"Hahaha…"
Nagsimulang nakapangingilabot na tumawa ang mga pirata sa barko. Ang taong namumuno na mayroong isang mata at nakapulang kapa na may itim na takip sa mata ay kalbo rin..
Siya ang kilalang lider ng Severed Blood Pirates – ang Severed Blood Bald Eagle.
Sinuri ni Zhao Feng ang taong ito gamit ang kaniyang mata at natuklasan, kahit siya at si Master Bi ay nasa True Human Rank, Ang aura ng Severed Blood Bald Eagle ay mas makapangyarihan kaysa kay Master Bi.
Walang duda kaya pala halos nagtagumpay na siya sa pagpatay kay Master Bi.
"Severed Blood Bald Eagle, ang Water Moon Treasury ay teritoryo ng aking Transverse Water Stronghold. Mabuting umalis ka na kaagad, o kung hindi, tatapusin namin kayong lahat sa isang tirahan lamang kapag dumating ang mga tauhan namin."
Sinabi ni Master Bi sa malalim na tono, tumusok ang kaniyang mga salita diretso sa puso.
Nagbago ang mga ekspresyon ng mga piratang nasa barko.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com