webnovel

Coercion (3)

Editor: LiberReverieGroup

Matapos lisanin ng Qing Yun Clan delegates ang main hall, gusto ni Jiang Chen Qing na hatiin ang grupo sa dalawa para kunin ang Soul Jade.

"Katawa-tawa! Ano sa tingin ng hangal na Emperor na iyon ang iniisip niya? Akala niya ba'y maitatago niya ang Soul Jade!? Elder, tingin mo ba ay totoo ang sinasabi niyang nakalibing talaga ang Soul Jade kasama ng kanilang mga kapamilya?" Hindi napigilan ng ibang mga disipulos ng Qing Yun Clan ang magtanong kay Jiang Chen Qing.

"Napakaliit lang ng Kingdom of Qi, kung may lakas siya ng loob na lokohin tayo, sisiguraduhin kong pagsisisihan niya iyon."

Ang Qi ay itinatag mas mababa pa sa isang siglo. Ang kanilang pundasyon ay hindi pa ganoon katatag ganun din ang kanilang military. Bukod sa iba-ibang kapangyarihan ng mga ito, sila ay isa lamang maliit na kaharian. At ang pagpoprotekta sa kanilang bayan ay nakaasa sa Rui Lin Army ng Jun Family.

"Dating nabanggit ng dating Emperor ang tungkol sa pagkakalibing ng Soul Jade kasama ni Jun Gu. Mukhang hindi nila alam ang kakayahan ng Soul Jade at isinama ito sa pagkakalibing sa kanilang yumaong kapamilya." Mahinahong saad ni Qin Yu Yan.

Hindi siya naniniwalang may lakas ng loob na magsinungaling si Mo Qian Yuan tungkol sa kinaroroonan ng Soul Jade.

"Narinig kong nabanggit ng Sovereign na may alitan ang dating Emperor sa Jun Family. Nag-aalala ang dating Emperor na malamangan siya ni Jun Xian pagdating sa reputasyon at serbisyo. Kaya naman gusto nitong lipulin ang buong Jun Family. Ginamit nito ang Soul Jade para magpatala ng tulong ng Qing Yun Clan upang magawa sila ang gumawa ng ninanais nito. Tingin ko'y ganoon din ang intensyon ni Mo Xuan Fei kung kaya naman ay ganun na lang kadaling natalo si Yun Xian dito. Tingin ko rin ay ginamit ng mga ito si Yun Xian para mapadali ang pagkuha sa loob ng Qing Yun Clan." Mahabang paliwanag ni Jiang Chen Qing.

Interesado pang makinig at makaalam ang mga disipulo, sila ay nagtanong:"Ganon ka-tanga ang dating Emperor? Kung wala ang Rui Lin Army sa Kingdom of Qi, hindi ito makakaligtas sa ibang malalakas na pwersa. Para pawiin ang Jun Family, ang tanging nagpoprotekta sa kaharian simula pa ng ito ay nag-uumpisa pa lang umusbong, hindi ba't para silang nagpapakamatay noon?"

Imposible para sa isang maliit at mahinang kaharian ang makaligtas sa malalakas na pwersa kung wala silang masasandalan.

Ang Rui Lin Army ng Jun Family ang kanilang sandata. Hindi sila nasasakop dahil dito.

Gustong sirain ng dating Emperor ang sandatang iyon. Isang malaking katangahan.

"Mahirap maintindihan ang utak ng mga mahihina. Wala akong interes sa kung pano ang mangyayari sa Kingdom of Qi.Ang dating Emperor ay patay na, ang kondisyon sa pagitan natin at ng Qi ay maaaring mabago. Naipadala na ang mga gamot at kailangan na lang natin makuha ang Soul Jade. Anuman ang mangyari sa Qi, wala na tayong pakialam doon." Nakangiting saad ni Qin Yu Yan.

"Ang ibig sabihin ng Eldest Miss ay, hindi alam ng batang Emperor na kasama sa kusunduan natin at ng dating Emperor, ang protektahan sila ng Qing Yun Clan sa loob ng dalawampung taon laban sa mga gusting sumakop ditto." Natatawang paliwanag ni Jiang Chen Qing.

Napangiti naman si Qin Yu Yan, "Kunin na ang Soul Jade at iwan at kalimutan na natin ang lugar na ito sa lalong madaling panahon."

Lahat naman sila ay napangiti sa sinabi ni Qin Yu Yan. Sila ay naghati na sa dalawang grupo at nagtungo sa itinalaga sa kanilang destinasyon.

Hindi naman napansin ng Qing Yun Clan ang isang matangkad at gwapong lalaki na may kargang isang maliit na babae, ang mga ito ay nasa taas lamang nila at nagpapalutang-lutang. Narinig ng dalawa ang lahat ng kanilang mga napag-usapan.

"Sila baa ng mga taga-Qing Yun Clan?" Tinignan ni Jun Wu Xie ang likod ng mga ito. Bakas s kaniyang mga mata ang malamig na tingin nito. Wala siya sa main hall kanina, ngunit base sa kaniyang narinig, tingin niya ay hindi alam ni Mo Qian Yuan ang buong kasunduan.

"Ang mga iyon ay parang langgam lang na walang pakialam. Kailan ibig ng aking little darling na sila ay mamatay?" Napaangat ang kaliwang labi ni Jun Wu Yao. Kung ang premyo ng isang ngiti ni Jun Wu Xie ay ang dugo ng mga iyon, iyon ay isang malaking karangalan dapat sa kanila.

Próximo capítulo