webnovel

Mahabang Seklusyon

Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang ilang hininga, ang buong pangunahing himpilan ng iron Blood Religion ay nasuri na ng spiritualsense ni Dao Sovereign Baiyun.

Sa loob ng pangunahing himpilan, ang lahat ng mga miyembro ng Iron Blood Religion ay nakaramdam ng makapangyarihang mental energy na dumaan sa kanila, at ang puwersa ang nagpahirap sa kanilang huminga.

Ito ay si Dao Sovereign Baiyun na ginagawa ang kaniyang makakaya para mahanap ang lokasyon ni Zhao Feng, at kung hindi ay dudura ng dugo ang mga mas mahinang True Spirit Realm.

"Senior, si Zhao Feng ay wala talaga rito. Umalis na siya kanina at walang nakakaalam kung saan siya pumunta."

Umiling si Tiemo at nagbuntong hininga.

Naaalala pa niya ang pangyayaring hinagis ng munting pusang magnanakaw ang barya habang nakaupo sa balikat ni Zhao Feng nang paalis ito.

Gayunman, halatang hindi siya pinaniwalaan ni Dao Sovereign Baiyun, at kung hindi ay hindi niya naman ipapakalat ang kaniyang spiritual sense sa buong himpilan.

"Sa likuran ni Dao Sovereign Baiyun ay ang Heavenly Yuan Clan, isa sa sampung pinakamalakas na puwersa sa kontinente."

Si Tiemo ang kinabahan para kay Zhao Feng.

Ang kalagayan ni Dao Sovereign Baiyun ay mataas kahit sa mga Sovereign, at siya ay labis na maraming alam.

Si Patriarch Hong ay maaaring hindi niya katapat kahit na siya ay nasa kaniyang sukdulan, ngayong hindi pa gaanong naghihilom ang kaniyang mga pinsala.

Bilang isa sa sampung pinakamalakas na puwersa at isang one-star clan, ang lakas ng Heavenly Yuan Clan ay malayo na sa Iron Blood Religion.

"Ang ungas na iyon ay wala talaga rito?"

Inalis na ni Dao Sovereign Baiyun ang kaniyang spiritual sense ay bahagyang nagpapaumanhin kay Patrirarch Hong.

Ang kaniyang mga ikinilos ay hindi pagiging magalang, ngunit hindi niya ginamit ang kaniyang buong lakas dahil hindi siya mapakali kay Patriarch Hong.

Sa kaniyang paghahanap, kahit na hindi niya nakita ang kaniyang pakay, nakita naman niya ang napakahusay na prodigy na si Yu Tianhao.

"Tianhao, nandito ka rin?"

Si Dao Sovereign Baiyun ay nakangiti at magalang.

Shua!

Si Yu Tianhao ay pumasok sa silid. Ang kaniyang bilis at intent ay lagpas na sa isang normal na half-step Origin Step Realms.

"Hehe, nandito ka rin pala para hanapin si Zhao Feng?"

Si Dao Sovereign Baiyun ay nagulat nang malaman ang kaniyang sagot.

"Tamta, ngunit hindi ako maaaring magtagal."

Sagot ni Yu Tianhao.

Hindi maiwasanang isipin ni Dao Sovereign Baiyun, Ang ama ni Yu Tianhao, na si Yu Xingche, ay isa sa mga pinakamalakas na Sovereign, at ang kanilang karanasan ay hindi simple.

Ito ay labis na madali para kay Yu Tianhao na makapasok sa Three Saint Palace sa kaniyang talento. Maaari naman siyang sumali sampung taon na ang nakalipas ngunit hindi niya ginawa.

Sa isang kisapmata, ilan pang mga buwan ang nakalipas.

Canopy Great Country, Transverse Water Area.

Sa tuktok ng isang matayog na maulap na bundok na pinalilibutan ng mga luntiang damo at isang sapa ay nakaupo ang isang youth na may asul na buhok.

Ang ulap sa kaniyang paligid ay nagniningning dahil sa liwanag at umikot na kasingtalim ng isang kutsilyo.

Ang youth ay hindi gumalaw habang ang mga bilog ng kidlat ay lumitaw sa kaniyang paligid. Kung titignang maigi ang mga bilog ng mga kidlat, may mahinanag lilang aurana kinuha ang sampung porsyento ng asul na kulay.

Ang mga lilang aura na ito ay nagbibigay ng nakakasirang pakiramdam, at kahit kaunti lang sa kanila ay kayang magbigay ng pangit na pakiramdam at taranta sa loob ng ilang milya ang layo mula rito, tulad kung paano nakakaramdam ng kaguluhan ang mga halimaw.

Habang lumilipas ang oras, ang mga maliliit na lilang aura ay humalo sa asul na kidlat.

