Bilang mga Inscription Masters, ang mga kinatawan ng iba't-ibang Dynasty ay tuluyang nag-ingay.
Ang hindi maarok na abilidad ni Duan Ling Tian ay nalagpasan?
Si Qi Feng ay isang Inscription Master at ang kaniyang Spiritual Force ay lumawig upang madaling malagpasan ang abilidad ni Duan Ling Tian?
Ang mga sinabing ito ng mga Inscription Master ay mabilis na narinig ng mga tainga ng bawat taong narorooon, dahilan upang tingnan ng lahat si Duan Ling Tian at Qi Feng ng nagtataka.
Kaagad nilang napansin na nang maharap sa hindi maarok na abilidad ni Duan Ling Tian, tila hindi ito napansin ni Qi Feng at nakatitig lamang kay Duan Ling Tian simula una hanggang dulo.
"Hindi kaya ay kaya talaga ni Qi Feng na malagpasan ang abilidad ni Duan Ling Tian?"
"Kung ganito nga, hindi ba't madaling makukuha ni Qi Feng ang pagkapanalo?"
"Nasa panganib si Duan Ling Tian."
…
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com