webnovel

Ang Malakas na Ihip ng Hangin (3)

Editor: LiberReverieGroup

"Ang katotohanan niyan ay si Li Zi Mu ang nagsimula ng lahat at si Yin Yan ay nalinlang lamang." Makahulugang tiningnan ni Ning Rui si Ning Xin.

Nagningning ang mga mata ni Ning Xin at isang ngisi ang makikita sa kaniyang mga labi.

"Ang ibig sabihin ni ama ay dapat na humingi ng patawas si Yin Yan kay Jun Wu Xie."

Tumango si Ning Rui. "Sa pagkakataong ito, huwag mo na akong bibiguin pang muli." Matigas na tiningnan ni Ning Rui si Ning Xin, ramdam niya ang lamig sa mga mata nito. Kahit pa magkadugo sila, takot pa din siya sa kaniyang sariling ama.

"Hindi kita..." Lumunok si Ning Xin at mabilis niyang sinigurado sa ama.

Ngunit hindi umayon ang mga plano nila Ning Xin at Ning Rui. 

Si Lu Wei Jie at ang dalawampu pang disipulo ang ginawang panakip butas ni Ning Rui sa gulong ginawa ni ng kaniyang anak na si Ning Xin. At dahil si Lu Wei Jie ay may gusto kay Ning Xin, maitatago ni Lu Wei Jie ang buong katotohanan para sa kaniya.

Subalit...

Itinago ni Ning Xin ang katotohanang ito kay Ning Rui. Upang maisalba ang kaniyang sarili, si Yin Yan lamang ang isinama niya pabalik at iniwan si Lu Wei Jie at ang iba pang kasamahan nila na muntik nang kumitil sa kanilang mga buhay.

Kung titingnan ang mga naganap, walang rason si Lu Wei Jie upang pagtakpan si Ning Xin, lalo pa't nalaman niya na siya at ang dalawampu pang mga disipulo ay mapapaalis sa Zephyr Academy habang si Ning Xin at Yin Yan ay hindi manlang mapaparusahan.

Labis na nagalit si Lu Wei Jie!

Sa pangunahing pinto ng Zephyr Academy, mahigit sa dalawampung disipulo na napaalis ng Zephyr Academy ang nakatayo, hilam ang kanilang mga mukha ng luha. Hindi na nila suot ang uniporme ng Zephyr Academy, nakatayo lamang sila habang nakatingin sa Zephyr Academy na naging bahay na nila.

Inalala nila ang unang araw na dumating sila dito, puno ng determinasyon na makamit ang kanilang mga pangarap at kanilang sa mga nagtagumpay na pumasa sa Zephyr Academy sa kabila ng maraming aplikante at pinangarap na umangat ang estado sa buhay. Pero ngayon, wala nang natira sa kanila. Hindi nila natapos ang kanilang pag-aaral at nasibak pa sa Zephyr Academy. Lahat ng kanilang mga pangarap ay nadurog ng pinung-pino.

"Senior Lu, ano na ang gagawin natin?" Malungkot na tanong ng isa sa mga disipulo kay Lu Wei Jie. Sa harap ng tarangkahan, maraming disipulo ang nanood sa mga inabandonang mga disipulo.

Namutla ang mukha ni Lu Wei Jie habang nakatingin sa mga nagbubulungang mga disipulo. Umusbong ang galit sa kaniyang dibdib.

"Anong gagawin?! Dahil hindi tayo binigyan ng pagkakataon ng Zephyr Academy, dapat lang na hindi na natin sila bigyan ng importansiya! Isasama natin sila sa ating pagbagsak!" Galit na sigaw ni Lu Wei Jie.

Pagkatapos silang paalisin sa Zephyr Academy, sinabi pang sila ay may kuwestiyonableng personalidad at kasuklam-suklam na ginawa.

Dahil sa mga binitawang kataga, para na rin pinatay ng Zephyr Academy ang kanilang kinabukasan. Dahil dito, sino pa ang tatanggap sa kanila?

Halos sumabog na sa galit si Lu Wei Jie. Ang kaniyang mga pangarap ay unti-unti nang nakakamit. Dahil naging pangalawa siya sa nakaraang taong Spirit Tournament, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Ngunit nalinlang siya ng isang tusong babae at nakagawa ng isang napakalaking pagkakamali na siyang sumira sa kaniyang kinabukasan at ang buong responsabilidad ay sa kaniya ipinaako. Ngunit ang taong siyang may pakana sa lahat ay ginamit ang posisyon at kapangyarihan ng ama nito upang makatakas sa kaniyang mga ginawa. Hindi siya napaalis ng Zephyr Academy at tinatamasa pa rin ang kaniyang mataas na posisyon bilang Senior Ning na iginagalang ng lahat ng disipulo.

Dahil lang sa ano?

Ang walang hiyang babaeng iyan, bakit niya hahayaang makuha nito ang magandang kinabukasan na ipinagkait sa kanilang lahat?!

Ang galit na namumuo sa kaniyang puso dahil sa hindi makatarungan na nangyari sa kanila. Nagkaroon siya ng tapang at determinasyon na humakbang paharap ng tarangkahan ng Zephyr Academy, sa harap ng lahat ng disipulo at malakas na sumigaw!

Próximo capítulo