webnovel

Piging Sa Palasyo (5)

Editor: LiberReverieGroup

Ang junior eunuch ay biglang natilihan at tinawag niya ang lalaki: "Lord Grand Adviser! Saan kayo pupunta?"

"Bakit ko sasayangin ang buwan sa ginawa nitong napakagandang tanawin? Ibalita mo sa Kamahalan na mahuhuli lang ako ng konti patungo sa sa piging." Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon, ang lalaki ay humayo na at hindi na muling lumingon pa.

Pagkatapos ng ilang sandali, isang tagasunod ang lumabas mula sa piging upang iparating ang atas ng Emperor na iniimbitahan nito ang Grand Adviser na dumalo sa piging. Ngunit sa huli..ang Grand Adviser ay umalis.

Sinamahan ni Lei Fan si Jun Xie patungo sa Imperial Garden. Ang piging ay hindi pa tapos ng mga oras na iyon kaya naman wala ni isang tao sa loob ng Imperial Garden. Puno ang buong paligid ng mga parol at sinamahan ang liwanag ng buwan na ilawan ang kagandahan ng lugar. Hindi pa panahon ng tagsibol, taglamig pa lamang at ilang araw ang nakakaraan ay malakas na umulan ng niyebe sa Imperial Capital ng Yan Country. Ang puting niyebe ay binalot halos lahat ng lugar sa Imperial Capital at pati na rin ang Imperial Garden, ang niyebe na nasa lupa ngayon ay natunaw na ngunit ang mga sanga at puno ay nababalot pa rin ng maputing niyebe. Ang liwanag ng buwan ay aninag sa puting niyebe, kaya naman tila naging malamig at maliwanag sa gabi ang Imperial Garden.

"Ang Spirit Battle Tournament ay natapos na, ano ang iyong mga plano Jun Xie?" nakangiting tanong ni Lei Fan. Sa kanilang pagpunta doon, sinubukan niya na makipag-usap kay Jun Xie ngunit wala siyang natanggap na anumang sagot mula rito, ang pasensya nya ay unti-unti ng nauubos.

Dumako ang tingin ni Jun Wu Xie sa iba't ibang halaman na nasa Imperial Garden. Dahil sa Snow Lotus na nasa loob niya ay naging mas sensitibo at lumakas ang pakiramdam niya sa buhay ng halaman. Bagama't ang Imperial Garden sa Yan Conutry's Imperial Capital ay tila normal at ordinary lamang, gayunpaman ay nagagawa niyang pakiramdaman na sa ilalim ng puting takip ay may ilang kakaiba na nagtatago sa hardin. Ang mga halaman na iyon ay kayang magbigay ng tamang dami ng spirit power at bagaman ang mga ito ay maputla kumpara sa Snow Lotus, ang mga iyon ay hamak na mas mahusay kumpara sa kayang ibigay ng ilang mga halaman.

"Bakit tinatanong ng Fourth Prince iyan?" sagot ni Jun Wu Xie.

Nakangiting sumagot si Lei Fan: "Sa mga nagdaan na taon, matapos ang Spirit Battle Tournament, ang mga nakakuha ng mataas na ramggo ay pinag-iisipan kung magbabalik ba silang muli sa kanilang paaralan upang magpatuloy sap ag-aaral o kaya naman ay maghahanap ng ibang lugar na mas mabuti para sa kanila. Ikaw Jun Xie ay napakalakas na sa iyong edad at naniniwala ako na marami ang nais makuha ang iyong pabor. Bagaman ilang beses mo ng tinanggihan ang aking taos-pusong alok, nais ko pa rin iabot muli ang aking imbitasyon na sana ay tanggapin mo na maging katambal kita sa pag-aaral. Ayokong makita na ang tao na naging komportable akong kasama ay malalayo sa akin."

Matapos niya magsalita, isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lei Fan na para bang ito ay nalulumbay.

Muli ay natahimik si Jun Wu Xie ngunit ang kaniyang mata ay mariing sinusuri ang mukha ni Lei Fan. Ang sinabi ni Fei Yan kanina ay nagpaalab sa kaniyang interes at sigurado siya na ang mukhang iyon ni Lei Fan ngayon ay hindi ang tunay na anyo nito.

Iyon ang isang bagay kung saan magaling si Jun Wu Xie at hindi mahirap sa kaniya na makita ang totoo sa pagbabalat-kayo ni Lei Fan.

Ang Face Changing ay maaaring hatiin sa tatlong uri. Ang isang paraan ay ang tulad ng kaniyang ginagawa. Tinatakpan ang kaniyang tunay na panglabas na anyo at nagpapalit sa gusto niya na maging hitsura. Ang pangalawang paraan ay ang pag-iiba ng istraktura ng mga buto, nangangailangan dito na galawin ang mga litid at iayos ang mga buto upang mabago ang kanilang hitsura. Ang ikatlong uri ay kapreho sa ginagawa ni Hua Yao, ang Bone Shifting Technique, sa paraang ito ay hindi kinkontrol ang pagbabago sa mga buto, nangangailangan na gumamit ng mga droga at gamot upang muling mahubog at kortehan ang kanilang anyo.

Sa tatlong paraan na iyon, ang unang paraan ang pinakasimple, ngunit iyon din ang pinakamabilis na madiskubre. Hangga't may alam ang isang tao tungkol sa Face Changing, magagawa nito na malaman ang lamat na maaaring magbuko sa kaniya.

At para naman sa ikalawang paraan... naniniwala si Jun Wu Xie, na dahil si Lei Fan ang tunay na anak ng Empress, ay hindi nanaisin ng Empress na sumailalim ito sa sakit at pahirap ng paraan na iyon. Bukod pa doon, masyado pang bata si Lei Fan, ang istraktura ng kaniyang mga buto ay hindi pa ganap na malaki at ang ilagay siya sa ilalim ng talim sa ganoong edad ay hindi garantiya na ang kaniyang hitsura ay hindi magiging ganap na matanda tulad ng nais nila sa paglaki nito.

Próximo capítulo