webnovel

Wicked Spirit Ghost Eye

Editor: LiberReverieGroup

Sa isang sandali ang mga young scorpions na nasa loob ng butas ay nahati.

Ang tatlong True Lord Ranks ay nakatanggap ng scorpions na may mas purong mga bloodlines na hindi masiyadong nagkaiba mula sa ancient giant scorpion.

Sa kanilang lahat si Ye Yanyue ang nakakuha ng dalawang purest scorpions kung saan ang kahit sinong isa sa kanila ay mas mahalaga kaysa sa ibang dalawang True Lords.

Hindi lang ito dahil sa kaniyang lakas. Ito rin ay dahil sa tulong ng munting pusang magnanakaw.

Nang hindi niya nalalaman, mas pinagkatiwalaan at minahal ni Ye Yanyue ang munting pusang magnanakaw at ang mga ekspresyon ng batang mayroong kulay dugong robe at ni Chi Gui ay bahagyang pumangit. Mula sa simula hanggang ngayon sila ay natatalo na ni Ye Yanyue at sa pamamagitan ng munting pusang magnanakaw si Ye Yanyue ay parang isang isda sa tubig.

Nang mahati ang pure blooded young scorpions ang mga grupo ay tumingin patung osa mga malapit na impure scorpions.

Ang lahat ng mga scorpions na ito ay mayroon ding bloodline at kahit mas matamlay ito, mas maayos pa rin ito kaysa sa mga normal na halimaw.

Kaya naman, lahat sila ay masaya pa rin na kuhanin ang mga ito.

Subalit, mayroong isang tao sa grupo na hindi masiyadong gumalaw simula sa una hanggang ngayon.

Ito ay si Zhao Feng.

Tila ba siya ay nanonood ng isang palabas at ang proseso niya sa pagkuha ng young scorpion ay ginawa sa pamamagitan ng kaniyang God's Spiritual Eye, tahimik at mabilis.

Sinong mag-aakala na kahit hindi siya gumagalaw ay makakatanggap siya ng isang variant young scorpion?

Napagtanto ni Zhao Feng na ang bloodline ng variant young scorpion na mayroon siya ay nasa level ng gaya ng na kay Ye Yanyue subalit mas matalino ito at mayroong isang matatag na mentalidad. Dahil isa itong variant, ang potensyal nito ay hindi nasusukat.

"Eh, bakit hindi gumagalaw ang batang ito?"

"Hindi ba't siya ang palaging mayroong matinding suwerte?"

Ang mga henyo ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace ay naghihinalang tumingin patungo kay Zhao Feng at upang ilipat ang kanilang atensyon, inilabas ni Zhao Feng ang Sky Marking Stone ay dinikdik ito upang maging pulbos at sunod ay inilagay ito sa dalawang green bronze corpses.

Ssssss!

Ang Sky Marking Stone powder ay nagsimulang lumubog sa balat ng mga bangkay at ito ay nasipsip ng kanilang mga buto.

"Tiyak na malaya ang lalaking ito, ginagamit pa niya ang Sky Marking Stone upang palakasin ang mga buto ng isang bangkay."

"Sayang! Tinatapon lamang niya ito ay hindi ginagawang isang solusyon."

Ang mga henyo ng Black Cliff Palace ay tumingin sa mga pagkilos ni Zhao Feng ng mayroong inggit at pagseselos.

Nanatiling hindi gumagalaw si Zhao Feng at ibinuhos ang lahat ng pulbo nang pantay-pantay sa dalawa at sunod ay gumamit ng matamlay na True Spirit Lightning Flame upang tulungan ang mga ghost corpses na humigop at palakasin ang kanilang mga katawan.

Sa ilalim ng normal na mga sitwasyon ang Lightning Fire ang nemesis ng mga multo subalit natuklasan ni Zhao Feng na ang isang matamlay na True Spirit Lightning Flame ay sa halip kayang makatulong sa pagpapabilis ng paghigop ng Sky Marking Stone.

