webnovel

Pagbalik sa Azure Flower Continent (1)

Editor: LiberReverieGroup

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God's Spiritual Eye at sinuri ang dimensyon at nakita niya na ito ay bahagyang naging pabago-bago.

Nawawalan na ng enerhiya ang Purple Saint Partial Spirit sa bawat segundo na bukas ang Ruins.

Siya ang sentro ng Purple Saint Ruins at ang kaniyang kapangyarihan ay halos mauubos na matapos ang lahat ng oras na ito.

Sa oras na magamit ang lahat ng enerhiya ng Purple Saint Partial spirit, ang Ruins na ito ay mawawalan ng may-ari at magkakaroon ng biglaang mga panganib.

Maaaring gamitin ng mga eksperto sa labas ang pagkakataon na ito at atakihin ang Ruins.

Kung ganoon, si Zhao Feng ay mayroong dalawang pagpipilian:

*Manatili sa Purple Saint Ruins. Maaari itong umabot ng hanggang sampung taon.

*Bumalik sa Azure Flower Continent.

"Zhao Feng, mananatili ka ba o aalis ka?"

Kahit na ang Purple Saint Partial Spirit ay nasa kawalan, mayroon pa rin itong aura ng pagiging maharlika at pagiging elegante.

Ang kaniyang mga mata ay umaasa habang nakatingin siya sa batang mayroong kulay asul na buhok sa harapan niya.

Bilang tagapag-kontrol sa dimesyon, alam niya ang lahat ng nakakatulalang pagpapakitang-gilas ni Zhao Feng.

Kahit na ang bloodline ni Zhao Feng ay hindi kabilang sa isa sa Ten Thousand Ancient Races, ang kaniyang kaliwang mata ay tiyak na may koneksyon dito.

Hiling ng Purple Saint Partial Spirit na si Zhao Feng at si Zhao Yufei ang sabay na magkontrol ng Purple Saint Ruins.

"Masiyadong mahaba ang sampung taon."

Bumulong si Zhao Feng nang magsimula niyang alalahanin ang kaniyang nakaraan.

Sa pag-alala sa simula ng kaniyang cultivation mula sa Consolidated Realm hanggang ngayon, ilang taon ang ginugol niya?

Gumamit lamang si Zhao Feng ng tatlo hanggang apat na taon at hindi pa siya nakaabot ng labingwalong taong gulang ngayon.

Sa maraming lugar, hindi pa nga maituturing si Zhao Feng bilang isang taong nasa hustong edad.

Masiyadong mahaba ang sampung taon para kay Zhao Feng.

Ang sampung taon ay nangangahulugan ng hindi mabilang-bilang na mga oportunidad para sakaniya.

"Dagdag pa rito, hindi ko maaaring ipalya ang inaasahan sa akin ng First Elder. Sinong makakaalam kung ano ang mangyayari sa Broken Moon Clan at sa aking nayon sa mga oras na iyon?"

Sa pag-iisip nito, gumawa na ng desisyon si Zhao Feng.

Hindi siya maaaring manatili sa Purple Saint dimension nang ganoon katagal.

"Babalik ako sa Azure Flower Continent."

Desididong sinabi ni Zhao Feng.

Nang ginawa niya ang desisyon na ito, bumuntong-hininga ang Purple Saint Partial Spirit nang bahagyang nagsisisi.

Kung ito ay isang normal na eksperto o kahit isang Sovereign na nasa Origin Core Realm, malamang ay hindi nila isusuko ang pagkakataong ito.

Ang Heaven Earth Yuan Qi na nasa loob ng Purple Saint Ruins ay napakapuro at hindi mabilang-bilang mga kayamanan dito. Ang pagcultivate dito ay mas mabilis kaysa sa panlabas na mundo.

Malinaw na alam ito ni Zhao Feng, subalit nagdesisyon pa rin siyang bumalik sa Azure Flower Continent.

"Malaki ang mundo at maaaring mayroon pang mga kayamanang higit pa sa Purple Saint Ruins."

"Ang pag-asa sa panlabas na mga bagay at tulong ay hindi maganda. At, marami na rin akong natanggap na gantimpala rito."

Naisip ni Zhao Feng. Ang kaniyang puso ay parang tubig sa sobrang kalmado nito at hindi siya naaapektuhan ng ruins.

"Sister purple Saint, maaari mo bang ipadala si Brother Zhao Feng pabalik sa lugar ng Azure Flower at ipadala sa kaniya ang aking mga kahilingan?"

Binuksan ni Zhao Yufei ang kaniyang mga mata at ang kristal na susi sa harapan niya ay malalim na humimig nang magbago ang ruins.

Hinulaan ni Zhao Feng na ang kristal na susi na ito ang sentro ng ruins at kapag ni-refine ito ni Zhao Yufei, maaari na niyang simulang kontrolin ang ruins subalit sa ngayon hindi pa sapat ang kaniyang cultviation.

