webnovel

Asawa sa Hinaharap?

Editor: LiberReverieGroup

Ang sagupaan sa pagitan ni Zhao Feng at Liu Qinxin ay lumikha ng mga napakalakas na bugso ng kapangyarihan na sumira sa protective array.

Sa sitwasyon na ito, kahit ang mga eksperto na nasa 6th at 7th Sky ay maaaring mamatay.

Subalit, sa sandaling ito, may isang kulay-abo na pusa na kasing laki ng palad ang naglakad sa sa gitna ng labanan, nanginginig at umuugoy.

Ito ang naging dahilan kung bakit marami sa mga babaeng nanonood ang nagsigawan sa takot.

Ang munting pusang magnanakaw ay naglalakad na para bang nasa lubid - sa isang maliit na pagkakamali lamang ay nangangahulugan ng kamatayan.

Mga sagitsit ng kidlat at shockwaves ang sumabog sa buong entablado. Naririnig ang mga tunog ng pagsabog sa bawat segundo.

Gulu~

Ang munting pusang magnanakaw ay nahulog sa sahig at iniwasan ang qi blade na humaginit sa ibabaw ng kanyang ulo. Tapos, madali siyang gumulong sa sahig at iniwasan ang isang arko ng kidlat.

Kahit sina Zhao Feng and Liu Qinxin na naglalaman, kinabahas sa maliit na pilyong pusa.

"Huwag kang padalos-dalos!" Sigaw ni Zhao Feng.

Ang munting pusang magnanakaw ay may misteryosong koneksyon sa kanya. Ngunit sa mga sandaling ito, ang pusa ay lasing at magulo ang kanyang pag-iisip kaya hindi ito nakinig sa kanya.

Talagang lasing ito.

Kumibot ang mukha ni Zhao Feng. Sa malapitang tingin sa munting pusang magnanakaw, ito ay nasa kakaibang estado. Hindi lang ito lasing, ito ay nasa 'di maipaliwanag na estado.

Ang 'kalasingan' ng pusa ay parang pumasok na sa kanyang buto at ginagamit niya na ang kanyang mga pandama katulad ng pag-ilag o pag-iwas upang makawala sa mga pag-atake.

Isang nakakagulat na pangyayari ang biglang lumitaw sa entablado:

Sina Zhao Feng and Liu Qinxin ay nagsasagupaan at ang maliit na lasing na pusa was umuugud-ugud sa pagitan ng dalawa, at kaswal na pasinok-sinok.

Naramdaman ni Liu Qinxin na parang may mali at naging maingat subalit nalaman niya na ang munting pusang magnanakaw ay parang wala sa sarili, para bang 'lasing' at di nito kaya umatake.

Dagdag pa rito, mayroong pag-aalala sa mukha ni Zhao Feng na nangangahulugan na ito na kahit na ang amo niya ay ay di siya kayang makontrol.

Mabagal na lumipas ang oras.

Ang dalawa ay nasanay na nandoon yung munting pusang magnanakaw at hindi na nila ito inaalala.

Dagdag pa doon, kasing liit lang ng palad ang munting pusang magnanakaw at madaling hindi pansinin, ngunit may mga batang babae parin na nagbibigay atensiyon sa pusa.

"Ang kyut naman ng pusang ito!"

"Yung pusa ay napaka-astig!"

Mga butuin ang makikita sa mata ng mga babae habang sila ay naaakit sa munting pusang magnanakaw.

Ang maliit na pusa at tila lasing at lampa, subalit sa katotohanan, ito ay napakaliksi, hindi pa ito nasusugatan hanggang sa ngayon.

Malamang hindi pa nito namamalayan na marami siyang naakit na mga tagahanga.

Sa mga manonood, ang Flooding Lake City Lord ay nakatitig ng ilang minuto sa munting pusang magnanakaw habang siya ay may nakasudlot na kilay.

Madali niyang makita ang ang potensyal ng angkan ni Zhao Feng, subalit hindi kung ano ang munting pusang magnanakaw.

"Maari ba ito na isang kakaibang nilalang ng mula sa Heaven at Earth? Ito ay siguradong bagong panganak lamang subalit hindi niya maintindihan ang 'drunk step' na ito…? Isang lasing na munting pusa.

Ang City Lord ay mas naging interesado.

Ang mga aksyon ng munting pusang magnanakaw ay naging dahilan upang tignan niya si Zhao Feng ng mas maganda. Matapos ang lahat, kahit gaano pa kalakas ang maliit na pilyong pusa, ito ay alaga parin ni Zhao Feng.

Lumipas ang ilang oras at ang True Force ni Zhao Feng ay bumaba ng lubusan.

Sa totoo lamang, 'di niya nireserba ang kahit anong True Force at sa kabaliktaran, mas pinalawak niya ito.

