webnovel

Nakaupo

Editor: LiberReverieGroup

Sa pagkakataong ito habang nakikipaglaban ang ang iba para sa mga kayamanan, si Zhao Feng ay nakakuha ng comprehension mula sa Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew.

Nanatili siyang hindi gumagalaw sa kompetisyon sa pagitan ng tatlong True Lord Ranks at siya ay walang ekspresyon kahit na kinuha ng munting pusang magnanakaw ang blood glass fruit.

Talagang walang ginagawa.

Para siyang isang santo na nakatuon lamang sa cultivation. Ang lahat ng mga bagay ay panlabas na tulong lamang kung tutuusin.

"Batay sa plano, wala akong kailangang gawin."

Paminsan-minsan ay kumikinang ang mga mata ni Zhao Feng.

Simula sa umpisa hanggang ngayon nanatili siya sa parteng ito at hindi siya sumali sa kompetisyon sa pagitan ng tatlong True Lord Ranks.

Nang lunukin ng munting pusang magnanakaw ang Earth Yin Poison Mushroon, palihim na tumango si Zhao Feng. Ang simula ng plano ay nagtagumpay na.

Subalit, munting pusang magnanakaw ay ngayon nasa mapanganib na sitwasyon.

Kinuha nito ang blood glass fruit, isang kagamitang labis na nakakapagpataas ng cultivation at isang bagay na pag-aalayan ng buhay ng True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa.

"Iwan mo ang blood glass fruit!"

Tumalon patungo sa munting pusang magnanakaw ang True Lord na mayroong kulay dugong kapa.

"Nilunok ng p*tanginang pusa na 'to ang aking Earth Yin Poison Mushroom…."

Sa sobrang galit ni Chi Gui siya ay nagsimula nang manginig.

Kumpara sa blood glass fruit mas nanaisin niya ang Earth Yin Poison Mushroom.

Inutusan niya ang True Lord Rank skeleton na harangin si Ye Yanyu habang tinutugis niya mismo ang munting pusang magnanakaw.

"Munting pusa mag-ingat ka."

Nagpakita ng nag-aalalang mukha si Ye Yanyu.

Iniwanan siya ng dalawang True Lord Ranks at dumiretso patungo sa munting pusong magnanakaw.

Kinailangang tumakbo ng munting pusang magnanakaw sa kabilang direksyon dahil hindi ito makakapunta kay Ye Yanyu at ang direksyon na ito ay nasa daan ni Zhao Feng.

Miao miao!

Kumislap ang munting pusang magnanakaw sa nakaupong si Zhao Feng.

"Munting pusang magnanakaw…."

Nanlambot ang puso ni Ye Yanyu at may naisip siyang isang bagay subalit hindi niya pinigilan ang pusa.

Ang 'parteng' ito ang susubok sa katapatan ng munting pusang magnanakaw.

Shua!

Naglaho ang munting pusang magnanakaw nang lumapag ito kay Zhao Feng.

"Bata, i-abot mo ang pusa!"

Sumugod ang True Lord na mayroong kulay dugong kapa at si Chi Gui papunta kay Zhao Feng at tumalon sa gulat ang huling nabanggit.

Ito ay dalawang True Lord Ranks at hindi pa sila mga basta-bastang True Lord Ranks. Hindi niya sila kayang tapatan.

Nangangahulugan ito na ang munting pusang magnanakaw ay nagdala ng kaguluhan kay Zhao Feng, ang orihinal na may-ari.

"Hindi nakapagtataka."

Napahinga si Ye Yanyu.

"Kung ganoon, gusto mo silang gamitin para tapusin ako?"

Galit na hinatak ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw sa mga tainga nito at hinagis ito.

Napakabilis ng kaniyang reaksiyon at napagtanto niya agad ang 'plano' ng munting pusang magnanakaw.

Sou!

Nababalutan pa rin ng Mystic Snake Blood Whip ng munting pusang magnanakaw ang blood glass nang siya ay itinapon.

