Marahil sa puntong iyon, ang isip ni Qu Ling Yue ay nasa bingit na ng pagbagsak, iniisip pa rin
nito… na darating si Jun Xie upang sagipin siya.
Pakiramdam ni Jun Xie ay mayroong napakalaking bato na nakadagaan sa kaniyang dibdib, at
iyon ay nagpahirap sa kaniyang huminga.
Hindi nangahas si Ye Sha na hawakan ng magaspang si Qu Ling Yue ngunit hindi niya maaaring
pahintulutan na magpatuloy itong saktan ang sarili. Kaya wala siyang magawa kungdi ang
tanggalan ito ng ulirat at buhatin. Matapos tumango kay Jun Wu Xie ay kinarga niya si Qu Ling
Yue palabas.
Sa loob ng kulungan ay naging tahimik. Ang tanging tunog na naririnig ni Jun Wu Xie ay ang
kaniyang paghinga.
Hindi siya naging mabuting tao, inaksyunan niya si Qu Xin Rui dahil si Qu Xin Rui ay naging
kaaway niya, hindi dahil sa naaawa siya sa sinapit ng Thousand Beast City.
Ngunit nang makita niya ang estado ni Qu Ling Yue, ang bahagyang nawalan siya ng kontrol sa
kaniyang emosyon.
Ang masama at pangit na panig ng mundo, marami na siyang nakitang ganoon, ngunit
mayroon lamang isang bagay, kahit anu pa man, hindi niya nagawa na magwalang bahala!
At iyon ay sa mga gawain ng pagpapahiya sa mga kababaihan.
Ang nakaraan at kasalukuyang buhay, hindi iyon nagbago kahit bahagya.
"Mas masaya siya kung mamamatay kaysa ang magpatuloy na mabuhay." saad ni Jun Wu Yao,
ang mga mata ay nakatuon sa mukha ni Jun Wu Xie.
Ang sitwasyon ni Qu Ling Yue ay malinaw. Ang kaniyang kamalayan ay bumagsak na at kahit
may abilidad si Jun Wu Xie na pagalingin siya, sa lahat nang pinagdaanan nito, ay
magpapatuloy lamang itong mabuhay sa kalungkutan. Ang hindi maburang mga alaalang iyon
ay kasama na niya habang buhay, walang hanggan na magpapahirap sa kaniya.
Nanigas ang labi ni Jun Wu Xie at saglit na natahimik bago nagtanong: "Bakit?"
Isang kakaibang kislap ang nagliwanag sa mata ni Jun Wu Yao.
Biglang itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo.
"Kapag ang babae ay inilagay sa isang hindi masabi na pagdurusa, bakita nila pipiliin ang
kamatayan? Ang lahay ng ito ay hindi niya kasalanan at siya ay isang biktima lamang. Bakit ang
biktima ay hindi kayang magpatuloy na mabuhay? Hindi ko siya hahayaang mamatay.
Pinagdaanan niya ang lahat ng ito at may karapatan siyang mabuhay. Walang lohika sa nuong
mundo na magnanais sa isang babae na hindi pinakitunguhan ng maayos ang hahanapin ang
kamatayan upang mailigtas ang sarili mula sa kalungkutan at pagpapahirap."
Malinaw pa ring naaalala ni Jun Wu Xie. bago siya sumapi sa organisasyon, nang siya ay nasa
munting tindahan ng mga alagang hayop , nang mga panahong iyonm isang umaga ay
nakasaksi siya ng parehong insidente. Isa sa mga katrabaho niya sa tindahan, na umuwing
mag-isa sa kalagitnaan ng gabi ay ginahasa ng grupo ng mga masasamang loob. Sa huli, ang
babae ay pinili na lamang patayin ang sarili gamit ang pampatulog na gamot sa bahay.
Hindi magawang maintindihan ni Jun Wu Xie iyon. Bakit ang mga taong naging biktima ay
kailangang magdusa ng mas latindi kaysa sa pinagdaanan ng salarin. Ang mga babae ay dapat
mag matatag sa kanilang sarili at walang dapat magdesisyon sa kanilang tadhana!
"Hangga't ang tao ay patuloy na nabubuhay, mayroong pag-asa, at mayroong hinaharap.
Kapag sila ay patay na, lahat ay mawawala."saad ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Jun Wu
Yao.
Biglang ngumiti si Jun Wu Yao. Tumingin siya sa maliwanag at nagniningning na mata ni Jun
Wu Xie at mas lumiwanag ang kaniyang ngiti.
"Ito ang pinaniniwalaan mo noon pa man? Kahit malubha ang iyong pinsala noon ay lumaban
ka pa rin upang mabuhay."ang mga salita ni Jun Wu Xie ay nagpaalala kay Jun Wu Yao nang
panahon na sila ay unang nagkita. Ang matinding pinsala na tinamo ni Jun Wu Xie noon ay
wala ng pinagkaiba sa isang patay na tao ngunit hindi pa rin ito sumusuko na siya ay
mabubuhay, at pinakawalan pa siya, isang mapanganib na tao na hindi alam ang
pagkakakilanlan.
"Hanggang ang isang tao ay nais mabuhay, ay walang kahit ano na makakapigil. Naniniwala
ako… malalagpasan ito ni Qu Ling Yue." saad ni Jun Wu Xie sa naniningkit na mata, at hindi
matitinag na katiyakan.
"Little Xie, alam mo ba, sa ilalim ng Heavens, sa isang babae, ang kalinisang-puri minsan ay
tinitignan bilang isang napakahalagang bagay kaysa sa buhay mismo?" tanong ni Jun Wu Yao,
nakataas ang kaniyang kilay. Bagama't wala siyang pakialam tungkol doon, ngunit hindi iyon
maikakaila, isa iyong paniniwala na nakatanim sa utak ng nakararami.