ng patayan ay nagpapalambot sa kanilang mga tuhod, ngunit ang kagustuhan nilang makaligtas ang nagpapatuloy sa kanila para magpatuloy sa paglalakad at makatakas.

"Mama, asan si Papa?" Tanong ng isang batang nasa loob ng basket. Bakas ang takot sa mga mata nito habang nakikita niya ang lungsod na kaniyang kinalakihan na kanilang nililisan.

Nanigas ang likod ng babaeng may dala sa basket na iyon. Agad na tumulo ang luha galing sa mga mata nito. Pinigilan niyang lumikha ng tunog mula sa kaniyang pag-iyak. Tinakpan niya ng kamay ang kaniyang bibig.

"Papa! Papa! Mama, gusto ko si Papa! Sabi ni Papa dadalhan niya ako ng kabayo...Sabi pa ni Papa tuturuan niya ako ng taekwondo..." Nang walang marinig na sagot ang bata mula sa kaniyang ina, wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak. Ang lahat ng taong nakarinig ng iyak na iyon ay natihimik na lang.

Sinariwa ng bata ang alaala ng kaniyang ama na nakasuot ng kalasag. Sa puso nito ay para itong God of War. Naaalala niya pa ang mga makikisig nitong braso na bumubuhat sa kaniya tuwing siya ay umiiyak.

Hindi na napigilan ng ginang ang panlulumbay. Agad itong napaluhod sa lupa sapo ang kaniyang mukha. 

Ang kaniyang asawa ay guwardiya sa lungsod. Noong kaniyang dalhin ang kanilang anak para lumikas, alam nila muling makikita pa ang kaniyang asawa.

Nagpatuloy sa pag-iyak ang bata, ang pigil na tangis ng ginang ay mas lalong nakapagpabigat sa puso ng mga naroon. 

Napakuyom ang kanilang mga kamao at sunod ay tumulo ang dugo mula doon. Isang lalaki ang tumigil sa paglalakad at bumalik sa direksyong pinanggalingan!

"Little Tu! Saan ka pupunta!" Sigaw ng isang babae. 

Saglit na nagdalawang-isip sa paglalakad ang lalaki. Sa kabila ng pagiging bata, determinado ito.

"Mama, ibinuhos ng mga sundalo ng Qi Kingdom ang kanilang buhay para protektahan ang ating mga tahanan at bansa. At ngayon ang Condor Country ay papunta dito at hindi kakayanin ng ating mga sundalo. Kaya babalik ako doon!"

"Pero bata ka pa! Anong magagawa mo!?" Bakas ang takot sa mukha ng babae.

Sumagot ang lalaki: "Kahit na hindi ganoon kataas ang aking spirit power, mayroon naman akong ring spirit! Hindi man ako makakapatay ng marami sa mga kalaban, makakatulong pa rin ang aking ring spirit kahit papaano!"

Nagulat ang lahat sa sinabing iyon ng lalaki!

"Sasama ako!" Sabi ng isa pang lalaki.

"Ako din!"

"Isama mo na ako!"

"Lintek! Hindi tayo mga pagong na itinatago ang mga ulo! Lalaban tayo! Hindi tayo mga duwag at magtatago sa ibang lungsod!" Sigaw ng isa pang lalaki!

Lahat ng mga lalaki sa grupong iyon ay humakbang paharap. Kahit na hindi sila mga sundalo, pero gaya nga ng sinabi ng isang bata kanina, mayroon silang ring spirit!

Kahit na hindi nila matatalo ang kanilang mga kaaway, ang isang kaaway na mapapatumba nila ay kabawasan na rin kahit papaano!

Kumulo ang dugo sa dibdib ng mga kalalakihang iyon. Sinulyapan nila sa huling pagkakataon ang kanilang mga pamilya saka naglakad pabalik sa lungsod!

Próximo capítulo