"Wala ng oras, maghanda na para lumaban."
Malamig na tumingin si Zhao Feng patungo sa kanluran nang siya ay umangat.
Namutla ang mga mukha nila Mo Tianyi at ng iba pa ng marinig ito. Anong klaseng
kalaban ang sapilitang lalaban kay Zhao Feng ng hindi pinagtitibay ang kaniyang
cultivation?
Shua!
Isang mala-multong imahe ang naiwan sa likod ng biglang nawala si Zhao Feng.
"Anong klaseng bilis iyon!"
Napanganga ang lalaking may dilaw na mukha at hindi magawang makapagbigay ng
reaksiyon.
"Ang ganitong galaw ay sobrang kakaiba at maaaring makapanlinlang ng mental
energy senses."
Sou!
Nagising ang diwa ni Mo Tianyi at agad na sumunod sa likid ng lalaking may dilaw
na mukha habang si Zhao feng naman ay tuluyan ng nakaahon sa himpapawid at
tumingin ng malamig sa gubat na nasa kanluran.
Sa mga sumunod na sandali.
Sa itaas ng gubat ay may isang gintong dragon na may nakakatakit na aura.
"Nararamdaman ko ang dragon blessing na ito mula sa malayo. Malamang ay isa itong overwhelming prodigy."
Lubos ang takot sa puso ni Mo Tianyi ngunit habang iniisip niya na may kasama
siyang quasi overwhelming prodigy sa kaniyang tabi, hindi niya maiwasang
maghangad mula sa kaniya.
Naghintay mula sa himapapawid si Zhao feng ng may seryosong ekspresiyon.
Weng~
Ang dragon blessing na nasa gubat ay naging mas malakas.
Mayroon doong isang gintong dragon…. Sandali, hindi. Mayroong dalawa.
"Hindi maganda… dalawang overwhelming prodigies!"
Sigaw ni Mo Tianyi at ng lalaking may dilaw na mukha.
Hindi na nakakapagtaka na ang kalmadong mukha ni Zhao Feng ay magiging seryoso.
Takbo!
Likas na naisip ni Mo Tianyi at ng iba pa.
Isa pa nga lang na overwhelming prodigy ay nakakatakot na at ngayon pa kayang
mayroong dalawa?
"Kayong dalawa ay tumakbo na at protektahan si Yufei."
Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng kasabay ng paghinga niya ng malalim.
Sa ilalim ng mga normal na sitwasiyon, siya ay tatakbo ng walang pag-aalinlangan
kung dalawang overwhelming prodigies ang dumating ngunit ngayong naabot na niya
ang True Mystic Rank ay nagdesisyon si Zhao Fwng na pigilan sila.
Kung hindi sila makakayang pigilan ni Zhao Feng ay kakailanganin ng
sumuko ni Zhao Yufei ang tiyansa niyang maabot ang True Mystic
Rank. Nagawa naman niyang mabuo ang kaniyang root of law sa loob
lamang ng maikling oras.
Samakatuwid, nais namang subukan ni Zhao Feng ang kaniyang lakas.
"Mag-iingat ka. Kung hindi mo ito magagawa ay hahayaan na naming
isuko ni Sister Yufei ang kaniyang tiyansa."
Malalim na tumingin si Mo Tianyi patungo kay Zhao Feng bago umalis
kasama ang lalaking may dilaw na mukha.
Kung ito'y nasa kalagayan ni Zhao Feng, siya ay tatakbo nago pa niya
makaharap ang dalawang overwhelming prodigies.
Lumutang si Zhao Feng sa himpapawid sa taas ng ilog ng may
seryosong ekspresiyon at malalamig na mga mata.
Qiu!
Kumislap ang kaniyang pigura at naging arko ng kidlat na lumapit sa
posisiyon ng dalawang overwhelming prodigies.
Ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Zhao Feng ay dahil ayaw niyang
maganap ang labanan kung saan mag-isa lamang si Zhao Yufei.
Mula sa isang sanga sa kagubatan.
"Mukhang nahanap na tayo ng batang iyon."
Mahinang sabi ng higanteng tanso.
Nang siya ay magsalita ay tila nanginig ang lupa at ang mga sanga sa
malapit ay nabasag, na parang masisira anumang oras.
"Shi Chengtian, habang kasama mo ako, ay hindi magagawang
manalo ni Yu Tianhao."
Nagpakita ng malamig na ngiti si Goddess Bing Wei.
Ayon sa orihinal na plano ni Goddess Bing Wei ay kailangan niyang
mahanao si Taiyun Shuangzi ngunit ang lalaking ito ay masiyadong
mayabang at halos makipag-away na.
Kaya kailangan niyang mahanap si Shi Chengtian.sa umpisa ay hindi
siya pumayag at nakaramdam ng kahihiyan na makipag-alyansa na
naman sa panibagong overwhelming prodigy para lumaban sa isang
black horse.
Sinuyo siya ni Goddess Bing Wei na sa puntong nabasag na ang labi
nito at nangakong ibibigay niya ang lahat ng dragon blessing ni Zhaon
Geng sa kaniya.