"Sige, bigyan mo ako ng kalahating araw para makapaghanda."

Mariing tumitig ang Purple Saint Partial Spirit kay Zhao Yufei subalit wala siyang sinabi.

Nakagawa na ng kasunduan ang dalawa noon at irerespeto nila ang desisyon ni Zhao Feng.

Gaya ng inaasahan, pinili ni Zhao Feng na magbalik sa Azure Flower Continent.

Kahit ang desisyon ni Zhao Feng ay magdudulot upang bitbitin ang kahilingan ni Zhao Yufei, sa kailaliman ng kaniyang puso, malungkot pa rin siya.

"Brother Zhao Feng, kapag nagbalik ka sa Thirteen Countries maaari mo bang iligtas ang Lin Moon Clan at hangga't maaari, ipadala mo ang balita kanila Grand Elder ng Heavenly Yuan Clan na si 'Baiyun Dao Sovereign' na ako ay ligtas?"

Maluha-luha ang mga mata ni Zhao Yufei nang ipikit niya ang kaniyang mga mata at nagtuon sa pagrefine ng kristal na susi.

"Sige ba."

Tumango si Zhao Feng na mayroong katiting na pagsisisi. Hindi niya matutulungan si Zhao Yufei sa pagrefine o pagkontrol ng Purple Saint Dimension at halatang hindi siya maaaring manatili rito sa loob ng sampung taon.

Sumunod.

Nakadekuwatrong naghihintay si Zhao Feng sa paglipas ng kalahating araw at sa pagtatapos ng ruins.

Gamit ang oras na ito, inayos ni Zhao Feng ang mga nakuha niya mula sa Purple Saint Ruins.

Sa lahat ng ito, ang Life Returning Grass at ang iba pa ay may hindi mapapantayang halaga sa Azure Flower Continent at kumpara rito ang mga kayamanan mula sa Water Moon Treasury ay walang kuwenta.

Nakatanggap din siya ng dalawang malalaking inheritances, ang Wind Lightning Emperor at ang Ice Imperial Spear.

Sa loob ng kaniyang isipan.

Ang gamit na batong tabletang nabalutan ng isang patong ng misteryosong hangin at kidlat ay nagpakawala ng isang hindi mapipigilang aura.

Ang wind lightning stone tablet na ito ang kumakatawan sa essence ng isang Emperor.

Kahit na gamit na gamit at maitim na ang wind lightning stone tablet na ito, mas kaunti sa isang porsyento nito ang matingkad.

Nangangahuluguhan ito na ang pag-intindi ni zHao Feng ay hindi umaabot sa isa sa isangdaan ng wind lightning stone tablet.

"Kung makakaintindi pa ako ng higit sa isang porsyent ng wind lightning stone tablet, hindi na ako mahihirapang makaabot ng Origin Core Realm."

Kinuha ni Zhao Feng pabalik ang kaniyang kamalayan.

Ang proseso ng pag-intindi ng wind lighting stone tablet ay tiyak na magiging mahabang proseso.

Ang batong tableta na ito ay magdudulot ng magugulong alon kung malalaman ito ng Azure Flower Continent.

Kung tutuusin, ito ay inheritance ng isang Emperor na nasa Void God Realm at mas mataas pa ito kaysa sa karamihan ng mga malalaking inheritances.

Matapos no'n, nagsimula nang suriin ni Zhao Feng ang Ice Imperial Spear.

Ang Ice Imperial Spear ay kulay asul at transparent gaya ng kristal.

"Ang Ice Imperial Spear ay isang inheritance-type na sandata at sa tugatog nito, ang rank nito ay kahit papaano nasa high Earth grade."

Marahang hinawakan ni Zhao Feng ang Ice Imperial Spear at ang asul na dugo sa kaniyang katawan ay kusang nagsimulang dumaloy at napakalapit na nito sa Ice Imperial Spear.

Ang Earth grade weapons ay mga alamat ng Azure Flower Continent.

Ang natatanging Lord Dynasty ay nasira sa pamamagitan ng isang Earth grade weapon sa loob lamang ng isang gabi.

Weng~

Ang Ice Imperial Spear ay biglang natunaw at pumasok sa loob ng katawan ni Zhao Feng.

Hmm?

Bahagyang nagulat si Zhao Feng.

Naglaho ang Ice Imperial Spear, subalit nakakasiguro si Zhao Feng na ito ay nasa loob niya at sumanib ito sa kaniyang katawan.

Ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at nakaramdam ng aura ng sinaunang kalamigan sa kaniyang bloodline power na naglalaman din ng impormasyon tungkol sa laws of ice.

Ang Ice Imperial Spear ay hindi lang basta sandata. Naglalaman din ito ng inheritance information.

Ang mga hula ng Purple Saint Partial Spirit ay napakatiyak at nakakasiguro ito na si Zhao Feng ay nababagay para sa inheritance weapon na ito.

