Punong-puno ng pagkawalang-awa ang boses ni Fan Jian.
"Cloud Leopard? Isang mabangis na hayop na nasa ikatlong level na ng Core Formation?"
Ang mga mukha ng mga kabataan sa Ikatlong Grupo ay naging malagim.
Ang mga kabataang ito ay mga Core Formation martial artists na nasa ikalawang lebel pa lang.
Sa pagkakataong iyon, apat na anyo na ang nakaalis sa una pa lang, na siyang nakahikayat sa atensyon ng mga natitirang kabataan. . .
"Ang grupo ni Duan Ling Tian!"
"Iyang Luo Cheng na yan ay maswerte talaga. Ngayong kaibigan niya na si Duan Ling Tian, ang misyong ito ay talagang madali lang para sa kanya sa tulong ni Duan Ling Tian."
"Tama na. Walang saysay kung pag-uusapan pa ito; pagplanuhan na lang natin kung paano tayo makatutulong."
...
Habang ang mga kabataan mula sa Ikatlong Grupo ay nagpupulong pa, ang grupo naman ni Duan Ling Tian na binubuo ng apat na tao ay malayo na ang narating sa loob ng Dawnshroud Mountain Range.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com