Kaya sa wakas ay pumayag na si Shi Chengtian.
Kung sabagay, ang sinuman ang makakuha ng dragon blessing ni
Zhao Feng ay magkakaroon ng tiyansa na manguna.
Samakatuwid.
Ang kasalukuyang eksena kung saan nagkaroon ng alyansa sina
Goddess Bing Wei at Shi Chengtian upang sugurin si Zhao Feng ang
lumabas.
Ayon sa plano, ang dalawa ay magpapakawala ng mabibilis na mga
atake ng kidlat at kapag sila'y nakalapit na ay papatayin na nila si
Zhao Feng.
Gayon pa man, bago pa nila siya mahanap ay nahanap na sila ni Zhao
Feng.
Bahagyang namula ang mukha ni Shi Chengtian. Kapag nalaman ng
iba na nagsama ang dalawang overwhelming prodigies para sugurin
ang isang baguhan, ano nalang ang mukhang maihaharap nila?
"Sa mga oras na iyon ay isang halakhak ang narinig: "Magaling,
magaling magaling…. Dalawang overwhelming prodigies…. Ang
dalawa ay nagsama ng sabay!"
Ang halakhak ay maririnig mula sa dose-dosenang milya.
Isang mayabang na bata!
Napahinto ang dalawang overwhelming prodigies. Maliban kay Yu Tianhao, wala pang natalang pangyayari na nakatalo ng dalawa.
Sa tono ng pananalita ni Zhao Feng ay tila siya ay nakatataas sa kanila.
Ang boses ni Zhao Feng ay napakalakas na kahit na ang mga henyo
mula sa dose-dosenang milya ang layo ay narinig ito at saka pumunta.
"Ang batang ito ay talagang napakatalino."
Tila naliwanagan si Goddess Bing Wei at totoo nga, ang mukha ni Shi
Chengtian ay namula ng siya ay umalulong: "Ako na si Shi Chengtian
ay sapat na para ikaw ay mapabagsak!"
Wala siyang problema kay Zhao Feng ngunit hindi niya maiharap ang
kaniyang mukha kapag siya'y nakioag-alyansa para labanan ang
isang black horse, kahit na ito pa ang nangungunang black horse.
"Huwag kang magpapa-uto sa kaniya!"
Nabalisa si Goddess Bing Wei.
"Goddess Bing Wei, huminahon ka, ang aking bloodline at kakayahan
ay paniguradong matatalo siya. Huwag ka ng makialam. Gawin mo
lang ang lahat para pigilan siyang makatakas."
Mahinang sabi ni Shi Chengtian at binalaan si Goddess Bing Wei na
huwag makialam.
Kahit na alam niya ang plano ni Zhao Feng ay kailangan pa ring
pumayag ni Shi Chengtian sa harap ng lahat.
Itong paraan ni Zhao Feng para mabigyan niya ng oras si Zhao Yufei
na makatakas.
"Sige na nga."
Walang nagawa si Goddess Bing Wei kundi ang sumang-ayon.
Habang iniisip niya ang kakayahan ni Shi Chengtian na hindi dapat
matalo kay Zhao Feng at paniguradong siya'y mananalo.
Ang pinakamalalang resulta ay kung ang dalawa ay parehong
mapupuruhan at sa eksenang iyon ay saka haharapin ni Goddess Bing
Wei ang dalawa.
Mula sa himpapawid.
Si Shi Chengtian ay nagmistulang maliit na higante na may katawang
bakal. Siya ay higit na mas matangkad kaysa sa normal na tao.
Kahit saan siya mapunta ay matetensiyon ang mga nakapaligid sa
kaniya.
Dong! Dong!
Bawat hakbang niya ay parang bundok. Kahit na sila ay malayo,
naramdaman ni Zhao Feng na ang kaniyang dugo, mga buto at nag
kaniyang Qi of True Spirit ay bahagyang naging limitado.
"Si Shi Chengtian lamang ang tanging body practitioner sa mga
overwhelming prodigies at pagdating sa katawan ay kaya niyang
pigilan ang mga nasa huling yugto ng True Mystic Rank.
Mayroon din siyang kakaibang Heart Stone Bloodline na may
napakalakas na depensa.
Bulong ni Zhao Feng sa kaniyang puso.
Halos napanood na niya ang bawat istilo ng paglaban ng mga
overwhelming prodigies sa unang round at ang kapangyarihan at
katawan ni Shi Chengtian ay mas malakas kaysa sa mga nasa Sacred
True Dragon Gathering.
Isang 'di nakikitang mabigat na aura ang nanggaling sa katawan ni
Shi Chengtian.
Siyempre, kung ang isang tao ay nasanay ng isang eksperto ay maaari
silang makapagpalabas ng isang makapangyarihang aura na
makakayang makadurog ng kalaban.
Ang mga kalaban mula sa True Mystic Rank ay paniguradong hindi
mamagawang makagalaw man lang sa harap ni Shi Chengtian at
maaari pang makapagpa-ubo ng dugo ng kalaban.