Weng~~

Isang bola ngkidlat ang nabuo sa palad ng youth na may asul na buhok. Sa kaibuturan nito, may lilang kulay.

Sa sandaling iyon, ang aura ng asul na bola ng kidlat ay nadoble ang kapangyarihan at, kahit na mukha itong kalmado, ang lugar sa paligid ay mukhang umiikot.

Ang magulo at nakasisirang aura na nangggaling mula rito ay nagdahilan sa lahat ng bagay sa loob ng sampung milya ang layo na maging tahimik.

Miao miao!

Isang maliit na silver-grey na pusa ang lumitaw sa balikat ng youth, na nagising ng aura.

"Ang lilang kidlat na ito ay labis na malakas. Kumpara sa parehong dami ng asul na kidlat, ito ay ilang dosenang beses na mas malakas."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay napuno ng galak.

Ang pang-unawa ni Zhao Feng sa Wind Lightning Stone Tablet ay tumataas habang tumatagal.

Karaniwang ang lilang kidlat na ito ay kailangan ng culivation ng half-step Origin Core Realm para maunawaan, ngunit napakalakas ng source of mental energy ni Zhao Feng na hindi na niya kailangang maunawaan ito bago makaabot sa True Lord Rank.

Ngayon, ang lakas ng kalulluwa ni Zhao Feng ay maikukumpara na sa isang Sovereign at ang kaniyang mental energy ay katumbas ng isang half-step Origin Core Realm.

Sa mga nakaraang buwan, ang kaniyang pang-unawa sa lilang kidlat ay nagprogreso nang malaki.

Weng~~

Ang kaibuturan ng bolang kidlat ay malabong lila habang ang panlabas na patong ay asul. Ang dalawang kulay ay dahan-dahang nagsama at, habang ang lila ay nasa gitna, ang bola ng kidlat ay mas malakas kaysa dati.

Isang ngiting may galak ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Hindi man lang ginamit ni Zhao Feng ang true purple-colored lightning laban sa Three Eyed Saint; ginamit niya lang ito para makaiwas sa mga eye bloodline technique.

Kumpara noon, dumoble ang kapangyarihan ng lilang kidlat ni Zhao Feng, at maaaring isama sa asul na kidlat, na nagbibigay sa kaniya ng mas magandang konrol.

Shuu~~~

Kumaway si Zhao Feng at ang lilang aure sa gitna ng bola ay biglang nawala.

"Nagkucultivate na ako dalawang buwan na ang makalipas simula noong lumabas si Patriarch Hong. Ano kaya ang sitwasyon sa Canopy Great Country?"

Naalala ni Zha0 Feng ang kaniyang tungkulin bilang Deputy Patriarch.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw at nakatayo sa kaniyang balikat at naghagis ng ilang lumang tansong mga barya sa hangin. At umiling.

"Hmm? Gusto mong ituloy ko ang pagcultivate...?"

Tumigil si Zhao Feng.

Ngayon ay lumabas siya dahil sa munting pusang magnanakaw. Pinaniwalaan niya ang kakayahan ng munting pusang magnanakaw para makaiwas sa panganib at kamalasan.

Kung siya ay nasa Iron Blood Religion kung saan may maraming problemang kailangang asikasuhin, ang progreso ng kaniyang cultivation ay hindi kasing galing ng ngayon.

Dahil dito, si Zhao Feng ay nakinig ngayon sa munting pusang magnanakaw.

"En. Bilang si Patriarch Hong – isang Sovereign – ang nagbabantay sa Iron Blood Religion, siguradong walang kailangang alalahanin.

Si Zhao Feng ay pumikit muli.

Sa mga sumunod na araw, nagsimula siyang sumubok kung paano isama ang kaniyang Wind Lightning Inheritance sa ilang mga combat technique.

Sampung araw ang nakalipas, nagkaroon si Zhao Feng ng problema sa Wind Lightning Inheritance.

Miao miao!

Hinagis ng minting pusang magnanakaw ang mga barya niyo at umuling ulit.

"Sige."

Iniba niya ang direksyon at isinama ang kaniyang kamalayan sa kaniyang Ice Imperial Spear.

Sa pagkakataong ito, tumuon siya sa kaniyang bloodline at pang-unawa sa nilalaman ng Ice Imperial Spear.

Makalipas ang isang buwan, nakahinga na nang maluwag si Zhao Feng.

Nang dumilat siya ngayon, may isang makapangyarihang paniniwalang nagliliwanag mula sa kanila.

Ito ang unang beses na nakapasok talaga si Zhao Feng sa isang seklusyon sa loob ng tatlo o apat na buwan nang patuloy.

"Hindi pa ako nagtatagal nang ganito sa seklusyon."

Nag-umpisang isipin ni Zhao Feng ang nakaraan. Hindi siya inabot ng kalahating taon para magcultivate mula sa Ikalawang Antas ng Consolidated Realm patungo sa Ikapitong Antas.