"Iwan mo ang blood glass fruit!"

Ang True Lord na mayroong kulay dugong kapa at si Chi Gui ay katakot-takot na sumunggab sa munting pusang magnanakaw.

"Munting pusa!!"

Dali-daling sumugod si Ye Yanyu upang iligtas ang munting pusang magnanakaw at nakipaglaban sa dalawang True Lord Ranks kung saan si Zhao Feng ay muli na namang umupo.

Sa kasalukuyang sitwasyon na ito, si Ye Yanyu at ang munting pusang magnanakaw ang tiyak na nakakalamang.

Ang blood glass fruit at ang life returning grass ay parehas na nakuha ni Ye Yanyu at kahit ang Earth Yin Poison Mushroom ay nilunok ng munting pusang magnanakaw.

"Tagumpay."

Pinanood ni Zhao Feng ang magulong sitwasyon at palihim na tumingin sa loob ng kaniyang mga interspatial items.

Hindi kalaunan.

Nakakita si Zhao Feng ng bulok na poison mushroom sa loob ng kaniyang interspatial bracelet.

"Earth Yin Poison Mushroom…. Sa akin."

Nagpakita ng maligayang ekspresyon si Zhao Feng.

Ito ang tunay na pakay ni Zhao Feng.

Kung kailangan talagang mamili ni Zhao Feng sa pagitan ng Earth Yin Poison Mushroom at sa blood glass fruit, tiyak na pipiliin niya ang naunang nabanggit.

"Ang Earth Yin Poison Mushroom ay isang top tier na materyal para sa mga ghost corpses at kahit si Chi Gui ay mababaliw para rito. Sa oras na gamitin ko ito sa aking mga green bronze ghost corpses, tiyak na makakaabot ito sa True Lord Rank."

Pinigil ni Zhao Feng ang kagalakan sa kaniyang puso.

Dagdag pa rito, ang Earth Yin Poison Mushroom ay mas maraming epekto bukod pa rito.

Ito ang isa sa mga pangunahing materyales upang gumawa ng mga lason.

"Kung ang Earth Yin Poison Mushroom na ito ay gagamitin kasabay ng aking giant scorpion poison sack, mas magiging nakamamatay pa ang lason at sa oras na makaabot ang mga green bronze corpses ko sa True Lord Rank at idadagdag ang dalawang mga lason na ito, mas magiging epektibo pa ito kaysa sa pagpapalakas ng aking lakas."

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng nang huminga siya ng malalim, pinilit niya ang kaniyang sarili na kumalma at pinahupa niya ang ragasa ng kaniyang kagalakan.

Ang kaniyang plano ay nagsimula noong makita niya ang giant scorpion.

Ika-una.

Ang lason ng giant scorpion ay halos walang dudagng kayang makapatay ng mga nasa True Lord Rank. Ipinapakita nito kung gaanong nakamamatay ang lason na ito.

Naisip din ni Zhao Feng kung paanong hihina ang lason matapos ilagay ito sa bangkay at ang mga level ng bangkay ay hindi masiyadong mataas, kaya't hindi nito kayang pagbantaan ang mga nasa True Lord Rank kahit na kasama ang poison sack.

Kung ganoon.

Ang pangunahing punto ay ang Earth Yin Poison Mushroom pa rin.

"Kayang pataasin ng Earth Yin Poison Mushroom ang lakas ng mga ghost corpses at mapapalitan nito ang mga nawalang kapangyarihan ng poison sack at mas lalo pa itong palalakasin."

Ang pinakamalaking hakbang ni Zhao Feng ay nakumpleto na.

Mayroon siyang Earth Yin Poison Mushroom.

Sa pag-iisip pa lamang sa kung paanong mayroong lason ang True Lord Rank ghost corpse na kayang pumatay ng True Lord Rank ito ay nakakatakot na.

Shua!

Dali-dali nilang inilagay ni Zhao Feng ang Earth Yin Poison Mushroom sa kaniyang black lotus item sa magulong sitwasyon na ito.

