Ang pagkakaiba ng dalawang Sovereigns ay agad na nakita.
Gumamit ng bula si Elder Shui Yun upang mapalipad palayo si Skeletal Division Leader.
Hindi mapigilang magulat ni Zhao Feng habang patuloy niyang kino-kontrol ang Ghost-Corpse Curse Array.
"P*ta…!"
Umungol ang Skeletal Division Leader habang pabangon siya mula sa pagkakabagsak. Cultivator ito na may malakas na buto, kaya wala lamang sa kanya ang mga atake kahit mula pa sa half-step Origin Core Realm.
"Malakas nga si Elder Shui Yun kung napili siyang mamuno sa grupong ito at mayroon siyang kakayahan na wala ang iba."
Taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng. Hindi na siya nagulat na natalo ang Skeletal Division Leader, ngunit ang agwat ng kanilang lakas ay nakagugulat.
Kahit hindi pa lubos na nakababawi ang Skeletal Division Leader, hindi ito malayo sa kanyang peak. Kahit na mayroon siyang lakas ng Sovereign, napatalsik pa rin ito sa isang atake.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com