Miao miao!

Inihagis muli ng munting pusang magnanakaw ang mga barya nito at nirekomenda pa ring huwag muna bumalik si Zhao Feng sa Iron Blood Religion.

"Nakrating na ako sa mga problema sa bawat aspeto. Wala rin namang magiging epekto kapag nagtagal pa ako sa seklusyon."

Si Zhao Feng ay umiling.

Ito ang pinakamatagal na ginugol niya sa seklusyon. Ang Wind Lightning Stone Tablet, ang Ice Imperial Spear, at ang kaniyang eye bloodline ay nakarating sa mga problemang hindi niya masisira sa loob ng maiksing panahon.

"Halika na."

Isang patong ng kidlat ang bumalot kay Zhao Feng at nagliwanag sa hangin.

Makalipas ang ilang araw, sa pangunahing himpilan ng Iron Blood Religion.

Isang azure-purple na anyo ang lumitaw sa mga ulap, na bumaba sa harapan ng malaking bulwagan na may nakakasirang aura.

Gayunman, sa sandaling dumating siya, naramdaman ni Zhao Feng na may mali, at bigla siyang hindi makapakali.

"Zhao Feng, kung hindi ka bumalik kaagad, nakaalis na sana ako."

Isang boses na puno ng battle-intent ang umalingawngaw sa isa pang section.

Tumingin si Zhao Feng sa direskyong ito at nakita ang isang youth na may itim na buhok na nakaupo sa ibabaw ng bulwagan.

"Yu Tianhao?"

Si Zhao Feng ay nagulat. Bakit nandito si Yu Tianhao?

Nang siya ay magulat, ang Heaven Earth Yuan Qi sa paligid at nagsimulang gumalaw, na nakabuo ng isang makapangyarihang aura.

"Zhao Feng, ang matandang ito ay naghihintay na ng ilang buwan."

Isang matandang boses na may malamig na intent ang umalingawngaw sa ibabaw ng gusali.

Shua!

Isang elder na nakaputing damit ang lumitaw sa harapan ni Zhao Feng.

Sovereign!

Nanigas ang katawan ni Zhao Feng. Naramdaman niyang mas mahirap gumalaw.

"Maaari ko bang itanong senior…"

Naramdaman ni Zhao Feng na ang elder na may puting damit ay pamilyar.

"Ako ang Grand Elder ng Heavenly Yuan Clan at ang master ni Zhao Yufei."

Malamig na umangal si Dao Sovereign Baiyun.

Master ni Yufei? Dao Sovereign Baiyun?

Sa wakas ay napagtanto na ni Zhao Feng kung bakit pumunta si Dao Sovereign Baiyun.

Gayunman, bago pa makapagsalita si Zhao Feng, isa pang makapangyarihang kasinglamig ng yelong aura na kapantay ng kay Dao Sovereign ang lumitaw.

Sii!

Suminok si Zhao Feng at naramdamang tila nagyelo ang kaniyang bloodline.

Isa pang Sovereign? Sino ito?

Naramdaman din ni Zhao Feng na ang aurang ito ay pamilyar din.

Nang tumingala, nagulat siya sa kaniyang nakita.

Sa mga ulap, may isang magandang babaeng may hawak na yelo. Siya ay nakakorona at mukhang isang diyosa ng nyebe.

"Mystic Ice Queen!"

Nanlamig si Zhao Feng nang makilala ang isa pang Sovereign.

Ang magandang may hawak na yelo ay ang pinuno ng Mystic Ice Palace at siya ay lumitaw sa Northern Star Stand.

Napuno ng pagtataka ang mga mata ni Zhao Feng. Masasabi niyang ang mga intensyon ni Dao Sovereign Bayun, ngunit tanging isa lang ang kumonekta sa kaniya at ang Mystic Ice Queen ay kaniyang disipulo – si Goddess Bing Wei.

Gayunman, ang hidwaan sa pagitan ni Zhao Feng at ni Goddess Bing Wei ay pagmamay-ari ng realm ng batang henerasyon, at ito ay hindi naman masama, kaya hindi niya papuputahin nang personal si Mystic Ice Queen.

Sou! Sou!

Ang mga anyo ng isang lalaki at isang babae ay lumitaw sa kaniyang kaliwa at kanan. Isa itong youth na may gintong buhok at isang magandang babae.

"Three Eyed Saint, Goddess Bing Wei!"

Nanliit ang mga pupil ni Zhao Feng.

Mayroon na siyang mga hinuha nang makita ang Three Eyed Saint.

"Zhao Feng, ang pagkamatay ba ng aking ama ay may kahit anong kaugnayan sa iyo…?"

Ang boses ng Three Eyed Saint ay malamig at namumuwersa.

Próximo capítulo