Isa pang dahilan kung bakit niya pinili ang Earth Yin Poison Mushroom at hindi ang blood glass fruit ay dahil kapag nakaabot siya sa True Lord Rank, magdudulot ito upang mag-alala si Ye Yanyu.

Kaya naman, kung nais niyang manatili sa panig ng Pure Moon Spiritual Sect ay magiging mahirap ito.

Dagdag pa rito, matapos kainin ang blood glass fruit mangangailangan siya ng sampung araw hanggang kalahating buwan upang makaabot sa True Lord Rank at sa ganito kapanganib na Purple Saint Ruins, saan makakahanap ng oras si Zhao Feng? Hindi ito isang hakbang na lamang mula sa mga huling yugto ng True Mystic Rank patungo sa True Lord Rank.

Kaya sinukuan ni Zhao Feng ang blood glass fruit dahil masiyado itong mahirap.

"Walang masiyadong pakinabang ang Earth Yin Poison Mushroom kay Ye Yanyu at hindi nito mapapataas ang kaniyang atensyon matapos itong makuha ng munting pusang magnanakaw. Kung tutuusin, talagang maraming resources ang kinakain ng munting pusang magnanakaw araw-araw."

Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng.

Sa isang iglap na ito sinong mag-aakala na makukuha ni Zhao Feng ang Earth Yin Poison Mushroom nang walang ginagawa?

Naisip pa rin ni Chi Gui na ang Earth Yin Poison Mushroom ay nasa tiyan ng munting pusang magnanakaw at ito ay natutunaw na. Kahit si Ye Yanyu ay maloloko.

Nang maglaho ang munting pusang magnanakaw, inilagay nito ang Earth Yin Poison Mushroom sa loob ng interspatial bracelet ni Zhao Feng.

Mayroong abilidad ang munting pusang magnanakaw na ito nang ipanganak ito, at sumakit ang ulo ni Zhao Feng nang makain ng munting pusang magnanakaw ang kaniyang mga resources subalit sa kritikal na pagkakataon na ito ang abilidad ng munting pusang magnanakaw ay malaki ang tulong.

Sa loob ng itim na lotus.

Kinokontrol ni Zhao Feng ang sitwasyon sa loob ng kaniyang God's Spiritual Eye.

Ang dalawang green bronze corpses ay mayroong isang patong ng yelong nakabalot sa kanila at hindi sila gumagalaw.

"Dalawang corpses, isang Earth Yin Poison Mushroom. Tiyak na magiging sapat na ito para makaabot ang isang tao ng True Lord Rank at magkakaroon pa ito ng tira, subalit masasayang lamang ito."

Naisip ni Zhao Feng ito at sa wakas ay hinati sa dalawa ang Earth Yin Poison Mushroom, binigyan ng tig-kalahati ang green bronze corpses.

Nangangahuluguhan ito na ang kapangyarihan ng Earth Yin Poison Mushroom ay tuluyan nang magagamit.

"Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng Sky Marking Stone kanina, ang bawat isa sa kanila ay mayroong 80% na pagkakataon upang makaabot ng True Lord Rank dahil sa kalahating Earth Yin Poison Mushroom."

Tinantsa ni Zhao Feng.

Kung hindi niya nakuha ang Sky Marking Stone kanina at napalakas ang dalawa, si Zhao Feng ay magtutuon na lamang ng pansin sa isa subalit ngayon ay sinusubukan niyang bigyan ng pansin ang parehas dahil ang lason ang pangunahing punto sa pagbabanta sa True Lord Ranks.

Hindi kalaunan kinain na ng dalawang green bronze corpses ang Earth Yin Poison Mushroom at ang Earth Yin Poison Mushroom ay tiyak na karapat-dapat na maging isang top tier item sa pagpapalakas ng mga bangkay. Nang kainin ito ng dalawang ghost corpses, nagsimula silang umusok ng mayroong air of erosion at ang kanilang lakas ay mabilis na tumaas sa loob ng itim na lotus.

