Ngayon ay kapansin-pansin na ang pagkakaayos ng mga upuan sa piging na iyon ay binase sa
lakas ng iba't ibang paaralan. Ngunit kahit ganunpaman ang kaso, ay wala rin naman
magagawa ang mga tao, hindi alam kung ganito lang ba ang naging ayos ngayong taon o
lagging ganito ang ayos taun-taon.
Ang tagapaglingkod ay dinala sila Jun Wu Xie at mga kasama malapit sa upuan ni Lei Chen, at
kanilang napagtanto na ang upuan ng Zephyr Academy ay katabing-katabi ng kay Lei Chen.
Ikinagulat ng lahat iyon lalo na at alam nila na ang Zpehyr Academy ay hindi na tulad noon.
Ngunit ang katotohanan na si Lei Chen ay nagpapakita ng pagpabor sa kanila ay hindi
inaasahan ng marami.
"Oh, munting kapatid na Jun, nandito ka." tumayo si Lei Chen ng makita si Jun Wu Xie upang
salubungin siya at ang ginawa niyang iyon ay naging dahilan upang ang mga naroon ay
magulat!
Marami ang nakapansin na ng dumating ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy at War
Banner Academy ay tumango lamang sa kanila si Lei Chen at hindi nagpakita ng kahit na
kaunting pahiwatig na tumayo. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi lamang tumayo si Lei Chen
nagawa pa nitong tawagin ang kaniyang "munting kapatid na Jun"!
Nang mga oras na iyon, lahat ng mata ng naroon ay nakatuon kay Jun Xie na nakatanggap ng
kakaibang pabor mula sa Crwon Prince na si Lei Chen.
Lahat ng naroon ay nakatingin sa isang maliit na bata na may malamig at hindi palakaibigan na
asal. Lahat ng mata ay binista si Jun Xie mula ulo hanggang paa, halatang walang pakialam ang
munting batang ito.
Ang munting batang iyon na mukhang labing apat o labing limang taon lamang at wala ni
katiting na kakisigan. Ano ang nakita ni Lei Chen sa kaniya?
Sa mga kabataan na ginawa ang lahat upang mapansin sila ng Crown Prince upang
mangibabaw sa kanilang mga kauri ay nakaramdam ng lumbay. Nagsikap sila upang makuha
ang pabor ng Crown Prince ngunit ang tanging nakuha lamang nila ay ngiti at pagtango kay Lei
Chen. Ngunit ang batang ito na nagpunta doon na ang mukha ay kababakasan ng pagtanggi ay
binibigyan ng magalang na atnsyon ni Lei Chen!
Nang mga oras na iyon, ang mga kabataan na naroon na nais magmaktol kay Lei Chen ay
nagkaroo ng malalim na poot kay Jun Xie.
Gayunman, walang ekspresyon na tumingin si Jun Wu Xie kay Lei Chen, kahit kaunti ay hindi
siya gumanti sa "mainit na pagtanggap" ni Lei Chen, inalis niya ang tingin dito matapos siyang
sulyapan.
Hindi pinansin ni Lei Chen ang hindi pagtugon ni Jun Wu Xie. Espesyal siyang nagpadala ng mga
tao upang magimbestiga kay Jun Xie, at ang mga disipulo na umalis sa Zephyr Academy ay
kinumpirma na noon pa man, si Jun Xie ay may malamig na personalidad, kahit noong nasa
Zpehyr Academy pa, walang ipinagbago. Narinig din ni Lei Chen ang mga kwento mula sa mga
disipulo tungkol sa "maalamat na kabayanihan" ng muting bata sa Zephyr Academy.
Tuwing siya ay hindi maintindihan, ay hindi siya nakikipagtalo o makikipag-away at kung siya
ay mamayagpag, ay mananatili siyang tahimik.
Alam ni Lei Chen na iilang lamang ang may alam ng Spirit Healing Technique at bihira lang sa
buong kalupaan, at ang departamento ni Gu Li Sheng ay itinatag at kaunting bilang lamang ang
mga disipulo. Bukod doon, ang mga kaalamn ng mga disipulo sa Spirit Healing ay bahagya
lamang, bukod kay Jun Xie. Siya ay naging magaling at nagawa ni Gu Li Sheng na ihayag sa
publiko ang kaniyang papuri sa talento nito! Ang bagay na iyon ang nagpatunay sa halaga at
talento ng bata.
Para sa isang tao na singhalaga ng kaniyang oras upang subukan na hikayatin ito, ay hindi
binigyang pansin ni Lei Chen kung may kakaiba man itong pag-uugali at personalidad.
Hangga't magagmit niya iyon, ang ibang bagay ay maari ng pag-usapan.
Si Qiao Chu at ang iba pa ay naupo na. At dahil ang mga naroon ay ang mga kalahok para sa
Spirit Battle Tournament, ang piging ay puno ng mga bata at masayang-masaya na mga
kabataan.
Nang makita ni Lei Chen na naupo na si Jun Xie, ay minabuti na rin ni Lei Chen na bumalik sa
kniyang kinauupuan. Isang mataba at magarang nakabihis na lalaki ang nakaupo sa tabi ni Lei
Chen. Bigla siyang humilig sa tabi ni Lei Chen at nagsalita: "Bakit kailangang maging magalang
ng aking Royal brother sa mga tao na mula sa Zephyr Academy? Nahulog na sa isang
nakakalungkot na estado ang Zephyr Academy, at magiging mapagkawanggawa na binigyan
mo pa sila ng lugar para sa piging na ito, bakit kailangan na tratuhin mo sila ng may paggalang?
"