Nang makalapit sa isa't isa sina Zhao Feng at si Shi Chengtian
Sampung milya… siyam na milya…. Pitong milya….
Ang distansiya mula sa kanilang pagitan ay unti-unting lumalapit.
Ng tatlong milya na lamang ang natitira.
Mabigat na umapak si Shi Chengtian sa sahig at isang 'boom' ang
nag-iwan ng malaking butas sa sahig.
Gaya ng isang stone cannon, siya ay sumugod kay Zhao Feng.
Hu----
Isang bulubunduking aura ang nanggaling sa paligid na kahit ang
isang bulwagan na gawa sa mga bato ay mawawasak.
Ang pagsabog ng bilis ni Shi Chengtian ay nakaabot sa isang
nakakagulat na kalapitan ng kaniyang limitasiyon sa True Mystic
Rank.
Naglabas ng isang atake si Shi Chengtian mula sa isang mikyang layo.
Roar!
Ang higanteng may tansong balat ay naglabas ng isang soul shaking
roar na nakapagbigay ng nakakatakot ng mga pagnginig sa bawat
direksiyon.
Booom!
Ang mga puno sa ibaba ay nahulog at si Zhao Feng ay biglang iginala
ang kaniyang Qi of True Spirit upang protektahan ng kaniyang vitals
ngunit siya ay puwersahang napabalik ng isang makapangyarihang
bugso ng hangin at ang kaniyang eardrums ay nasaktan, na halos
sumuka ito ng dugo.
Sa isang alulong pa lamang na iyon ay sapat na para sumuko ang
karamihan sa mga henyo.
Lightning Strike!
Malamig na pinalo ni Zhao Feng ang kaniyang kamay at isang
Lightning Yuan Qi ang nagsimulang gumalaw sa kalangitan.
Bam!
Isang arko ng kidlat na kasing lawak ng braso na kulay lila ang
gumulat kay Shi Chengtian.
Ang lahat mula sa dose-dosenang yarda paikot ay nagsimulang
masunog.
Ang 'Lightning Strike' ay isang atake na maaaring makuha matapos
paghaluin ang kaniyang mga kaalaman mula sa kaniyang Lightning
Inheritance at Lightning Mystic Stone.
Ang lightning strike ay nakakuha ng kapangyarihan mula sa langit at
nangangailangan ng isang mataas na yugto ng root of law pati na ng
mataas na kaalaman sa mga batas ng kidlat.
"Ang lakas ng batang ito ay mabilis na tumataas."
Nagulat si Goddess Bing Wei sa kaniyang nakita.
Ang pinsala at pagkasira mula sa kidlat ay galing lamang sa quasi
overwhelming prodigy at si Zhao Feng ay hindi pa ginagamit ang
kapangyarihan ng kaniyang bloodline o ang God's Spiritual Eye.
Siyempre.
Hindi nakitaan ng pag-aalala si Goddess Bing Wei. Ang depensa ni Shi
Chengtian ay katulad ng sa kaniya; napaka-makapangyarihan at mas
malakas kaysa sa ibang mga prodigies.
Boom-----
Dumagundong ang kidlat ngunit si Shi Chengtian ay nanatiling
tahimik.
Isang matigas na maitim na dilaw na kabibe nag lumitaw sa kaniyang
balat at isang maliit na pulang marka ang naiwan. Ang parte ng dilaw
na kabibe ay nagsimulang gumaling.
"Katako-takot na depensa. Si Shi Chengtian ay mayroong body of the
Earth at hindi na kakailanganing pang maghirap na palakasin ang
kaniyang root of law."
Kahit na inasahan ito ni Zhao Feng ay hindi pa rin niya naiwasang
magulat.
Ang galaw nito ay subok lamang ngunit ang kapangyarihan nito ay
hindi dapat minamaliit. Ang mga henyo gaya ni Mo Tianyi na nasa
first tier ay maaaring mahirapan na ito'y depensahan, at ngayon
naman ay tumama na ito direkta sa katawan.
"Hahaha, batang may asul na buhok, ang iyong lakas ay
pangkaraniwan lamang. Mukhang nasa iyong panig ang suwerte ng
matalo mo si Goddess Bing Wei."
Umungol si Shi Chengtian at saka sumugod patungo kay Zhao Feng.
Boom! Bam! Boom!
Sa tuwing dadaan ang higanteng tanso sa mga bundok, ang mga puno
ay nasisira.
Sa kaniyang paningin, ang pigura ni Zhao Feng ay maliit lamang at
tila nahirapang gumalaw o kahit na kumawala sa puwersa.
Ang eyes flickered lightning ni Zhao Feng at ang kaniyang buhok at
hinangin sa himpapawid. Ang asul na marka ng lightning flower sa
kaniyang noo ay kumislap at siya tila nagmistulang parang Lord of the
Wicked path.
Shua!
Sa isang iglap ay isang malabong imahe nalang ang natira.
Lumabo ang mga mata ni Shi Chentian nang mawala sa paningin niya
si Zhao Feng.
"Peng!"
Parang kidlat na bumalot ang kaniyang paa patungo sa kaniyang
matabas na bibig.