webnovel

Ang Imbitasyon

Editor: LiberReverieGroup

Lalo pang pinamisteryoso ng gabi ang kakaibang lawa na ito.

Nakaramdam si Luo Feng ng isang hindi maipaliwanag na pressure sa kanyang isip.

"Hm, sumabay pa ang hamog na ito sa madilim na paligid kaya lalo kong hindi makita ang islang iyon. Titingnan ko na lang ito ng maigi bukas." Sabi ng kalmadong si Luo Feng. Mas pinili niyang ipagpabukas ito kaysa piliting pumunta rito ngayong gabi.

Umikot si Luo Feng sa gilid ng lawang ito para magpalipas ng gabi.

Natagalan siyang ikutin ang napakalawak na lawang ito na may sukat na umaabot sa 100 km2. Pero dahil sa bilis ni Luo Feng ay wala sa isang oras ang kinakailangan para lakarin at obserbahan ang lagpas sa kalahati ng lawang ito. Wala namang espesyal na nadiskubre si Luo Feng sa pag-oobserba sa lawang ito kaya matapos niyang ikutin ito ay agad siyang nagindian seat sa isang tabi bago isara ang kanyang mga mata.

Mabilis na lumipas ang gabing iyon.

Kinabukasan, pagsikat ng araw.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo