webnovel

Naghihintay na may Malaglag na Pie mula sa Alapaap

Editor: LiberReverieGroup

Ito ang unang beses na nakakita si Zhao Feng ng ganitong kakaiba at nakakatakot na eye bloodline.

Ang mga hindi nakikitang multo ay inilabas ang kanilang mga putting kuko at pilit na inaabot ang katawan ni Ye Yanyu at ibinukas ang kanilang mga bibig at hayok na hayok nilang dinilaan ang kaniyang katawan.

Ang eksenang ito na nasa harapan ng kanilang mga mata ay katulad ng Hundred Graves Forbidden Ground. Nagdulot ito upang manigas ang buto ng isang tao.

Hindi nakikita ang kapangyarihang ito, subalit nangyayari ito sa pagitan ng physical at mental energy world.

Kahit na hindi ito nakikita sa pamamagitan lamang ng mata, bigla-biglang manlalamig at mandidiri ang katawan.

"Wicked Spirit Ghost Eye. Mukhang si Brother Chi Gui ay seryoso na ngayon at ginamit pa niya ang ipinagbabawal na skill na ito."

"Sa oras na matutukan ang isang tao ng Wicked Spirit Ghost Eye. Kahit ang mga True Lord Ranks ay madudurog at masasakop ng mga multo. Ang kanilang blood essence ay patuloy na makakain…."

Ang mga henyo ng Black Cliff Palace ay nagagalak at umaasa.

Sa ilalim ng normal na sitwasyon, hindi basta-bastang gagamitin ni Chi Gui ang Wicked Spirit Ghost Eye dahil ang paggamit ng skill na ito ay nangangailangan ng mabigat na kabayaran.

Kumunot ang mga kilay ni Ye Yanyu at naramdaman niya na nalilimitahan ang kaniyang battle power.

Matitining na boses ang maririnig sa kaniyang isipan na nakapagpanginig ng kaniyang kamalayan.

Ang pinakadirektang pinsala ay ang kaniyang blood essence ay patuloy na naglalaho.

"Ang eye bloodline na ito ay talagang nakakasindak at mapanganib. Sa kasamaang palad, kailangan nitong magtipon ng mga kaluluwa at gumamit ng isang sikretong teknik upang magamit ito."

Bahagyang nagsisisi si Zhao Feng.

Hindi nakokopya ng kaniyang God's Spiritual Eye ang bawat skill dahil karamihan ay nakabase sa mga special attributes o kaya'y sa mga bloodlines.

Halimbawa, ang Wicked Spirit Ghost Eye ni Chi Gui ay nakabase sa kaniyang Black Wicked Eye.

Subalit, si Zhao Feng ay hindi natatakot sa Wicked Spirit Ghost Eye.

Ang kaniyang Lightning Fire God's Eye ay nakakatapat sa karamihan ng mga teknik ng Black Cliff Palace, kabilang na ang Wicked Spirit Ghost Eye.

Sa puntong ito, si Zhao Feng ay mas nag-alala para kay Ye Yanyu.

"Kung matatalo si Ye Yanyu kung ganoon mapipilitang magbago ang aking plano, at ang antas kung gaano ito kahirap ay tataas ng ilang beses."

Tahimik na nanonood si Zhao Feng at hindi siya nakikisali.

Gagana nang maayos ang kaniyang plano basta'y matatalo ni Ye Yanyu ang dalawang True Lord Ranks o kaya naman ay kapantay niya ang dalawa sa labanan.

"Hmph, kung ganoon sa paglipas ng sampung libong mga taon atsaka lamang nalaman ng Black Cliff Palace ang mga wicked side tricks na ito? Hindi nakapagtatakang sila ang huling-huli sa tatlong Sects."

Biglang malamig na humagikhik si Ye Yanyu.

Purifying Moon Sky Essence!

Sumigaw si Ye Yanyu at ibinukas ang kaniyang mga braso. Sa pagkakataong ito para siyang isang banal at makatarungang tao.

Biglang mayroong isang matingkad na liwanag ng buwan na kuminang mula sa kaniya at ang lahat ng nasasakupan ng sampung yarda kabilang na ang mga damo, bato at semento ay nagsimulang maglaho.

"Ahhhh!

Ang mga multong nakapalibot kay Ye Yanyu ay nagsimulang magtilian matapos maliwanagan ng makatarungang ilaw na iyon.

Kahit ang True Lord Rank silver striped skeleton ay nagsimulang umusok.

Ang Purifying Moon Sky Essence ni Ye Yanyu ay kayang tumapat sa Dao of Ghost sa isang tiyak na antas at madali nitong napawalangbisa ang suliraning kinakaharap niya kanina.

Subalit, sa pagkakataong ito ang True Lord na mayroong kulay dugong kapa ay gumamit din ng isang nakamamatay na skill.

"Blood Moon Devouring Spirit!"

Pumagaspas ang True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa, at isang dugong buwan ang nagsimulang mabuo sa ere.

Ang malaking blood moon ay nagdulot ng walang hanggang pagpatak ng blood moonlight at nakipagsagupaan ito sa Purifying Moon Sky Essence ni Ye Yanyu, nagdulot upang bumula ang berdeng usok.

Dagdag pa rito, isang malaking bibig ang bumukas sa blood moon na tumutok kay Ye Yanyu.

Nagbago ang ekspresyon ni Ye Yanyu dahil may naramdaman siyang isang puwersang humahatak sa kaniyang katawan patungo sa bunganga.

Ang Blood Moon Devouring Spirit ay kaya ring direkstang humigop ng dugo ng pakay nito kahit mula sa malayo.

"Heh, ang Blood Moon Devouring Spirit na ito ay isang napakadominanteng pinagbabawal na skill na kayang lamunin ang esensiya ng lahat ng bagay na nasa loob ng isang daang yarda. Kapag ito ay itinutok sa ilang yarda, labis na tumataas ang kapangyarihan nito."

Malamig na tumawa ang True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa.

Ang kaniyang Blood Moon skills at ang Purifying Moon skill ni Ye Yanyu ay ang katapat ng isa't-isa.

Nakatulong ang galaw na ito kay Chi Gui at napabago nito ang sitwasyon.

Magaling!"

Tumawa si Chi Gui at muli ulit pinalabas ang Wicked Spirit Ghost Eye upang harangin si Ye Yanyu at patuloy na sipsipin ang kaniyang dugo.

Ang mga sikretong teknik ng dalawang True Lord Ranks ay hindi nakakaapekto sa isa't isa at sa halip nakakatulong ito dahil parehas silang Yin element.

"Senior brother Chi Gui, ibibigay namin sa'yo ang lahat!"

"Brother Xue, pababagsakin natin nang magkasama ang p*nyetang 'to!"

Sumuporta ang mga disciples mula sa malayo.

Halimbawa, ang mga nasa Black Cliff Palace ay nagpalabas ng mga multo upang pataasin ang kapangyarihan ng Wicked Spirit Ghost Eye at ang mga henyo mula sa Moon Demon Palace ay ibinuhos ang kanilang mga Qi ng Blood Moon sa Blood Moon na nasa ere, pinapataas ang abilidad ng Blood Moon Devouring Spirit.

Nang hindi nakikita.

Ang kapangyarihang ng dalawang lihim na teknik ay halos dumoble at tuluyan na nitong natalo si Ye Yanyu.

"Sky Moon Nine Slashes!"

Isang malamig na liwanag ang kumislap sa mga mata ni Ye Yanyu nang may isang malinaw na espadang lumitaw sa kaniyang kamay.

Shu Shu Shu----

Kapag mata lamang ang gagamitin makakakita lamang ito ng walo o siyam na matitingkad na mga kislap ng mapanirang moonlight na humiwa patungo sa mga multo.

Boom!

Ang mga kislap na ito ay nagdulot upang manginig ang bawat bundok sa bawat tira.

Crack!

Ang isang braso ng True Lord Rank Skeleton ni Chi Gui ay naputol at mga hiwa ang lumitaw sa Blood Moon nang magsimula itong humina.

Ang moonlight ay parang kayang humiwa sa kahit ano at kahit ang mga nakapalibot na multo ay napinsala.

"Sky Moon Nine Slashes. Nakakasindak na Sword skill. Ang bawat tira ay kayang makapatay ng isang normal na True Lord Rank nang tapatan. Dagdag pa rito, ang bawat hampas matapos ang nauna ay mas lumalakas."

Kahit hindi si Zhao Feng ang taong humaharap dito nararamdaman niya pa rin ang mapanirang kapangyarihan ng mga hiwa.

Nang makarating sa ikalimang espada ang Sky Moon Nine Slashes, gulat ang lumitaw sa mukha ni Chi Gui at ang mga mata ng True Lord na mayroong kulay dugong robe ay mayroong senyales ng pag-atras.

Ang mga ghosts ng Wicked Spirit Ghost Eye ni Chi Gui ay tumili nang sila ay mamatay, at ang kaniyang eye bloodline skill ay napilitang tumigil.

Shuu---

Ang ika-anim na espada ay kumislap sa ere at pinatalsik ng dose-dosenang yarda ang True Lord Rank skeleton ni Chi Gui.

Isang madugong gasgas ang naiwan sa katawan ni Chi Gui at bahagyang maputla ang kaniyang mukha.

Agad-agad na kasunod nito, nabasag ng ika-walong espada ang Blood Moon at ang hangin ay napuno ng walang hanggang moonlight.

Wah!

Napadura ng maraming dugo ang True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa nang siya ay umatras at isang sugat diretso sa buto ang makikita.

Bago pa man mabuo ang ika-siyam na espada, ang anyo ni Ye Yanyu ay nanginig at ang kaniyang mukha ay labis na namutla. Ang kaniyang blood essence at Yuan Qi ay naging kaunti, at ang ninth Sky Moon Slash ay hindi pa rin tuluyang nabuo hanggang sa dulo.

