webnovel

Ang Muling Pagningning ng Zephyr (2)

Editor: LiberReverieGroup

Mula ng lumabas si Jun Wu Xie sa kaniyang silid ay punong-puno na ng tao ang Immortal's Loft. Si Hua Yao at ang iba pa ay napalibutan ng maraming tao at naiipit na sa gitna, ang mga mkuha nila ay puno ng pagkayamot.

"Sa kilalang ginang at mga ginoo! Ako ay mula sa Blue West City, maaari ko bang malaman kung mayroon kayong nais o mga hiling na nais ninyong matupad? Ang Blue West City ay handang ibigay sa inyo ang pinakamahusay na takda!" tanong ng isang malakas at matipunong lalaki, ito ay bukas-palad na parang sinasalubong ang mga kasama.

"Ako ay mula sa Green Flower Castle! Kung mayroon sa inyo ang interesado na sumali…"

"Ako ay…"

"…"

Isang dagat ng mga tao ang nagtutulakan at dumaluyong, hinarangan lahat ng maaaring labasan ng limang magkakasama, hile-hilera ng mga tao ang naglalabanan upang makuha ang kanilang atensyon.

Si Fan Jin na kakaupo pa lamang na Headmaster ay tinutugis din. Ang mga imbitasyon ay patuloy sa pagdating mula sa iba't ibang malalkas na lupain na parang ulan sa dami. Ang tahimk na Immortal's Loft noong isang gabi lamang ngayon ay dinagsa at naging isang sikat na lugar sa buong Imperial City ng Yan Country matapos ang unang labanan ng Spirit Battle Tournament, ang hagdan bago makarating sa pintuan ay punong-puno ng mga tao.

"Hindi kami interesado! Maaari bang padaanin niyo kami! ?" ang mukha ni Qiao Chu ay puno ng disgusto. Nag-antay sila ng buong araw bago ang kanilang unang laban na matapos at masayang inaabangan ang kanilang pagbabalik sa Immortal's Loft upang magpahinga at sabay-sabay na magreklamo sa kanilang mga kasama. Walang nakakaalam na mangyayari ang lahat ng ito sa Immortal's Loft. Hindi na nila nagawa na marating ang kanilang silid dahil sa biglang pagharang sa kanila ng napakaraming tao at napaka imposible ang makadaan, wala rin silang matapakan.

Kung hindi lamang dahil sa reputasyon na kailangan ng Zephyr Academy ng mga sandaling iyon marahil ay tinawag na nila ang kanilang mga kapangyarihan at pinalayas na ang lahat doon.

Talagang nasorpresa si Jun Wu Xie sa biglang dami ng tao sa kaniyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Hua Yao at ng iba pa nang ipakita nila ang kanilang kapangyarihan sa Spirit Battle Tournament. Nang makita ni Jun Wu Xie na ang dami ng tao na nakapalibot kay Hua Yao at sa iba pa ay patuloy na dumarami bawat minuto ay tahimik siyang humakbang ng dalawa paatras. Siya ay maliit lamang at ang atensyon ng mga tao ay nakatuon kila Qiao Chu at sa iba pa kaya walang nakakapansin na may isang "takas".

Nagtungo si Jun Wu Xie sa isang mas tahimik na sulok, ang kaniyang braso ay nakadaop sa kaniyang dibdib, kalmado at hindi apektado na naktingin kay Qiao Chu at sa iba pa na mukhang bigo na dahil sa dami ng tao.

"Sa lahat! Ang mga disipulo ng aming paaralan ay katatapos lamang sa kanilang unang laban at kailangan magpahinga! Kung mayroon man sa inyo ang may nais sabihin, maaari niyong sabihin sa akin ngunit ako ay makikiusap na maaari lamang ay huwag na ninyong istorbohin ang pahinga ng aming mga disipulo." dahil wala ng ibang mapagpipilian pa dahil sa sitwasyon, minabuti ni Fan Jin na ituon na lamang ang atensyon ng lahat sa kaniya.

Nang marinig iyon, ang sabik na mga tao ay mabilis na tumahimik at tumingin kay Fan Jin. Iniisip nila kung mas mabuti ba na ipakita ang kanilang mga pagpapahayag direkta sa mga disipulo o mas angkop na makipag-usap sila kay Fan Jin.

Nang mga sandali na ang lahat ay pinag-iisipan pang mabuti kung ano ang mas angkop gawin ay napansin ni Qiao Chu ang hindi apektadong si Jun Wu Xie sa isang sulok. Nang makita niya si Jun Wu Xie na tumango sa kaniya ay madali niyang inilabas ang kaniyang spirit power sa isang maliwanag na apoy na kulay asul!

Sa isang iglap ang mga taong nakpalibot sa grupo ay biglang umurong at wala sa kanila ang nangahas na galitin ang isang blue spirit.

Nang makita nila na ang grupo nila Qiao Chu ay nagpapakita ng pagkabagot sa kanilang mga mukha, ang mga tao ay madaling naglapitan kay Fan Jin.

"Headmaster Fan Jin, maaari ba tayong mag-usap?"

Mapait ang ngiti ni Fan Jin at walang magawa na tumango habang kumaway kay Qiao Chu at sa iba pa na nakawala na sa nakakabagot na sitwasyon, at kaniyang pinangunahan ang mga tao patungo sa bulwagan sa unang palapag, at tinanggap na lamang ang kaniyang kapalaran.

"Mahabaging langit! Muntik na akong mamatay doon kanina." Nang humawan ang mga tao, si Qiao Chu ay sumalampak sa upuan na nasa gilid ng lamesa. Nang kaniyang maisip ang pangyayari kanina kung saan ay napapalibutan sila ng mga tao na ang tingin sa kanila ay isang malaking premyo ay nagbigay iyon sa kaniya ng kilabot sa buong katawan.

Próximo capítulo