"Kayang mapalakas ng Sky Marking Stone ang katawan, subalit ang enerhiya nito ay napakaligalig at madali itong nakakapag-iwan ng mga tagong pinsala. Subalit, kung gagamitin ito upang mapalakas ang mga bangkay at ang mga dead items ay malaki ang maitutulong nito."

Bulong ni Zhao Feng.

Nagpakita ng gulat na hitsura si Chi Gui nang makita niya si Zhao Feng na gumamit ng isang matamlay na True Spirit Lightning Flame upang i-refine ang mga ghost corpses.

Kahit ang mga pagkilos ng kamay ni Zhao Feng ay parang lalampa-lampa at hindi pamilyar, kaya nitong mabilis na mahigop ang Sky Marking Stone.

Ang dalawang bahagyang namamagang green bronze ghost corpses ay nagsimulang lumiit sa ilalim ng True Spirit Lightning Flame at naging malaki ito, subalit hindi na namamaga.

"Kahit hindi pa tumataas ang tiers ng dalawang ghost corpses, ang kanilang katawan at depensa ay umangat at kaya na nilang hindi bigyang-pansin ang halos kahit anong atake mula sa mga nasa ibaba ng True Lord Rank."

Pasikretong nasurpresa si Chi Gui.

Matapos gawin ito, sunod ay ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang eye ice bloodline.

Shuuuu!

Ang panlabas ng dalawang green bronze corpses ay nagsimulang magyelo at sunod ay ibinalik sila ni Zhao Feng sa black lotus.

"Ginamit niya ang Lightning Fire upang i-refine sila at sunod ay ang yelo upang patigasin ang mga bangkay..."

Mas lalo pang nasurpresa si Chi Gui.

Mas nais niya pang paniwalaan na ang lahat ng ito ay nagkataon lamang. Paanong ang isang batang kakapasok pa lamang ng Dao of Corpses ay mayroon ng kaalaman sa refining techniques?

Paano niya malalaman na ang natutunan ni Zhao Feng ay 40-50% na agad ng Six Ghost Corpse Controlling secret technique?

Ang pinakamahalagang bagay ay, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay parang napakatalentado sa Dao of Ghost Corpses at ito ay maayos na nagagamit.

"Matapos magyelo sa loob ng ilang oras sa pamamagitan ng aking ice eye bloodline, ang katawan ng dalawang green bronze ghost corpses na ito ay ang magpapataas ng kaunti sa kanilang mga tiers."

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay nagbalik mula sa kaniyang itim na lotus.

Sa kasalukuyan ang dalawang mga bangkay ay halos hindi na mapapantayan sa ilalim ng True Lord Rank. Hinulaan pa ni Zhao Feng na maaaring ang dalawang ito kapag pinagsama ay kaya pang sumalag sa isang True Lord Rank sa loob ng maikling panahon.

Hindi kalaunan.

Nagpatuloy sa kanilang lakad ang tatlong True Lord Ranks at hindi masiyadong binigyang-pansin ni Ye Yanyu si Zhao Feng sa pagrerefine ng kaniyang ghost corpses dahil hindi naman talaga niya gusto ang mga ghost corpses sa simula pa lang.

Sa pagkakataong ito siya lumalangoy sa kagalakan ng mga gantimpalang dinala sa kaniya ng munting pusang magnanakaw.

Ang lahat ng ito ay dumaan sa mga mata ni Zhao Feng at siya ay tumango: Ang unang kalahati ng plano ay maayos naisasakatuparan.

Maaaring sabihin na ang plano ay mas maayos pa kaysa sa inaasahan.

Halimbawa, ang pagkuha ng Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew at ng Sky Marketing Stone sa daan.

Tahimik na sumunod si Zhao Feng sa likuran ng tatlong True Lord Ranks.

Biglaan.

Isang matamlay na liwanag ang lumitaw sa pader sa unahan at ang Heaven Earth Yuan Qi ay mas lalong naging aktibo.

Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng. Sa ganito kagandang kapaligiran ay hindi mahihirapan tumubo ang mga mahahalagang materyales.

Gaya ng inaasahan.

Ang anyo ng tatlong True Lord Ranks sa unahan ay huminto at kaligayahan ang makikita sa kanilang mga mukha.

"Tiyak na mayroong isang Blood Glass Fruit. Kung kakainin ko ito ang aking Blood Demon Reflecting Moon at cultivation ay labis na tataas. Sa oras na iyon ang aking lakas ay makakaabot sa top three sa lahat ng mga naroroon sa Ruins."

Ang katawan ng True Lord na mayroong kulay dugong robe ay bahagyang nanginig.

Ang Blood Glass Fruit ay isang napakamabisang resource para sa mga cultivators ng Dao of Blood.

Kahit na mapunta ito sa kamay ng ibang mga eksperto, isa pa rin itong kayamanan.

Halimbawa, si Zhao Feng na mayroong mental energy level ng isang True Lord Rank. Kung mayroon siyang Blood Glass Fruit, maaari siyang makaabot sa True Lord Rank sa loob lamang ng kalahating buwan sa seklusyon.

Sa puntong ito.

Naaabot na rin nila ang dulo ng kuweba.

Ang pader sa unahan ay nagliwanag at ang bawat pulgada nito ay parang naglalaman ng nakakahangang kapangyarihan at halaga.

Sa pader mayroong tumubong isang dosenang sinaunang mga kayamanan, ang bawat isa ay mas mahalaga kaysa sa Solar Lunar Sky Bamboo Shoot Dew na natagpuan ni Zhao Feng noon.

Halimbawa, mayroong apat hanggang limang mga kayamanan na may level na katulad ng sa Blood Grass Fruit.

Ang Blood Glass Fruit ay halos kasinglaki ng isang kamao at ang kulay nito ay isang matingkad na pula. Malaman ito at nagpakawala ng isang siksik na Yuan Qi.

Nakatayo si Zhao Feng sa likuran at dali-daling sinuri ang mga bagay gamit ang kaniyang God's Spiritual Eye at hindi kalaunan natagpuan niya ang Earth Yin Poison Mushroom at Life Returning Grass.

Maitim ang Earth Yin Poison Mushroom at isa itong nabubulok na kabute kung saan ang Life Returning Grass naman ay berde at nagpapakawala ito ng isang masaganang aura na nagdulot upang mapalapit ang mga taong nasa paligid nito.

"Earth Yin Poison Mushroom… ito ay isang perpektong materyal para sa mga ghost corpses. Kung makukuha ko ito, ang lakas ng aking dalawang True Lord Rank ghost corpses ay labis na tataas."

Pinigilan ni Chi Gui ang kagalakan sa kaniyang puso.

Sa tatlo, si Ye Yanyue lamang ang mayroong nakakunot na mga kilay.

Sa madilim na kapaligiran na ito, karamihan sa mga kayamanan ay nakabase sa Yin at wala itong masiyadong halaga sa kaniya.

"Ang Life Returning Grass na ito ay kayang sumagip ng buhay kung kukuhanin ko ito pabalik sa Sect at ang Blood Glass Fruit ay kaya ring makapagpataas ng aking cultivation."

Kuminang ang mga mata ni Ye Yanyue at nagsimula na niyang kausapin ang munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

Gumawa ng ilang pagkilos ang munting pusang magnanakaw.

"Magandang ideya. Kailangan kong sirain ang ilang mga kagamitan ng Wicked Path kung wala na silang kuwenta sa akin. Nangangahuluguhan ito na hindi rin nila magagawa ang kanilang mga nanaisin."

Tumango si Ye Yanyu at ngumiti.

Ang plano ng munting pusang magnanakaw ay sobrang nakamamatay. Sa dose-dosenang mga kayamanan na ito walang kahit isangkatlo rito ang makakatulong kay Ye Yanyu.

Halatang hindi niya maaaring ibigay ang mga natitira sa dalawang panig at mas madaling sumira kaysa sa makakuha.

"Dali! Hindi natin maaaring hayaan ang p*nyetang Ye Yanyu na ito na sirain ang pagkakataon natin."

Nagpalitan ng tingin ang batang mayroong kulay dugong kapa at si Chi Gui at parehas silang umatake kay Ye Yanyu nang kumilos siya.

"Lahat kayo bilis!"

Ang ibang mga elites na peak True Mystic Rank ay nagsimula na ring sumuporta kay Chi Gui at sa batang mayroong kulay dugong robe.

Sa kritikal na pagkakataong ito ang parehas na panig ay nagkampihan upang harapin si Ye Yanyu.

Ang pagkayamot ng dalawang True Lords ng Black Cliff Palace at ng Moon Demon Palace ay dahil sila ay labis na nagigipit ni Ye Yanyu ay humupa na sa wakas.

Kung tutuusin, ang mga kayamanan sa pader ay top tier at maaari itong labis na makapagpataas ng kanilang lakas. Ang dalawang True Lords ay sumasang-ayon na kalabanin si Ye Yanyu para rito.

"Aye, bakit hindi na lang tayo maupo at magkaroon ng magandang pag-uusap?"

Nagpanggap si Zhao Feng na bumuntong-hininga at umatras sa isang sulok, ipinapakitang ayaw niyang makisali.

Ang kaniyang lakas ay nasa ibaba lamang ng tatlong True Lords at sa pagkakita na siya ay umatras wala ang nagpunta upang atakihin siya.

Sa katotohanan.

Nagustuhan ni Zhao Feng ang sitwasyon na ito.

Binigyang-pansin din nina Chi Gui at ni Ye Yanyu ang mga pagkilos ni Zhao Feng. Noong una ay inakala nilang kukuha si Zhao Feng ng isa o dalawang kagamitan, subalit ang tanging ginawa lamang ni Zhao Feng ay umupo sa isang sulok at tila ba hindi siya naaapektuhan ng mga kayamanan sa pader.

Hindi dahil hindi ito gusto ni Zhao Feng, ito ay dahil hindi niya magawang kumuha.

Ang mga kayamanang ito ay natatakpan ng tatlong True Lord Ranks at ang mga natitirang atake ng kanilang labanan ay madaling makakapatay ng isang peak True Mystic Rank.

Ang pinakaimportante ay, ito ang kritikal na parte ng kaniyang plano.

"Ye Yanyu, umatras ka ng sampung yarda at hintayin mong makakuha ako ng isa o dalawang kayamanan."

Iwinagayway ng True Lord Rank na mayroong kulay dugong kapa ang moon blade sa kaniyang kamay at ang hangin ay para bang nabalutan ng kulay ng dugo at nagpatuloy ito sa paghawi kay Ye Yanyu.

Dali!

Una ay nagpalabas ng isang True Lord Rank corpse si Chi Gui upang makulong si Ye Yanyu sa isang malapitang labanan.

"Black Wicked Eye!"

Isang tuldok ang lumitaw sa nakakakilabot na puting mata ni Chi Gui.

Eye bloodline - Black Wicked Eye.

"Black Wicked Eye - Wicked Spirit Ghost Eye!"

Itim na mga bilog ang nagsimulang lumitaw sa mata ni Chi Gui at isang malamig na mental energy aura ang dali-daling bumalot kay Ye Yanyu.

Lumukso ang puso ni Zhao Feng ng makaramdam siya ng isang matining na mental energy.

Nakakita ang kaniyang God's Spiritual Eye ng mapuputlang mga multong inilalabas ang kanilang mga kuko, sinasaksak, dinadakot, at kinakagat si Ye Yanyu. Ang eksenang ito ay parang direktang nagmula sa impyerno.

Próximo capítulo