webnovel

Inilihim ang Pamagat ng Kabanata dahil sa pagiging Spoiler nito

Editor: LiberReverieGroup

Sa ika-48th na palapag ng Fan Lun Ancient Sound Palace, hindi inakala ni Zhao Feng na makakatagpo niya ang taong hinahanap niya sa ganitong paraan.

Ang ekspresyon ni Liu Qinxin ay kagaya rin ng kaniyang nasa mga alaala, subalit ang kaniyang aura ay nagbago na simula pa noong nasa Flooding Lake City. May suot siyang puting damit at tila ba isa siyang diyosang ipininta – elegante at maharlika. Para siyang nangingibabaw sa mga mortal.

"Feng, ikaw nga…!" Labis na nagbago ang ekspresyon ng eleganteng babae nang sumigaw siya.

Beng!

Ang isa sa mga tali sa qin sa harapan niya ay pumitik.

"Kayong dalawa… kilala niyo ang isa't isa?" Ang batang Demigod, si Li Xueyi, at ang mag-asawa mula sa Sky Sacred Qin Palace ay natulala. Ang isa sa mga bawat anyo ng ika-48th na palapag ay mga mala-alamat na nilalang, at ang babaeng ito ay tiyak na kabilang sa kanila. Hindi nila inaasahan na kilala niya si Zhao Feng.

Capítulo Bloqueado

Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com

Próximo capítulo