webnovel

Lumugar ka (4)

Editor: LiberReverieGroup

Nagulat si Jun Qing, may balak si Jun Wu Xie na dalhin ang galit ng mga tao sa mga makakapangyarihan?

"Paano ka nakasisiguro, na ang limampung namatay ay galing sa Palasyo?" Tama si Jun Wu Xie, na hindi basta basta madadamay ang mga pamilya ng mga lingkod ng bayan. Pero sa pagkalat ng lason sa buong bayan, magaalala sila sa mga kapamilya nilang nasa palasyo at magtatanong sa kalagayan nila.

Higit pa, lininaw ni Long Qi at ng kanyang mga tauhan, na pinamigay ang pangremedyo sa mga mamamayan, at hindi sa palasyo.

Ang mga pamilya ng mga lingkod ng bayan ay nagdala mismo ng mga pangremedyo sa loob ng Palasyo, para masigurong ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa ganitong pamamaraan, hindi na kailangan ni Jun Wu Xie na gumalaw. Gagawin na ito ng mga mamamayan sa sarili nila.

"Ang gumawa ng mapanirang gawain, gagamit ba sila ng mga ordinaryong tao?" Sinabi ni Jun Wu Xie na parang katotohanan. Isang gawaing dadamay sa lahat ng mamamayan ng kaharian, pati ang Emperador, paaalisin siya ng mga galit na mamamayan. Sa mga nakataya, hindi nila susubukin.

Kung hindi sila katulong o bating, manggagaling lang sila sa mga gwardya ng palasyo, sa hukbo ng Yu Lin, at sigurado si Jun Wu Xie dito.

"Pero pag nalaman ito…" Hindi na sinubukan ni Jun Qing na isipin ang mga kaparusahan pag nalaman ng mga tao, na ang mga namatay, ay nanggaling sa Palasyo.

"Gagamitin mo ang galit ng mga mamamayan, laban sa Emperador?" Tinanong ni Jun Qing.

Tumango si Jun Wu Xie.

"Sa paghihiganti, ako ang kikilos."

Pag ginawa ng iba, hindi siya kasiya-siya…

At, gamit ang nagkakagulong mga tao, laban sa Emperador, nawawalan ng dating.

Kinilabutan si Jun Qung habang pinagmamasdan si Jun Wu Xie. Hindi niya alam kung ano ang mga balak niya, ngunit malinaw ang isang bagay. Sinuman ang habol niya, tila naglalakad ng patay!

"Sinabi mong ang lason ay gawa ni Bai Yun Xuan? Wu Xie, marami patungkol sa Qing Yun Clan ang hindi mo pa alam, gusto ko lang sabihin na, kung ang Emperador ang habol mo, kaya mo itong gawin ng totoo at maluwalhati sa ilalim ng pangalang ni Mo Qian Yuan bilang Prinsipeng Tagamana. Ngunit pag sa Bai Yun Xian, kailangan mong alalahanin na kakampi niya ang Qing Yun Clan. Hindi mahirap ang patayin siya, ngunit ang pag-laban sa Qing Yun Clan ang magiging mahirap." Binalaan siya ni Jun Qing. Matapos siyang sabihan na ang lason na pumatay kay Lin Yue Yang ay parehas sa pumatay sa limampu, at gawa ito ni Bai Yun Xian, alam niya, na hindi siya palalampasin ni Jun Wu Xie.

Napaisip si Jun Wu Xie. Wala siyang masyadong alam sa Qing Yun Clan, kundi ang mga naririnig lamang niya sa mga nakapalibot sa kanya na nagsasabing pinalawak nila ang kanilang sakop sa tulong ng kanilang kaalaman sa medisina. Ang Qing Yun Clan ay kinikilala ng maraming kaharian, at kaunti lang ang lumalaban sa kanila, hindi takot sa kanilang lakas, kundi sa kawalan ng kaalaman sa medisina.

Takot ang lahat sa kamatayan, at marami ang nagnanasa sa tulong ng Qing Yun sa mga panahong ito.

Ang pag-asang ito, ay mukhang kaunti. Ngunit kapag nagtawag sila ng tulong, ang nakakatakot para sa kanilang mga kalaban, ay ang sagot ng lahat ng may utang sa Qing Yun Clan, at sa naghahanap ng kanilang kaalaman.

Maliban sa iba't ibang kaharian, hindi rin dapat maliitin ang pwersa ng mga nomad, at ang kapangyarihan ng mga ermitanyo.

Ilan lang ito sa mga pwersa at lakas, na nasa kontrol ng Qing Yun Clan.

Kapag piniling labanan ng angkan ng Qing Yun ang Pamilya ng Jun, ito ang pinakamahirap na labang haharapin nila!

Ang lakas ng maraming hukbo na galing sa lahat ng direksyon, ay hindi mapipigilan ng isang hukbong may maliit na ilang-daang libo!

Próximo capítulo