Sa kabilang banda, si Lin Qinxin ay nanatiling kaswal - mayroon siyang cultivation ng half step True Spirit Realm na nangangahulugan lamang na kaya niya mas tumagal.

"En, pag tinuloy ko 'to, maari akong matalo." Naisip ni Zhao Feng.

Hindi niya gusto manalo at walang mataas na tsansa para rin doon.

Sa oras na ito, nagniningning ang mga mata ni Zhao Feng habang nakatitig sa puting talukbong na nakatakip sa mukha ni Liu Qinxing.

"Ang babaeng ito ay napaka misteryoso at parang mahilig maglakbay - mayroon din siyang buhok na katulad ng First Elder. Kahit na ang edad niya ay walang kasiguraduhan…"

Tumaas ang kilay ni Zhao Feng. Maari ba na si Lin Qinxin ay kaugnay sa taong hinahanap niya? O siya na nga ba?

"Kung makikita ko ang kanyang itsura, mas magiging madali."

Hindi mapigilan ni Zhao Feng na isipin ito subalit alam niya na di ito maari.

Ang sitwasyon ngayon ay di maganda para sa kanya. Pag tinuloy niya ito, ang kanyang True Force ang unang mauubos.

Subalit si Liu Qinxin ay mas nagiging mas matapang sa oras na ito. Siya na ang tuluyang nangingibabaw sa labanan na ito.

Sa normal na pagkakataon, noong masugpo ni Liu Qinxin ang kanyang cultivation papunta sa 7th Sky at si Zhao Feng at mas naging mas mabagsik sa unang oras, mayroon parin siyang tsansa para manalo.

Pero dahil ayaw niya manalo, sinadya niyang gastahin ang kanyang True Force.

Kung pagmamasadan ang entablado, biglang nahanap ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw. Ang munting pusang magnanakaw ay patuloy pa rin ginagawa ang 'drunk step', ngunit masigla itong nakatingin kay Zhao Feng.

"Ang swerte naman, ang munting pusang magnanakaw ay malapit na magising."

Napuno ang puso ni Zhao feng nang saya. Pag nagising na ang munting pusang magnanakaw maaari na ito bigyan ng utos ni Zhao Feng.

Miao miao.

Naiintindihan ng munting pusang magnanakaw ang mga intesyon ni Zhao Feng at biglang humarap sa direksyon ni Liu Qinxin.

Nasugpo ni Liu Qinxin si Zhao Feng agad at sanay na rin siya na nandoon ang munting pusang magnanakaw kaya pinabayaan na niya ito.

Naging maingat lang si Liu Qinxin noong ang munting pusang magnanakaw ay nasa lima hanggang anim na yarda na lang ang layo.

Sa mga oras na ito, ang kalasingan ng munting pusang magnanakaw ay halatang nawala nang kalahati at dumiretso ito papunta sa kanya.

Shua!

Bigla na lang, ang munting pusang magnanakaw ay nawala sa kanilang paningin.

Marami sa mga manonood ay nagsimulang magsigawan - sila ay mga mga batang babae.

Beng~ Sou- Sou-

May bahagyang ngiti na nabuo sa mga labi ni Zhao Feng at pinalaganap ang kanyang bloodline power at tinira ang kanyang Luohou Bow.

Kasabay nito, ang Azure Sharp Swallow ay mabagsik na sumunggab papunta sa kanya.

Invisibility?

Ang mga mata ni Liu Qinxin ay kalmado na parang tubig at hinarap ang mga pag-atake ni Zhao Feng habang pinakakalat ang kanyang Spiritual Sense para magsuri sa sampung yarda radius.

Kahit na siya ay nasa half step True Spirit Realm, ang lakas ng kanyang spiritual sense naman ay mas mahina kaysa sa mga nasa True Human na antas at madali niyang mabunyag ang mga ilusyon at ang mga invisible.

Subalit, si Liu Qinxin ay nataranta bigla.

Ang kanyang Spiritual Sense ay 'di mahanap ang munting pusang magnanakaw.

Miao miao!

May mga meow na tunog siya na narinig sa tabi ng tenga niya at si Liu Qinxin ay may naramdaman na maliit na kulay labo na pusa na kasing laki ng palad ang lumitaw sa kanyang balikat.

Ano!!?

'Di lang nagulat si Liu Qinxin, pati rin ang City Lord at mga eksperto sa True Spirit Realms ay nagbago ang itsura yung mukha.

Sa mga sandaling ito, si Liu Qinxin ay nagulat. Ang munting pusang magnanakaw ay pinagtawanan niya, at parang isang mapagbiro, bigla nitong hinila ang kanyang belo.

Shua!

Sa ilalim ng belo ay isang napaka-gandang mukha. Ang kanyang ilong, kilay, labi at mga ngipin ay animo'y perpekto. Ang mga iba ay di makahinga dahil sa kanyang ganda - para siyang dyosa sa isang larawan.

