"Elder Dongfang?!" Noong narinig nila ang mga sinabi ni Duan Ling Tian, ang pangkat ng nakapaligid na mga outer court disciple ay nagulat.
Iisa lang naman ang Elder Dongfang sa kanilang outer court disctrict, hindi ba?
Hindi lamang iyon, siya rin ay ang grand elder ng outer court na namumuno sa buong outer court. Sa Moon Illumination Sect, ang posisyon ni Elder Dongfang ay mas mataas kaysa sa ilang elder ng inner court.
"Pssst!" Natawa na lamang si Deng Wei. "Duan Ling Tian, sa tingin ko ay kalokohan na ang sinasabi mo! Sino ka ba upang pakiusapan si Elder Dongfang na maging iyong saksi at tagagarantiya?"
Sa parehas na sandali, ang tingin ng pangkat ng mga outer court disciple na nasa paligid ay napuno rin ng pagdududa. Hindi nila pinaniniwalaan ang mga sinabi ni Duan Ling Tian.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com