webnovel

Ang Paghahanda sa Laban (1)

Editor: LiberReverieGroup

Hindi tinigilan ni Ah Jing ang pag-untog ng ulo niya sa sahig. Alam niya ang tanging tao na

makapagliligtas kay Fan Jin ay si Jun Xie at ibinigay ni Ah Jing lahat ng kaniyang pag-asa kay Jun

Wu Xie habang nagmamakaawa at hiyang-hiya sa kaniyang kawalan ng kakayahan nagpatuloy

siya sa kaniyang ginagawa at umaalingawngaw sa tenga ni Jun Wu Xie ang ingay ng sahig.

"Ililigtas ko si Fan Jin." sa wakas ay turan ni Jun Wu Xie.

Itinaas ni Ah Jing ang kaniyang ulo at ang dugo ay umagos sa kaniyang mukha. Isang malaking

ngiti ang nabakas sa mukha ni Ah Jing. Tumingin siya kay Jun Wu Xie sandali, ang puso ay puno

ng pagpapasalamat at muli sanang luluhod at yuyuko nang hilhain siya ni Jun Wu Xie sa

kaniyang balikat.

"Kung ipagpapatuloy mo ang pagluhod diyan ay hindi ko na siya ililigtas." nananakot na sabi ni

Jun Wu Xie kay Ah Jing.

Lubos na ikinagulat iyon ni Ah Jing. Matagal siyang tumahimik bago siya nagdesisyon na

tumayo at magalang na yumuko sa harap ni Jun WU Xie. Ang pagyukong iyong ni Ah Jing ay

matapat.

[Hindi gusto ni Jun Xie ang buhay niya at hindi rin niya inaasahan ang paghingi ng paumanhin.]

Ang bagay na iyon ang dahilan na para bang gusto sumabog ng kaniyang puso sa pagsisisi na

pumuno sa kaniyang kalooban.

[Kung hindi lamang sana niya pinaniwalaan lahat ng kaniyang narinig at inalipusta ang pagkato

ni Jun Xie maaari kaya na hindi ganito ang nangyari ngayon?]

[Sa kakayahan at husay ni Jun Xie kung sakaling nanatili siya sa Zephyr Academy at hindi umalis

maaari kayang hindi nangyari ang mga iyon kay Fan Qi at Fan Ji?]

Habang ang mga iyon ay tumatakbo sa isip ni Ah Jing ay may luha na dumaloy sa kaniyang

mukha. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin upang maibalik sa dati ang lahat.

"Ye Sha." biglang sabi ni Jun Wu Xie.

Ang nawala na si Ye Sha kani-kanina lang ngayon ay narito muli. Itinuro ni Jun Wu Xie si Ah Jing

at sinabi kay Ye Sha: "Dalhin mo siya sa Chan Lin Town at huwag mo hayaan na makita siya ni

Fan Zhou."

Tumango si Ye Sha at si Ah Jing ay gulat na napatitig kay Jun Wu Xie. Narinig niya na binanggit

ang panagalan ng kaniyang Little Young Master!

"Hindi alam ni Fan Zhou ang mga nangyayari dito. Kung nais mo pagbayaran lahat ng mga

naging kasalanan mo kung gayon ay gawin mo at gamitin mo ang natitira mo pang buhay

upang makabawi. Hindi sa akin... kundi kay Fan Jin." naghagis ng dalawang bote ng gamot si

Jun Wu Xie kay Ah Jing. Ang mga sugat ni Ah jing ay hindi malala ngunit ang patubuin muli ang

kaniyang dila ay hindi na magagawan ng paraan.

Ang pagligtas kay Ah jing ay hindi dahil siya ay mabait o mapagpatawad. Iyon ay dahil sa

naramdaman ni Jun Wu Xie na kahit na kung si Fan Zhou o si Fan Jin man, silang dalawa ay

matutuwa na ganoon ang naging desisyon niya.

Hinawakang maigi ni Ah jing ang mga bote ng gamot na hinagis sa kaniya ni Jun Wu Xie, ang

kaniyang mga mata ay patuloy sa pagluha. Naiintindihan niya ang sinabi ni Jun Wu Xie. Siguro

ay nahihibang siya noon ng pagdudahan niya sai Fan Jin at nakagawa ng usap-usapan na nais ni

Fan Jin si Fan Zhou na magdala ng kasamaan sa banal na bulwagan ng Zephyr Academy.

Bagaman hindi intensiyon ni Ah Jing na mangyari iyon ngunit iyon ang naging dahilan upang

ang mataas na reputasyon ni Fan Jin ay bumagsak. At ngayon ang katotohanan na nagawa ni

Ning Rui na ibaling ang krimen na pagpaslang kay Fan Qi kay Fan Jin ng ganun kadali ay dahil

na rin sa impluwensiya ng nakaraang usap-usapan.

Palaging naniniwala ang mga tao na sa ilalim ng magandang pakikitungo na pinapakita nila sa

lahat ay mayroon silang itinatago. At dahil sa palaging napag-uusapan ang mga walang

batayan na haka-haka na iyon, inakala ng lahat na iyon ang totoo at wala sinuman ang

nagtangka na alamin ang katotohanan sa likod niyon.

"Ah... Ah..." nakatingin si Ah Jing kay Jun Wu Xie, namamaos na boses nito.

Gusto niya humingi ng tawad at gusto niyang magpasalamat. Pero nahihiya siya dahil hindi

niya alam kung paano iyon sasabihin ng maayos.

Ngayon na hindi na siya makapagsalita maaraing iyon ang kaniyang parusa mula sa Heavens.

Dahil sa kaniyang kamangmangan at pagiging isip-bata ay nagdala ito ng pinsala sa maraming

tao.

Muling tumingin si Ah Jing kay Jun Xie bago siya sumamang umalis kay Ye Sha.

Sa puso niya ay mataimtim siyang nagdasal na maging maayos ang lahat.

Para kay Fan Jin, kay Fan Zhou at kay Jun Xie.

Nang makabalik si Gu Ying sa maliit na bahay sa kakahuyan ay nakaalis na si Ah Jing. Hindi niya

napansin na wala si Ah jing sa paligid ngunit di alintana ni Jun Wu Xie ang amoy ng dugo kay

Gu Ying.

Próximo capítulo