webnovel

Spirit Rings (1)

Editor: LiberReverieGroup

Unang pagkakataon palang makakita ni Mu Qian Fan ng kabataang galante sa pera. Kahit na kinaladkad na siya ni Qiao Chu palabas sa tuluyan, tulala parin siya.

Nang makabalik si Fan Zhuo at Rong Ruo, nakaalis na sila Qiao Chu. Ang tipak ng itim na bato ay nagdulot lang sa kanila ng Black Silver na kasinlaki ng palad ni Jun Wu Xie.

"Lumabas ang Tangang Qiao para bumili ng mga gamit para sa Heaven's End Cliff, kailan mo masisimulan ang mga gawain mo?" Tinanong ni Fei Yan, ng nakatingin sa maliit na itim na pilak. Ang presyo ng itim na pilak ay napakataas sa Middle Realm, bagaman hindi masasabing napakamahal at mahalaga, malaki parin ang presyo nito.

Bata pa sila noong nasa Middle Realm sila. Narinig na nila ang patungkol sa itim na pilak mula sa mga matatanda, ngunit hindi pa nakakakita nito

"Little Zhuo, kaya mo ba talagang gumawa ng spirit ring gamit ito?" Tinanong ni Hua Yao, hawak ang itim na pilak.

Ngumiti si Fan Zhuo: "Ang paggawa ng spirit rings sa Middle Realm ay iba sa paggawa nila sa Lower Realm. Hindi ito kayang gawin ng ordinaryong tao ngunit sa Middle Realm, may kakaibang propesyon, ang mga Ring Forger. Sila lang ang may kakayahang gumawa ng totong spirit ring at ang nanay ko ay isa sa kanila. Sa panahong nanatili siya sa Lower Realm nang wala ang aking ama, tinuruan niya ako kapag nagkaoras siya."

"Mga Ring Forger?" Tinignan ni Jun Wu Xie si Fan Zhuo. Unang beses niyang marinig iyon.

Nang marinig ito, natuwa si Fei Yan.

"Narinig ko na sila dati. Sinasabing kaunti lang sila at mayroon ang bawat isa sa Labing-dalawang Palasyo. Kapag malakas ang Ring Forger, ganun din kalakas ang kanyang mga gawa! Ngunit hindipa ako nakakakita ng Ring Forger dati, at hindi ko aakalaing anak si Fan Zhuo ng isa!"

"I have heard of Ring Forgers before. It was said Ring Forgers were extremely scarce in numbers and each of the Twelve Palaces employed their own Ring Forgers. The more powerful the Ring Forger himself was, the spirit rings he forged would be more powerful! But I have never met a Ring Forger before, and I 

Ngumiti si Fan Zhuo: "Ang mga benepisyong kayang ibigay ng Ring Forger ay mas marami pa kaysa diyan. Maiintindihan mo pagkatapos kong gawin ang mga spirit ring niyo."

Ang pagtaas lang ng kanilang spiritual power at lakas sa labanan ay hindi sapat na tampok ng isang Ring Forger.

"Little Zhuo, bakit hindi ka gumawa ng sarili mong spirit ring?" Tinanong ni Fei Yan, ng makita ang spirit ring sa daliri ni Fan Zhuo. Parehas ito sa kanila, karaniwan lang at hindi pa nagagalaw.

Tinaas ni Fan Zhuo ang kamay niya, at tinignan ang singsing sa kanyang daliri: "Bago ito, hindi ko alam kung gaano pa ako katagal mabubuhay, at hindi ko naisipan iyon." Tinignan niya si Jun Wu Xie.

Sumuko na siya noon, ngunit linabas siya mula sa kawalan ng pag-asa. Nang may pag-asa sa harap niya, ginanahan siyang mabuhay pa.

Napanganga si Fei Yan, na parang mali ang tanong. Tinapik niya ang braso ni Fan Zhuo: "Kasama mo kami sa hinaharap. Sa paglalakbay natin, magkasama tayo."

Tumango si Fan Zhuo ng nakangiti.

"Sa totoo lang, maliban sa aking problema sa katawan, wala rin akong mga gamit para gumawa ng mga spirit ring. Ang paggamit ng pangkaraniwang bakal ay gagawa lang ng pangit na spirit ring at sayang lang ito dahil hindi lalabas ang totoong kakayanan ng Ring Forger. Ngunit hindi na natin kailangang magalala dahil marami na tayong itim na pilak. Sayang lang na wala tayong itim na ginto, mas malakas ang gawa nito."

"Itim na ginto….." Nanigas si Hua Yao.

"Ano yun?" Tinanong ni Jun Wu Xie.

Nanliit ang mga mata ni Hua Yao: "Ang itim na ginto ay napakadalang at napakamahal. Kahit sa loob ng Labing-dalawang Palasyo sa Middle Realm, ilan lang ang mayroong spirit ring na gawa sa itim na ginto. Narinig ko, na ang mga spirit ring na gawa sa itim na ginto, ay may napakahusay na lakas. Maliban sa pagpapalakas sa spiritual power at paglaban, kaya rin nilang…. ibahin ang anyo ng kanilang spirit ring."

Próximo capítulo