"Dalawa hanggang tatlong araw lamang ang kinakailangan upang ang lakas ng dalawang ghost corpses na ito ay maaari nang maikumpara sa True Lord Rank level at maaaring kaunti na lamang bago makapantay ang mga ito sa antas na ito. Matapos noon, idadagdag ko ang scorpion poison sack sa kanila. Hehehe, puno ito ng pagasa….."

Binawi ni Zhao Feng ang kaniyang kamalayan mula sa black lotus at sa oras na ito ang labanan sa pagitan ng tatlong True Lord Ranks ay nakatungtong nasa mga huling yugto.

Si Ye Yanyu at ang munting pusang magnanakaw ay kumuha ng kahit tig-kalahati ng mga kayamanan at sira ang ilan. Kung hindi nila makukuha ang mga ito, kahit papaano ay mapapahina nila ang kalaban.

Kung ang Earth Yin Poison Mushroom na iyon na nilunok ng munting pusang magnanakaw ay napunta sa mga kamay ni Chi Gui, labis na tataas ang kaniyang battle power.

Kaya naman, sa mga mata ni Ye Yanyu sinira ng munting pusang magnanakaw ang Earth Yin Poison Mushroom at pinahina ang mga pagkakataon sa pagpapalakas ng kalaban.

Si Chi Gui ay puno ng pagkamuhi at pagdadalawang-isip. Kung makukuha niya ang Earth Yin Poison Mushroom, kahit papaano isa sa kaniyang ghost corpses ay makakaabot sa huling yugto ng True Lord Rank.

Kailangang malaman ng isang tao na sa sampung True Lords na nakapasok sa Ruins, tatlo lamang ang nakatungtong sa huling mga yugto ng True Lord Rank.

Sa kasamaang palad, ang perpektong kayamanan na ito ay kinain ng munting pusang magnanakaw.

Sa kabilang banda, itiniim din ng True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa ang kaniyang mga ngipin dahil ang blood glass fruit ay nakuha na ni Ye Yanyu sa wakas.

Kahit na hindi ito ang pinakanababagay para kay Ye Yanyu, magdudulot pa rin ito upang tumaas ang kaniyang cultivation.

Subalit, hindi ito agad-agad na kinain ni Ye Yanyu dahil wala naman siyang pagkakataon upang gawin ito.

Inatake siya kanina ng mga forbidden techniques ng dalawang True Lord Ranks at siya ay bahagyang napinsala. Kahit na natalo niya ang dalawa, sa dulo ay nagbigay pa rin siya ng malaking kabayaran at ang mga inambag ng munting pusang magnanakaw ay hindi masusukat.

Hindi nagtagal ang mga kayamanan sa pader ay nahati na at si Zhao Feng ay nanatili pa ring nakaupo sa sahig simula sa umpisa hanggang sa katapusan, kailanman hindi nakisali.

Kakaiba ang tingin ng mga henyo ng tatlong puwersa kay Zhao Feng.

Sa pagkakataong ito, halos tuluyan nang masipsip ni Zhao Feng ang unang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Dew Shoot at ang kaniyang mental energy level ay maikukumpara sa mga unang yugto ng True Lord Rank.

Sa wakas, tumayo na siya.

"Goddess Ye."

Natagpuan ni Zhao Feng si Ye Yanyu.

"Ano?"

Matapos ang isang matinding labanan, si Ye Yanyu y napinsala at ang kaniyang mukha ay bahagyang maputla.

"Kailangan ko ng dalawang patak ng Elixir of Life mula sa Life Returning Grass o kalahati ng Life Returning Grass."

Walang ekspresyong sinabi ni Zhao Feng.

Ano?

Hindi sigurado si Ye Yanyu kung tama ba ang pagkakarinig niya.

Pinaglaban niya ang kaniyang buhay para makuha ang life returning grass na ito at ang lalaking ito ay wala namang ginawa at nakaupo lang doon sa buong oras. At ngayon gusto niya ng kalahati?

Próximo capítulo