webnovel

Simula ng Labanan (6)

Editor: LiberReverieGroup

Naglalakad palabas ng first district battle arena si Jun Wu Xie at hindi pa ganoong kalayo ang nalalakad niya ng makarinig siya ng mabilis na yapak sa kaniyang likod. Walang malay na lumingo siya at nakita niya ang isang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy na tumatakbo ng mabilis papunta sa kaniya.

"Tungkol sa nangyari noong isang gabi, nais kong…" nakahabol si Lin Qi kay Jun Wu Xie at manghihingi ng tawad sa nangyari noong gabing iyon at magmakaawa kay Jun Wu Xie na huwag sana siyang bugbugin ng sobra sa kanilang laban.

Sa huli, hindi pa niya nagagawang tapusin ang kaniyang sasabihin ng isang magandang anyo ang biglang pumagitna kay Lin Qi at Jun Wu Xie.

"Ang inyong laban ay hindi pa magsisimula, at sa pagitan noon at ngayon, ang patakaran ng Spirit Battle Tournament ay hindi maaari ang paglalaban o pagtutuos." Nakatayo sa harap ni Jun Wu Xie si Qu Ling Yue, hinarangan niya ito mula kay Lin Qi habang madilim na nakatitig kay Lin Qi.

Saglit na nasorpresa si Lin Qi at mabilis niyang nakilala si Qu Ling Yue, ang kaniyang utak ay biglang naguluhan.

[Anong ginagawa ng isang mula sa War Banner Academy ditto sa labas?]

[At… Ano ang ibig niya sabihin sa sinabi niya?]

[Bakit ang tunog ay nais niyang makipaglaban kay Jun Xie?]

Tumingin si Jun Wu Xie kay Lin Qi at Qu Ling Yue na magkasunod na sumulpot doon, napataas ang kaniyang kilay. Bago pa siya makapagsalita ay nakita na lamang niyang hinahatak ni Qu Ling Yue ang kaniyang braso.

"Kung may balak ka gawin na labag sa patakaran, ay ipagbibigay alam ko ang tungkol sa iyo!" naningkit ang mata ni Qu Ling Yue habang mabangis na nakatitig kay Lin Qi, pagkatapos ay mabilis na hinatak si Jun Wu Xie upang magpatuloy sa paglalakad, hindi binigyan ng pagkakataon si Lin Qi na magsalita pa.

Naumid si Lin Qi at nanatili sa kaniyang kinatatayuan, blanking tiningnan niya si Qu Ling Yuen a hinahatak si Jun Wu Xie palayo, lumipas ang ilang sanadali bago siya nakahuma sa kaniyang sarili.

[Sandali lang!]

[Ang dalaga mula sa War Banner Academy ay mali ang pagkakaunawa sa aking intensyon!]

[Hindi ako naghahanap ng away sa batang yun akala mo ba! ? ! Nandito ako upang magmakaawa na mahabag sa aming laban! !]

Alas, nang makahuma siya ay nahatak na ni Qu Ling Yue si Jun Wu Xie at nawala na sa paningin…

Naaramdaman ni Lin Qi na nais niyang tanggalin ang kaniyang mga buhok doon!

Kinaladkad ni Qu Ling Yue si Jun Wu Xie sa ilang mga kalaye bago sila makarating sa kalye na wala gaanong tao. Ang kalamdo niyang mata ay nakatingin sa medyo namumulang mukha ni Qu Ling Yue at ng sa wakas ay makarating sila sa lugar na walang tao ay huminti si Qu Ling Yue. Lumingon siya upang tingnan si Jun Wu Xie at magsasalita pa lamang ng mapansin niyang nakatitig sa kaniya si Jun Wu Xie. Nang mga sandaling iyon, si Qu Ling Yue na kanina lamang ay napakatapang ay mayroong napansin at inalis niya ang kaniyang mga kamay, namula ang maputing pisngi nito.

"Hindi… Hindi… Hindi dapat maunawaan mo… Ako… Ako ay hindi mabuting… Hindi… Hindi ako masama… Natatakot lamang ako na ang tao mula sa Dragon Slayers Academy… ay may gagawin sa iyo… At kailangan ko…" bigla ay naging padaskol-daskol sa pagsasalita si Qu Ling Yue sa tuwing siya ay kinakabahan. Siya ay namumula habang nahihiyang sumulyap kay Jun Wu Xie na mas maliit sa kaniya, tila isa siyang munting hayop na nasugatan.

"Bakit mo ako tinulungan?" kabaliktaran si Jun Wu Xie na kalmado at walang ekspresyon ang mukha. Bagaman hinid niya kilala ang disipulo mula sa Dragon Slayers Academy na humabol sa kaniya, ngunit halata sa ikinilos at salita ni Qu Ling Yuen a pinoprotektahan siya nito.

At nagtaka si Jun Wu Xie dahil doon. Hindi siya naniniwala na siya at si Qu Ling Yue ay magkakilala.

Nagulat si Qu Ling Yue at ang kaniyang isip ay walang malay na naalala ang imahe ng napaka kisig na lalaki sa Flame Spirit Auction House noong isang araw, at bigla ay namula ang kaniyang mukha at parang may lalabas na usok sa kaniyang tainga!

Ang katotohanan na napansin niya si Jun Wu Xie ay noong araw lamang na iyon. Nang makita niya ang hindi kapani-paniwalang makisig na lalaking iyon sa Flame Spirit Auction House at mula sa salita ni Lei Chen ay nagmula ito sa Zephyr Academy. At simula sa araw na iyon, si Jun Wu Xie ay palaging nasa tabi ng lalaking iyon! Nang sandaling makita niya si Jun Wu Xie sa arena, ay nagpaalala kay Qu Ling Yue ang bata at guwapong mukha nito.

Próximo capítulo