webnovel

Babaeng Makamandag (2)

Editor: LiberReverieGroup

Bata pa lang si Fan Zhuo ay sakitin na talaga ito. Laging protektado ni Fan Jin ang kaniyang kapatid na madalas na may sakit. Si Fan Qi at Ning Rui ay parehong disipulo at lumaki si Ning Xin kasama ang magkapatid na Fan. Nang sila ay mga bata pa, nakababatang kapatid na ang turing ni Fan Jin kay Ning Xin na malambing at maalaga kay Fan Zhuo. Kaya naman naisip na niyang magiging hipag niya ito sa hinaharap.

Ngunit ngayon, matapos niyang marinig ang sinabi ng bata kanina, bigong-bigo si Fan Jin para itong kinuryente.

Kahit na alam niyang si Ning Xin ang mentor ni Yin Yan, hindi pa rin makapaniwala si Fan Jin na ang kaniyang tinuring na kapatid ay gusto siyang patayin.

"Hindi kaya ay hindi lang ito malinaw na pagkakaintindihan?" Tanong ni Fan Jin na nagtatagis ang mga ngipin.

Tumingin si Jun Wu Xie sa naguguluhang si Fan Jin, hindi siya sumagot dito. Ganon ang ugali ni Fan Jin. Masiyahin, mapagbigay at tagpagtaguyod ng hustisya. Kung hindi ay hindi ito tatayo para depensahan si Jun Wu Xie nang talikuran ito ng lahat.

Ang taong katulad nito ay madalas na may busilak at dalisay na puso. Kung ang taong ito ay patuloy na mamumuhay ng ganito, hindi malayong maging bayan itong tinitingala ng lahat. Ngunit ang taong iyon ay may kahinaan rin. Masyado itong mapagtiwala sa mga tao na pakitaan lang ito ng kaunting kabaitan ay pagkakatiwalaan na agad nito. Sa madaling salita, masyado itong inosente ngunit sa katunayan ay tatawagin itong tanga ng mga tao.

Kung ito ay diretsong atake kay Jun Wu Xie, pinatay na niya siguro iyon. Ngunit hindi talaga siya ang tunay na puntirya at naisip niyang nasa kamay ni Fan Jin ang desisyon kung sino ang ititira nitong buhay at kung sino ang papatayin nito.

Ngunit kapag hindi pa rin nagtatanda si Yin Yan at Ning Xin at nagpatuloy pa itong subukan siya, hindi siya magdadalawang galawin ang mga ito.

"Little Xie, maaari ka bang pumayag sa isang bagay?" Biglang tanong ni Fan Jin kay Jun Xie.

"Sabihin mo, ano 'yon?" Saad ni Jun Wu Xie na walang kahit anong emosyon.

"Bago maklaro ang lahat, wag mong gagalawin si Ning Xin ngayon lang." Saad ni Fan Jin na nakatiim-bagang. Matapos nitong masaksihan ang kakayahan ng grupo, alam niyang madali lang para kay Jun Xie kung gugustuhin lang nitong patayin si Ning Xin. At kung dahil kay Ning Xin ang lahat ng pinagdaanan ni Jun Xie, mayroon itong sapat na dahilan para patayin niya ito.

Subalit...

Kapag naaalala niya ang imahe ng batang babae na laging nasa paligid niya at tinatawag siyang "Kuya Jin" at ang Ning Xin na iyon ay mamamatay, hindi maiwasan ni Fan Jin na sumikip ang kaniyang dibdib. Kailangan niyang magpakamanhid sa kaniyang mga nalaman at hilinging mali lang siya ng pagkakaintindi.

"Isang beses lang." Sagot ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Fan Jin. Himalang pumayag ito sa gusto ni Fan Jin.

Ang unang beses na pumayag siya sa isang pakiusap ay kay Mo Qian Yuan, dahil gusto niyang matuto ng leksyon si Mo Qian Yuan. Kay Fan Jin naman, para iyon bayaran ito sa pagpoprotektang ipinakita nito sa kaniya.

Maaaring wala gaanong alam si Jun Wu Xie sa mga relasyon ng tao, ngunit may isang nakatatak sa kaniyang isipan. Sinuman ang itrato siya ng mabuti, ay makakatanggap ng mas maraming kabutihan galing sa kaniya.

Sa katunayan, naparito siya sa Zephyr Academy para sa isang layunin. Matapos na mahanap at makuha nina Hua Yao ang mapa, hindi na sila magtatagal dito sa academy. At ang kaguluhan sa pagitan ng Fan Family at Ning Family ay hindi na niya problema. Dinumihan na niya ang kaniyang kamay ngayong lumabas na ang katotohanan.

"Salamat." Saad ni Fan Jin na nakahinga ng maluwag. Nang sila ay pumasok sa Battle Spirits Forest, doon lang napaatunayan ni Fan Jin na hindi mahina si Jun Xie gaya ng iniisip niya. Maaaring malamig at hindi ito malapit sa karamihan, ngunit hindi ito dapat na binabangga.

Hindi mo iyon malalaman kung nanahimik lang ito, ngunit kapag lumaban at gumanti ito, hinding-hindi mo iyon makakalimutan sa tangang buhay mo!

Próximo capítulo