webnovel

You Han Valley

Editor: LiberReverieGroup

Habang nagsalita si Duan Ling Tian, isang enerhiya na mayroong limang kulay ang lumitaw mula sa kanyang katawan at nagbagong-anyo at naging malaking kamay sa ibabaw ng ulo ng 'di gaano katandang lalaki.

Pumaibaba ang higanting kamay at nayanig nito ang hangin, at nagdulot ito ng tila lindol na ugong.

Sa isang iglap, bago pa siya makatugon, ang 'di gaano katandang lalaki ay nabalot ng higanting kamay na patungo na sa lupang kanyang tinatapakan.

Bang!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw noong tumama ang kamay sa sahig. Ito naman ay biglang naglaho matapos niitong mag-iwan ng malaking marka sa batong tapakan.

"Ahh!!" Napisa ang 'di gaano katandang lalaki sa batong tapakan ng gan'on na lamang. Hindi na kailangan pang sabihin, matindi ang kanyang natamong pinsala. Nagawa niya na lamang makagalaw matapos ang ilan pang sandali, at ang una niyang ginawa ay dumura ng maraming dugo.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo