webnovel

Ang Paghigop sa God Tribulation Lightning!

Editor: LiberReverieGroup

Tagumpay!

Si Zhao Feng ay tumitig sa pinunong nakalutang sa dimension ng kanyang kaliwang mata. Kasabay nito, ang kulay ng kanyang kaliwang mata at buhok ay nagsimulang maging itim ulit.

Kinumpleto niya ang kanyang eksperimento gamit ang Spatial Movement, ngunit siya ay sumailalim ng napakadelikado upang subukan ang kanyang nakahihibang na ideya.

Sa kanyang ginawa tumaas ang tiyansang mahanap siya ng Pursuit of Death, ngunit ito ay sulit.

Kapag ang Pursuit of Death ay naideklara, ito ay isang sitwasyon na, " Kung hindi ikaw ang mamamatay, ako ang mamamatay." Kinakailangan ni Zhao Feng na pataasin ang kanyang lakas upang makaligtas at magkaroon ng tiyansang mag counterattacking.

Sa kabutihang palad, ang ghost ship ay gumugol ng karamihan ng isang buwan sa limitless ocean upang maglakbay ng sobrang layo mula sa Sky Flower Void Ocean Spiritual Palace.

Pinino ni Zhao Feng ang kanyang Intent mula sa Eye of Death mula sa mababang level, lubos na bumaba ang pandama ng Emperor of Death. Siya rin ay naghanda ng ibang mga preperasyon katulad ng pag-utos sa barko na magtungo sa kailaliman ng karagatan at sa pagbukas ng Ghost Corpse Cursed Array.

Ang lahat ay isinagawa upang bumaba ang kapahamakan sa Pursuit of Death sa paghahanap sa kaniya. Maliban kung siya ay mamalasin o ang Pursuit of Death ay malapit na, ang kanyang eksperimento ngayon ay hindi sana mag sanhi ng kahit anong problema. 

"Ngayon na ang pinuno ay nasa akin ng Soul Sea, mas madali nalang para sa aking kaluluwa na mahigop ang kidlat." Isinara ni Zhao Feng ang kanyang mga mata.

Ang dimension ng kanyang kaliwang mata ay napaka dilim mula sa pinaka sentro ng – Soul Sea – na kung saan halos na sa libong yarda ang lawak.

Ang pinuno ay nakalutang lamang sa black area na hindi kalayuan. At ang lugar na ito ay pinagbabawalan ni Zhao Feng, upang walang aura na makawala, upang magawa niya ang lahat ng kanyang nais gawin, kasama na ang paggamit ng soul-power.

Sa pag-iisip, isang daluyong ng Eye Intent ang bumalot sa pinuno.

Sa loob ng dimension ng kaliwang mata, ang aura ng pinuno ng God tribulation ay tila nahinto, na kung saan ito ay lubos na makakatulong kay Zhao Feng. Kung hindi, kahit na ang aura lamang ay kayang sindakin ang mga puso ng lahat ng nilalang. 

Shua!

Nilipat ng Eye Intent ang pinuno malapit sa Soul Sea.

"En," Tumango si Zhao Feng. Ang kanyang preparasyon ay mas mabuti kaysa sa inaasahan, at ngayon ay kaya niya na gamitin ang kanyang soul-power upang makipag-interaksyon sa pinuno ng God Tribulation. Sinuri din ni Zhao Feng ang Lightning Absorption Divine Technique.

Ang Lightning Absorption Divine Technique ay dinesenyo upang mag-imbak ng kidlat sa pisikal na katawan o dantian sa katawan ng isang tao, sumablit sa gagawin ni Zhao Feng ay ilalagay niya ito sa loob ng kanyang kaluluwa. Na kumpleto niya ang balangkas ng kanyang teorya, ang kinakailangan niya na lamang gawin ngayon ay mapatunayan na ang kanyang teorya at maperpekto ito.

Nangangahulugan lamang na si Zhao Feng ay kailangang mag-isip at mag kalkula ng marami, subalit dahil sa kanyang God Spiritual Eye at Ten Thousand Divine Thoughts Technique, ang abilidad ni Zhao Feng sa kalkulasyon ay malakas. Hindi ito tulad ng secret technique na kinakailangang gawin nang bigla na lamang. Ang kinakailangan niya lamang gawin ay kopyahin ang Lightning Absorption Divine Technique at baguhin ito upang bumagay sa kanyang kaluluwa.

Lumipas ang pitong araw, ang soul-based version ni Zhao Feng ng Lightning Absorption Divine Technique ay patuloy na lumilinaw.

"Ngayon, ang kinakailangan ko na lamang gawin ay perpektuhin ito, na kung saan kinakaialngan ng pagsasanay," pinanabikan ito ni Zhao Feng.

Kinakailangang subukin ni Zhao Feng ang kanyang kaluluwa kung kaya ba talaga nitong mag-imbak ang kidlat.

"Magsimula na tayo."

Si Zhao Feng ay nakatuon sa kanyang soul-based version ng kanyang Lightning Absorption Divine Technique at nagsimulang padaluyin ito.

Shua! Shua! Shua!

Ang kanyang Eye Intent ay pinangunahan ang ilang kaunting matamlay na kulay lilang soul-power at bumuo ng ipo-ipo. Ang ipo-ipo na ito ay napaka kalmado, katulad ng isang suction force na humigop ng mga bagay papasok.

Ang maliit na kulay-lilang ipo-ipo ay hinawakan ang pinuno ng God Tribulation. At ang parte nito ay sumanib patungo sa pinuno. Matapos ang lahat, ito ay gawa sa soul-power.

Boom!

Nagulat ang kamalayan ni Zhao Feng. Siya ay tila pinagbagsakan ng sampung libong bolta ng kidlat nang sabay, at isang pagkamanhid ang naramdaman niya sa kayang buong katawan.

Bam!

Nasira ng kapangyarihan ng Lightning Tribulation ang lilang ipo-ipo, at ang kulay-lilang Soul Sea naman ay yumanig.

"Ang sitwasyon ay mas mabuti kaysa sa aking inaasahan," sabi ni Zhao Feng.

Ang kanyang kaluluwa ay hindi pa inaatake ng Lightning Tribulation. Sa kabaligtaran, ang kanyang kaluluwa ay kayang hawakan ang Lightning Tribulation, kahit na ang kabuuan nito ay maliit lamang na kaya itong ipagsawalang-bahala.

Sa dimension ng kanyang kaliwang mata, ang pinuno at tila pinagbabawalan, kaya ang "disiplina" nito ay napaka mabuti, Sapagkat kung hindi ang kanyang kaluluwa ay pira-piraso na ngayon.

"Ang aking Eye Intent at Soul Sea ay may sapat ng lakas upang mag-imbak," nagpahinga si Zhao Feng, at agad na gumawa ng dalawang ipo-ipo at sumanib patungo sa pinuno.

Boom! Boom! Bam!

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nanginig, at ang kapangyarihan ng lightning ay nag madali patungo sa kulay-lilang Soul Sea. Ang kanyang Soul Sea ay nagsimulang bayagyang yumanig, at ramdam ni Zhao Feng na ang kanyang Soul Sea ay sumasailalim sa paglilinis ng God Tribulation Lightning.

"Ang kanyang lilang Soul Sea ay kayang mahigop ang isang maliit na "bahagi" ng God Tribulation Lightning. Kahit na maliit lamang ito na walang epekto, ikinagalak parin ito ni Zhao Feng.

"Ang aking plano ay gumana!"

Ang pagsasanay ni Zhao Feng ay mas naging maayos kaysa sa kanyang inaasahan, dahil pinagbabawalan ng dimension ng kanyang kaliwang mata ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning at hindi umatake pabalik.

Kinakailangan ngayon ni Zhao Feng na pagbutihan at maperpekto ang bagong version ng kanyang Lightning Absorption Divine Technique upang mapataas ang antas at mahigop ang mga "bahagi" nito. Kung nahigop niya ito sa kanyang kasalukuyang antas, hindi niya magagawang bumuo ng maliliit na God Tribulation Lightning kahit na maglaan pa siya ng kalahating taon.

Sa sumunod na isang kalahating araw, ginamit ni Zhao Feng ang kanyang Eye Intent upang bumuo ng higit sa dosenang maliliit na ipo-ipo na pumalibot sa paligid ng pinuno.

Boom! Boom! Bam~~~~!

Nahilo ang kamalayan ni Zhao Feng sa ginawa niyang thunderous booms, ngunit determinado na nagngangalit na ang kanyang mga ngipin at patuloy parin ito upang mapanatili ang mga ipo-ipo.

Kapag mas maraming ipo-ipo, ang kanyang efficiency rate ay halos dose-dosenang mas mabilis, ngunit sila din ay nagkokonsumo ng higit pa sa dose-dosenang enerhiya. Kinakailangan nyang mapanatili ang mga ipo-ipong ito; kung hindi siya magbibigay pansin sa mga ito, masisira lamang ito ng kidlat.

"Sa kabutihang palad, nagawa kong mabuo ang Eye Intent pagkatapos ng evolution ng God Spiritual Eye."

Nakaramdam ng swerte si Zhao Feng. Kung hindi man totoo na ang kanyang kaluluwa ay na higitan na ang normal Kings at ang kapangyariha ng kidlat ay natigil sa dimension ng kanyang kaliwang mata, hindi magiging makatotohanan ang paghigop sa God Tribulation Lightning.

Half a month passed in the blink of an eye.

Lumipas ang kalahating buwan sa isang kisapmata.

Matagumpay na nahigop ni Zhao Feng ang bahagi ng God Tribulation Lightning at sumanib sa kanyang Soul Sea, subalit ito ay napakahina, tulad ng isang patak ng dugo na tumutulo sa lawa. Naramdaman ito ni Zhao Feng, subalit hindi niya pa ito nagagamit.

Gayun pa man, hindi nito napigilan si Zhao Feng sa pagsubok na maintindihan ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning.

"Kaya kong maintindihan ang bahaging ito ng God Tribulation Lightning kahit anong oras ko gustuhin, at mas may maidudulot pa ito."

Labis na natutuwa si Zhao Feng. Ang kaniyang Eye Intent at kaluluwa ay parehong naging mas malakas nang nakayanan niya ang God Tribulation Lightning, at ito ay maaaring maglaman ng element of Lightning kung ipagpapatuloy niya ang paghigop sa God Tribulation Lightning.

Kinakailangan niya ngayon na humigop pa nang mas marami at intindihin ang patakaran at Intent sa likod nito. Ngayon na ang kanyang kaluluwa ay naglalaman ng pinakamahinang bakas ng God Tribulation Lightning aura, ang kanyang lilang ipo-ipo ay hindi madaling sirain. Sa kanyang patagal na patagal na progreso, mas lalo siyang humuhusay.

"Kung ito ay magpapatuloy, ang aking kaluluwa ay maihahalintulad sa Emperor sa loob ng isang taon o dalawa."

Ang God Tribulation Lightning ay isang kapangyarihang maituturing na kamangha-mangha, lalo na't kaya pa nitong patayin ang mga Peak Sacred Lords at Demigods. Bagamat ang bilang nang nahigop ni Zhao Feng ay hindi pa aabot ng sampu-libo sa isang bolta ng God Tribulation Lightning, Nakatutulong pa rin ito sa kanyang kaluluwa.

Demigod Kun Yun, maghintay ka lamang sa surpresang ibibigay ko sa iyo, naisip ni Zhao Feng habang isang kumpiyansang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.

