webnovel

Ang Pang-apat na Prinsipe (5)

Editor: LiberReverieGroup

Ang balita tungkol sa pagbisita ng Fourth Prince sa Battle district ay agad na kumalat sa Imperial Palace. Hindi rin nakaligtaan ang balita tungkol sa pagtanggi ni Jun Xie kay Lei Fan.

Agad na nagpunta si Lei Chen sa Immortals' Loft. Nang makarating siya doon ay kumakain sina Jun Wu Xie. Nang makita nila ang nag-aalalang itsura ni Lei Chen ay tumigil sila sa pagkain.

"Anong nangyayari? Gusto mo bang sumabay samin kumain, Kamahalan?" Tumatawang tanong ni Qiao Chu.

Pinaalis ni Lei Chen ang waiter at umupo sa tabi ni Jun Xie.

"Pinuntahan ka ni Lei Fan?" Tanong ni Lei Chen. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Marahang nginuya ni Jun Xie ang pagkain sa kaniyang bibig saka iyon nilunok. Doon pa lang siya humarap kay Lei Chen at nakitang pinagpapawisan ito ng malagkit.

"Natatakot ka." Kalmado niyang sagot.

Hindi pinansin ni Lei Chen ang kaniyang pag-aalala na mahalata ni Jun Xie. Agad itong tumango.

"Natatakot ako. Takot na takot ako. Para sadyain ka ni Lei Fan ay paniguradong ideya ng aking Ama. Sa ngayon kasi hindi siya pwedeng magpadalus-dalos. Ngunit nakikita niyang napapalapit ako sa inyong mga taga Zephyr Academy. Lahat kayo ay nagpapamalas ng galing sa Spirit Battle Tournament. Kaya naman hindi natutuwa ang aking Ama na mapalapit ako sa mga katulad niyo. Gustong-gusto niya na akong tanggalin bilang Crown Prince para mapalitan ako ng Fourth Prince. Ginagawa talaga nito ang lahat. Kaya paano akong hindi mag-aalala? Kumpara sa kapangyarihan at awtoridad ng Emperor anong magagawa ng isang Crown Prince?"

Walang magawa si Lei Chen kundi ang matakot. Hindi niya rin maintindihan kung bakit gusto siyang tulungan ng grupo ni Jun Xie. Kung dahil ito sa nangyaring set-up noong una, nagawan na iyon ng paraan ni Jun Xie. Kung dahil naman sa kapangyarihan, awtoridad at kayamanan, siguradong mas maganda ang maibibigay ng Emperor ng Yan Country. 

Matapos masaksihan ni Lei Chen ang lakas at talino ni Jun Xie, mas nag-alala siyang magbago ito ng papanigan.

Kalmado itong tiningnan ni Jun Xie.

"Hindi ako interesadong maging study partner ng kahit na sino." Diretsong sagot ni Jun Wu Xie. Kahit na kakaiba ang kaniyang boses, nakahinga ng maluwag si Lei Chen.

"Mababaliw muna si Little Xie bago siya pumayag na maging study partner." Mahinang saad ni Qiao CHu.

Naguguluhang tumingin si Lei Chen kay Qioa Chu. Agad namang yumuko si Qiao Chu sa kaniyang kinakain.

"Sa totoo lang, kung umalis ka sa panig ko, wala akong kalaban-laban sa kanila." Muling nagsalita si Lei Chen pagkatapos nitong magpakawala ng marahas na buntong-hininga. Ang kaniyang mga sinabi ay hindi para matuwa si Jun Xie kundi para magsabi ng totoo.

Kung lumipat si Jun Xie kay Lei Fan, duda siyang makakaya niyang labanan ang mga plano ni Jun Xie.

"Tinanggihan ko." Sagot ni Jun Wu Xie. 

Ang pagbalewala niya kanina sa battle arena ang pinaka-maayos na paraan ng kaniyang pagtanggi. Naalala niya bigla ang itsura ni Lei Fan nang umakyat siya sa battle stage. Halata ditong nagpipigil lang ito ng galit.

"Mas matalino sa'yo si Lei Fan, pero hindi ganon katalino dahil masyado siyang halata." Sabi ni Jun Xie habang karga ang itim na pusa. Kahit na mabilis mag-isip si Lei Chen, hindi nito magagawang umarte katulad ng ginawa ni Lei Fan. Maayos ang pamumuhay ni Lei Fan, matalino din ito. Ngunit ang pagiging mapagmataas nito ang sumisira dito.

Ilang beses niyang tinanggihan si Lei Chen noong una at hindi nagpakita ng pagkainis ang lalaki.

"Matalino talaga siya noon pa man. Kung hindi ako naging Crown Prince bago siya pinanganak, paniguradong natalo na niya ako." Alam niyang hindi niya na kailangang magpanggap sa harap ni Jun Xie.

Próximo capítulo