"Kung ganoon ayun ang nangyari. Halos hindi na nga magamit ni Ye Yanyu ang Sky Moon Nine Slashes sa una pa lamang at matapos mapinsala ng mga sikretong skills ng dalawang True Lord Rank, ang kaniyang ika-siyam na espada ay hindi na niya nagawang pakawalan."

Mas alam ni Zhao Feng ang sitwasyon bilang isang manonood.

Hu~

Parehas si Chi Gui at ang True Lord na mayroong kulay dugong robe ay huminga.

Hanggang ngayon, si Ye Yanyu pa rin ang lamang at parehas niyang napinsala ang mga kalaban kung saa si Chi Gui ang naghihirap sa pinakamalalang pagkatalo.

Tatlo hanggang apat na disciples sa malapit ang napatay at karamihan sa kanila ay nasa peak True Mystic Rank.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng maisip na sinuwerte siya dahil hindi niya naistorbo ang tatlong True Lord Ranks.

Sa katotohanan.

Batay sa plano, hindi gagawin ito ni Zhao Feng at hindi niya kailangang gawin ang kahit na ano.

Kuminang ang mga mata ni Zhao Feng at sunod ay bumalik ito sa orihinal nitong ekspresyon.

Sa puntong ito.

Ang lahat ng tatlong True Lord Ranks ay nanatili lamang at sila ay lahay may pinsala. Ginagamit nila ang kanilang bawat hininga upang magpahinga at maghanda sa susunod na tira.

Nabagot si Zhao Feng at uminom ng isang patak ng Solar Lunar Sky Bamboo Dew.

Weng~

Naramdaman ni Zhao Feng na nagsimulang malinis ang kaniyang mental energy at labis na guminhawa ang kaniyang pakiramdam, tila ba siya ay hinuhugasan ng araw at ng buwan.

Ang Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew ay kayang maglinis at magpalakas ng kaluluwa habang nagpapagaling ng isipan.

Ang isa pang epekto ay pataasin ang mental energy at ang pag-intindi.

Matapos gamitin ang patak na ito pakiramdam ni Zhao Feng na mas luminaw ang kaniyang isipan at ang kaniyang mental energy level ay halos nasa unang yugto ng True Lord Rank.

"Matapos kong tuluyang mahigop ang patak na ito, ang aking mental energy level ay tuluyan nang mabubuo sa ika-unang mga yugto ng True Lord Rank level."

Ang atensyon ni Zhao Feng ay bumalik sa sitwasyon.

Mula simula hanggang ngayon siya ay nakaupo sa iisang lugar at wala siyang kaht anong senyales na siya ay sasali. Tila ba siya ay isang manonood lamang.

"Ang batang ito ay naiisipan pang macultivate ngayon?"

"Sa tingin niya ba may isang pie na babagsak mula sa alapaap papunta sa kaniya?"

Mariing tiningnan ng mga henyo ng dalawang sects si Zhao Feng at kahit ang tatlong True Lord Ranks ay nagbigay ng atensyon kay Zhao Feng mula sa mga sulok ng kanilang mga mata.

Kung tutuusin, ang battle power ni Zhao Feng ang pinakauna sa lahat ng nasa ibaba ng True Lord Rank at kaya nitong mapabago ang kalalabasan kung ginawa niya ang galaw na ito sa dulo.

Subalit, nanatiling nakaupo si Zhao Feng at hindi siya gumalaw.

Sa mismong pagkakataon na ito ay nagbago ang sitwasyon.

Shua Shua!

Si Ye Yanyu at ang munting pusong magnanakaw ay parehas nanlambot at lumukso patungo sa mga kayamanan sa pader.

"Pigilan siya!"

Biglaang nagbago ang mga ekspresyon ni Chi Gui at ng batang mayroong kulay dugong kapa, at parehas nilang dinaanan siya.

Shua!

Naglaho ang munting pusang magnakakaw at ginamit ni Ye Yanyu ang dalawang Sky Moon Sladhes upang puwersahing umatras ang dalawang True Lord Ranks.

"Hehe, Life Returning Grass."

Binunot ni Ye Yanyu ang holy grass.

Miao miao!

Iwinagayway ng munting pusang magnanakaw ang Mystic Snake Blood Whip nito at hinatak ang blood glass fruit.

"Ang aking blood glass fruit!"

Sumunggab ang batang mayroong kulay dugong kapa sa munting pusang magnanakaw na mayroong nanlalaking mga mata.

Numiti ang munting pusang magnanakaw nang kuhanin nito ang blood glass fruit at sunod ay maliksing tumalon patung osa Earth Yin Poison Mushroom at kinagat ito ng kaunti.

"Tigil…. Ang aking Earth Yin Poision Mushroom!"

Sumigaw si Chi Gui dahil halos mabaliw na isya. Ito ay isang perpetkong materyal para sa pagpapalago ng mga ghost corpses.

Subalit.

Hinarang sila ni Ye Yanyu at kaya lamang nilang panooring kuhanin ng munting pusang magnanakaw ang blood glass fruit at lunukin ang Earth Yin Poison Mushroom.

Próximo capítulo