Ayon sa sinabi ng batang Demigod, kinakailangan ni Zhao Feng na mag cultivate ng Golden Kun Sacred Body at gamitin ang kanyang pisikal na katawan upang imbakan ng kidlat. Hindi ito magagawa ni Zhao Feng kahit na umabot pa ng sampung libong taon, kaya't iniba niya ang pagdaloy ng kaisipan; sa halip, ginamit niya ang Lightning Absorption technique sa kanyang espesiyal na abilidad - ang kanyang kaluluwa.

Sa kalaunan, inihiwalay-hiwalay ni Zhao Feng ang kanyang pag-iisip sa maraming iba't ibang mga hibla. Ang una ay ang pagbayo ng Intent mula sa Eye of Death. Ang pangalawa ay ang paghigop sa God Tribulation Lightning, at ang pangatlo ang pag-intindi dito.

Ang God Tribulation ay isang mahusay na pinagkukunan ng kapangyarihan, at kapag ang kapangyarihan na ito ay na-itatak at sumanib sa kaluluwa, ang kanyang antas nang pag-unawa ay mas higit sa isang daang beses na mas mahusay kaysa sa dati.

Si Zhao Feng ay may isang layunin, at ito ay ang pagsanib ng intent sa God Tribulation Lightning sa kanyang Wind Lightning Inheritance.

Ang pinsalang kakayahan at bilis ng Wind Lightning Inheritance ay lubha nang kamangha-mangha. Kung ang raw power ng God Tribulation Lightning ay sumanib dito, ang kaniyang lakas ay higit na mas tataas pa ng maraming beses.

Habang ang kanyang kaluluwa ay patuloy na nakatatagal sa God Tribulation Lightning, nakayanan ni Zhao Feng na maunawaan ang pinakamaliit na piraso nito.

Isang paglukso ng kulay-iskarlata na Wind Lightning ang lumitaw sa kaniyang palad, at naglalaman ito ng isang malamlam na aura ng isang walang kamatayan at walang hangganang kidlat.

Syempre, ang aura na iyon ay hindi makakabuo ng sampu-libong kulay-iskarlata na Wind Lightning. Kung hindi dahil sa kaniyang God Spiritual Eye na makita ang napaka natatanging aura, hindi ito mararamdaman ni Zhao Feng.

"Tapos na. Ngayon, ang tanging kailangan ko ay oras. "

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng. Hangga't siya ay may ilang mga taon at oras upang pagsamahin ang kapangyarihan ng God Tribulation Lightning sa kaniyang Eye Intent at Wind Lightning Inheritance, makakayanan niyang tumayo sa tuktok ng tatlong Spiritual Zones.

Sa limitless ocean, ang ghost ship bumilis sa karagatan. "Master, tila may isang tao na nagsara sa ating barko," biglang sinabi ng keletal Division Leader.

Ang karagatan na nasa harapan nila ay hindi karaniwang tahimik, at mayroon ditong bloodthirsty aura na kung sino man ang mga lumapit na mga nilalang dito ay hindi mapapalagay.

"Ano ang nangyayari?" Hindi ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang Divine Sense. Hinayaan niyang tumingin sa paligid ang skeletal Division Leader.

Lumabas ang batang Demigod dahil kay Zhao Feng. "Isang maalamat na barko ang tila nakatakdang pumunterya sa atin," binuksan ng batang Demigod ang kaniyang mga pandama.

Isang tunog ng lumilipad ang lumitaw sa likod ng ghost ship, at mayroong isang mapanganib at nakakatakot na aura.

"Maalamat na barko ng pirata?"

Isang mapa ang biglang lumitaw sa isip ni Zhao Feng.

"Ang Ten Thousand Abyssal Islands Zone…labing-walo na kanyon sa sulok ...isang napaka komplikadong lugar," Kumulubot ang nuo ni Zhao Feng.

"Kung gayon...ito ang sikat na Pirate Sacred Land ng Cang Ocean," ang batang Demigod ay nagsiwalat ng hindi pangkariwang ekspresiyon.

Próximo capítulo