Matapos ang isang sandali.
Umalis si Luo Feng sa sinaunang gubat na ito kasama ang team ng binatang nakasilver na armor.
"Wala tayong naging problema. Mukhang sapat na ang ginawa kong pagsasanay ngayong araw kaya makakabalik na tayo. Mas maigi kung sabay-sabay tayong lalabas ng kagubatan." Masyadong nasabik ang nakasilver na binata habang inaalala ang mga pangyayaring naganap kanina. Mukhang ang nakaitim na binatang ito ay isang fighter na may mas hilaw na karanasan kaysa sa kanya, dahil siguradong ikamamatay niya ang paglalakbay ng mag-isa sa kagubatan. Mas maigi nang isama niya ang binatang nakaitim na armor ngayong pabalik na rin naman siya sa kanyang tahanan.
"Napakasarap talaga sa pakiramdam ang pagligtas sa isang tao." Isip ng nakasilver armor na binata.
"Ah, hindi ko pa pala ipinapakilala ang aking sarili. Ako pala si Nan Ke at ikaw?" Ngiti ng nakasilver armor na binata habang nakatingin kay Luo Feng.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com