Noong gabing iyon ay nagpanic sina Li Yao at Venina habang inaaresto ng mga representatives. Direkta silang ipinadala sa world headquarters ng Dojo of Limits noong gabing iyon.
Samantala, sina Luo Feng at Xu Xin naman ay kasalukuyang magkatabi habang pinag-uusapan ang mga nangyari noong nakaraang taon.
"Dito ka matutulog ngayong gabi?" nakangiting yakap ni Luo Feng kay Xu Xin.
"Manigas ka."
Nadidismayang sabi ni Xu Xin. Matapos nito ay agad niyang tiningnan ang oras sa kanyang relo at sinabing, "Alas dose na pala, ihatid mo na ako pabalik Luo Feng."
"Sige," ngiti ni Luo Feng. Matagal-tagal ding nag-usap ang dalawang ito kaya kumalma na rin sila ng kaunti.
Sumakay sila ng auto jet at umalis sa Ming-Yue sector ng Yang Zhou City papunta sa tirahan ng pamilya ng Xu family sa main city sector. Matapos ang ilang minuto ay nakarating na ang auto jet sa ibabaw ng tirahan ng Xu Family.
Sa loob ng auto jet na lumilipad sa kalangitan.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com