webnovel

Ang Ika-walong Sampal 19

Editor: LiberReverieGroup

Paano nangyaring may taglay silang purple spirits?!

Hindi makapaniwala si Ning Rui sa sarili niyang mga mata ngunit ang maliwanag na ilaw ng purple spirit na lumalabas sa

katawan ni Fan Jin at Fan Zhuo ay nasusunog ang kaniyang mga mata sa mga sandaling iyon!

Nang makita ng pinuno ng mga lalaki yung lagablab ng purple spirit power na sumasabog sa katawan ni Jun Xie at sa mga

kasamahan niya, hindi siya makapaniwala. Ang mga kabataang ito ay halatang galing sa Lower Realm, paano nila

nalaman na maaari nilang temporaryong maitaas ang kanilang spirit power level?

Ngunit hindi na ni Jun Wu Xie bibigyan ng pagkakataon ang lalaki na isaalang-alang ang sitwasyon. Sumali na siya kina

Fan Zhuo na umatake sa isa mga lalaking papalapit sa kanila habang si Fan Jin ay pinili ang isang lalaki at sumugod.

Namalayan ng pinuno na magisa nalang siya nang sinugod siya ni Ye Sha at nagtagpo sila sa labanan!

Sa isang kisap mata, anim na maliwanag na kulay lilac na ilaw at isang maitim ang galing sa mga spirit power ang humabi

at naglaban. Mga alon ng spirit energy ang nag-uunahang lumabas, resulta ng patuloy na naglalaban-laban at higit na

malakas kaysa sa naunang labanan ni Ye Sha at Gu Ying!

Ito ang kauna-unahang laban na pinasok ni Jun Wu Xie gamit ang purple spirit power. Hindi niya pa nagagawang pag-

aralan at kontrolin ang bago niyang tuklas na kapangyarihan habang si Fan Zhuo ay kamakailan lang nakabawi at wala

pa sa tamang kondisyon. Kung kaya't nagsanib puwersa sila laban sa dalawa at hindi magiging isyu kung hindi ganoon

katagal.

At isang malaking labanan ang sumabog sa bukana ng Zephyr Academy.

Binuhos ni Ye Sha ang kaniyang buong konsentrasyon at lakas sa pakikipaglaban sa pinuno ng mga kalalakihan. Hindi siya

nagpigil ngayon. Alam niya din ang kalagayan ng spiritual power ng Young Miss at ang tagal para mapanatili ang kanyang

kapangyarihan sa purple spirit level ay napaka-ikli. At kung hindi niya matatalo kaagad ang kaniyang kalaban, si Jun Wu

Xie ay manghihina at paniguradong matatalo!

Sa mga panahong iyon, hindi nag-atubili si Ye Sha maging pabaya. Bawat hampas niya ay nakadirekta sa mahahalagang

parte ng katawan ng kalaban.

Alam ng pinuno na si Ye Sha ang nagbigay ng sugat kay Gu Ying at nag-iingat din siya. Ngunit sa sandaling nagpalitan sila

ng suntok, natuklasan niya na ang kaniyang kalaban ay higit na mas malakas kaysa sa inaasahan niya at ang ikinamangha

niya ay ang itim na liwanag galing sa spirit power na bumabalot sa katawan ni Ye Sha!

Sa buong Lower Realm at Middle Realm, wala siyang nakakitaan ng ganoong spirit powers.

Ang pinuno ay naitutulak ni Ye Sha, sa bawat hakbang ay kumirot ang kaniyang puso habang dumilat ang kaniyang mga

mata at tumitig sa mga malamig na tingin ni Ye Sha.

"Galing ka sa Dark Regime?"

Sino pa kung hindi ang mga tao galing Dark Regime ang tanging nagtaglay ng kakaibang kapangyarihan?

Ang Dark Regime, pagkatapos mamatay ang Dark Emperor, ay ipinatapon ang sarili ng mahabang panahon. Sa

kasalukuyan, bibihira ang makakita ng miyembro ng Dark Regime sa Middle Realm ngunit dahil diyan, walang sino man

ang nagtatangkang galitin ang puwersa na minsang pinagkaisa ang Middle Realm at pinamahalaan ang lahat. Kahit nang

mamatay ang Dark Emperor, ang kakaibang kapangyarihan ng Dark Regime ay patuloy pa din na iniensayo at

ikinakatakot ito ng mga tao sa Middle Realm!

Kumislap ng madilim ang mga mata ni Ye Sha matapos magsalita ang pinuno at ang walang humpay na umatake, mas

lalo pang bumilis ang mga suntok na parang ulan hanggang sa muling pinipilit na pabagsakin ang lalaki!

Nagtagis ang mga bagang ng lalaki, habang gulat na gulat sa kaniyang sariling hula.

[Bakit ang isang kagaya niyang galing sa Dark Regime ay magpapakita dito sa Lower Realm?]

[Natuklasan ba nila ang ginawa ng Twelve Palaces?]

Sa kabilang banda, ngayon palang nadidiskubre ni Jun Wu Xie ang kamangha-manghang kapangyarihan ng purple spirit.

Ngunit habang lumilipas ang oras, nararamdaman na niya ang spirit power niya ay nauubos at napakabilis! Mabilis ang

pagbaba ng kaniyang spirit power kumpara noong nag-eensayo siya!

Ang akala niya mapapanatili niya ang kaniyang spirit power kahit sampong minuto, ngunit sa ganito kalakas na labanan,

matapos lamang ang limang minut, bigla niyang naramdaman ang spirit power power niya malapit ng maubos!

Sa estado ng labanan, gagamitin ang spirit power sa pagatake ngunit malaking kabawasan ito sa isang spirit power ng

tao. Sa kasalukuyang yellow spirit level ni Jun Wu Xie, hindi niya makakayang panatilihin ang spirit power niya bilang

purple level ng matagal!

Próximo capítulo