Subalit, natuklasan ni Zhao Feng na ang Ice Imperial Spear ay nagamit na noon at karamihan sa mga kapangyarihan nito ay nagpapahinga pa.

"Ang desisyon ng Sacred True Dragon Gathering na ito ay hindi na masama. Nakuha ko ang inheritances ng Wind Lightning Emperor at Ice Imperial Spear nang magkasabay."

Kuntentong-kuntento na si Zhao Feng.

Bukod sa mga kayamanan at mga inheritances, nakatanggap din siya ng ilang mga benepisyo at ang pinakamaganda ay ang pagpapalakas ng kaniyang kaluluwa dulot sa Wood Spirit Essence Soul.

Hinigop ni Zhao Feng ang karamihan sa kapangyarihan nito at nilinis ang kaniyang kaluluwa.

Ang kaniyang mental energy level ay ngayon maikukumpara na sa late True Lord Rank at naintindihan niya na kung paano gamitin ang Eye of Heaven.

Sa pamamagitan pa lamang nito ay sapat na upang mabaliw na sa pagseselos ang tatlong two-star sects.

Marahang lumipas ang oras at inayos ni Zhao Feng ang mga nakuha niya.

Kapag mayroong mga gantimpala, mayroon ding mga pagkatalo.

Hindi maaaring abusuhin ni Zhao Feng ang paggamit sa God's Spiritual Eye sa loob ng maikling panahon at hindi niya basta-basta maaaring gamitin ang makakapangyarihang skills niya.

Bukod pa rito, iniwan na rin ng batang scorpion si Zhao Feng.

Tinanong ni Zhao Feng ang Purple Saint Partial Spirit at ang sagot na natanggap niya ay maaaring namatay ang batang scorpion o wala ito sa ruins.

"Ang batang scorpion na ito ay maaaring hindi pa patay dahil nakakaramdam pa ako ng katiting na koneksyon dito."

Nakakatiyak si Zhao Feng.

Siyempre, kumpara sa malalaking benepisyong nakuha niya, ang pagkawala ng batang scorpion ay wala lang kuwenta.

Shua Shua!

Ang dalawang dark silver poison corpses ay lumitaw sa tabi ni Zhao Feng.

Kung battle power ang pag-uusapan, ang dalawang dark silver poison corpses ay maaaring makapatay ng kahit sinong nasa ibaba ng Origin Core Realm hangga't makakakuha sila ng dugo.

Noon sa Sacred True Draong Gathering, hindi aakalain ni Zhao Feng na makakauha siya ng dalawang ghost corpse slaves na nasa True Lord Rank.

Sa pamamagitan pa lamang nga dalawang True Lord Rank ghost corpses, maaari niya nang gawin ang halos lahat ng hilingin niya sa Canopy Great Country.

Ilan sa mga mas malalakas na puwersa gaya ng pangunahing pamilya ng Liu ay mayroon lamang isa hanggang dalawang True Lord Ranks at ilang 'strong countries' ay mayroon ding ganitong bilang.

Ito ang strong countries at mga great countries.

Ang ilang maliliit na bansa gaya ng Thirteen Countries ay walang kahti anong True Lord Ranks at kahit ang mga True Mystic Ranks ay napakabihira.

Sa isang kurap ng mata, kalahating araw na ang nakalipas.

"Zhao Feng, magsasara na ang inheritance ngayon. Ipapadala na kita pabalik sa lugar ng Azure Flower."

Ang boses ng Purple Saint Partial Spirit ay maririnig sa kaniyang isipan.

"Salamat, elder Purple Saint."

Dali-daling ibinigay ni Zhao Feng ang kaniyang labis-labis na pasasalamat.

Hindi mahirap para sa kaniya nahulaan na kukunsumo ng malaking enerhiya ang Purple Saint Partial Spirit para ipadala siya pabalik.

"Zhao Feng, hindi mo naman kailangang masiyadong maging magalang. Ito ang kailangan kong gawin. Kahit na hindi ka kaibigan ni Yufei, base pa lamang sa katotohanang prinotektahan mo ang Towering Tree Yao at ang kahinaan ng dimensyon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang gawin ang kahilingan mo."

Ngumiti ang Purple Saint Partial Spirit.

Matapos sabihin iyon.

Wu~~

Kuminang ang Purple Saint Treasured Palace na mayroong isang matingkad na kulay lilang liwanag at isang alon ng spatial disturbance.

Isang kulay lilang pinto ang biglang lumitaw sa harapan ni Zhao Feng.

"Senior, mas maganda kung ipapadala mo ako sa Timog Kanluran ng Northern Continent."

Naisip ni Zhao Feng na malamang natapos na ang Sacred True Dragon Gathering at ang Timog Kanluran ng Northern Continent ay ang lugar kung saan naroroon ang Thirteen Countries at ang dalawang strong countries.

Próximo capítulo