Sa loob ng sikretong silid, pagkatapos makaranas ng gulat, nanumbalik na ang kontrol ni Tandang Su sa kanyang mga emosyon, pero hindi niya mapigilang maramdaman na bahagyang natalo siya.
Isa siya sa mga pinakamalakas na eksperto ng Cloud Area, may cultivation siya ng isang True Lord Rank, at minsan siyang kumontrol ng isang strong country. Pinamunuan niya ang napakaraming buhay at pinagpasyahan ang magiging tadhana nila.
Ang bansang minsang tinirahan ni Zhao Feng ay isang danaw lamang sa mga mata ni Tandang Su, at ang Broken Moon Clan ay isang maliit lamang na pwersa.
Hindi mahirap isipin na si Tandang Su ay isang prodigy rin sa kanyang kabataan.
Sa pagkakataon iyon, nakaramdam siya ng gulat, gulantang at pagkatalo.
Ang paghanga at respeto ay makikita sa kanyang mukha habang tinitigna niya ang kabataang may asul na buhok.
Isa itong mundo kung saan namumuno ang mga malalakas; hindi mahalaga kung ano pa man ang edad mo.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com