Tumango si Luo Feng at lumingon sa katabi niyang si Dylan "Maaari kang manatili muna rito Dylan at magsanay sa loob ng ilang sandali."
"Kinakailangan niyo pong magingat habang magisa, kamahalan." Babala ni Dylan.
Sa loob ng higit 200 taon, palaging nakadikit si Dylan sa kanyang tabi, hindi nito magawang lumayo sa tabi ni Luo Feng.
"Haha, wala kang dapat na ipagalala pa." malakas na tumawa si Long Jue Emperor "Ito ang Wu Long starfield, isang tunay na importanteng lupain. Anong panganib ba ang maaaring mangyari sa loob nito? At marami rin ang mga naglalakasang nilalang na nakaistasyon dito, kaya sa oras na magkaroon ng isang insidente ay agad itong makikita ng security system na magiging hudyat sa agad na pagdating ng mga knights sa anumang sulok ng Wu Long starfield."
"Narinig mo naman iyon, Dylan." Ngiti ni Luo Feng sa kanya.
"Kung ganoon ay papasok na ako Long Jue Emperor." Sabi ni Luo Feng.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com