Sa puntong ito, ang mga manonood ay naging tahimik.

Di mabilang na mga manonood ay napayuko, ang mga mata nila'y natuliro habang nakatitig sa mga pangyayari.

Ang nakakapangalog-kaluluwang ganda ay ginawa ring tuliro si Zhao Feng ng ilang sandali, subalit napalitan ito kaagad ng pagkabigo.

Si Liu Qinxin sa harap niya ngayon ay mas bata kesa sa naisip niya - hindi siya mukhang mas matanda kay Zhao Yufei.

Sa sandaling ito, ang mukha ng babae ay napuno ng gulat na palitan agad ng pagkahiya at pamumula ng pisngi.

Sa mga pagkilos niya, halatang 'di pa siya matanda.

Pero sa papaanong paraan, naramdaman ni Zhao Feng ang galit at poot ni Liu Qinxin sa huling tingin niya sa kanya na may magulong emosyon.

Miao miao!

Naramdaman ng munting pusang magnanakaw na may mali at bigla na lang umalis sa balikat ni Liu Qinxin.

Sa sumunod na pangyayari, may makapangyarihan na aura ng half step True Spirit Realm ang nagniningning mula kay Liu Qinxin habang ang aura niya ay sumasabog at ang buhok niya ay lumulutang.

Naramdaman ni Zhao Feng na mahirap na huminga sa pagkakataon ngayon, naubos na ang kanyang True Force. Kapag naisipan ni Liu Qinxin na umatake, mahihirapan na siya umatras nang di man lang nagagalusan.

Maayos ang mga emosyon ni Liu Qinxin at ang mga mata niya ay kumplikado: "Ikaw...hinila mo ang belo ko!"

Ehhhhh?

Natuliro si Zhao Feng, subalit sa kabutihang palad, nakontrol ni Liu Qinxin ang kanyang emosyon.

Miao miao!

Ang munting pusang magnanakaw ay nagpakita muli sa balikat ni Zhao Feng at may nilabas siya na lumang barya na pinitik niya paitaas.

Ding!

Ang sinaunang lumang barya ay nahulog sa paa ng munting pusang magnanakaw at bigla na lang, sa huli ay may nahinuha siya at humagibis patungo sa Spiritual Pet Bag.

Sa entablado, nadoon lamang si Zhao Feng at ang nahihiya, puno ng puot, at galit kay Liu Qinxin.

"Ang munting pusang magnanakaw na ito…"

Kiniskis ni Zhao Feng ang kanyang mga ngipin - alam niya na sa oras na ang munting pusang magnanakaw ay may naramdamang mali, maglalaho ito. Sa puntong iyon, ang kalooban ni Liu Qinxin ay di maganda.

"Isang karangalan na masaksihan ang iyong itsura, subalit ako ay nabigo ako bilang iyong maging kapareha."

Si Zhao Feng ay agad-agad yumuko sa pagkatalo. Di mahirap makita na hindi kapantay ni Zhao Feng si Liu Qinxin.

Isang tagumpay na para sa kanya ang lumaban ng napakatagal at hilahin ang belo ng anak ng City Lord.

"Ako po ay aalis na ngayon."

Ngumiti si Zhao Feng ang naging kidlat at agad humagibis palayo sa entablado.

Ang mga manonood ay ngumiti na lamang at tinignan niya na may mabait na mga mata, na walang intensyon na pigilan siya.

"Ama..."

Tinignan ni Liu Qinxin na may kahihiyan ang City Lord.

"Pigilan niyo siya!"

Ang Flooding Lake City Lord ay sumigaw at ang kalangitan ay tila yumanig. Ang kanyang boses ay kasinlakas ng kulog.

Si Zhao Feng na nasa kalagitnaan ng pagtakas, naramdamdan na para siyang nanlamig at magsusuka na sana ng dugo.

Isang mapaminsalang aura ang bumagsak sa kanya at pinatigil nito ang kanyang True Force na dumaloy.

Shua! Shua!

Ang Dalawang eksperto sa True Spirit Realm ay pumunta agad at hinawakan si Zhao Feng.

Sa huli nalaman niya na wala na siyang magagawa at biglang sumigaw: "Ako ay hindi kapantay ni Lady Liu. City Lord, para saan ba ito?"

"Haha, pagiging manugang na lalaki, 'wag ka mag-alala. Dahil inalis mo ang kanyang belo, nakatadhana kang maging asawa niya."

Napangiti ang Flood Lake City Lord at sinenyasan ang dalawang True Human Rank na eksperto na bitawan si Zhao Feng.

Asawa sa hinaharap?

Si Zhao Feng ay nabigla. Ano ba talaga ang nangyayari?

Sa oras ngayon, binalik na ni Liu Qinxin ang kanyang belo at pumunta sa tabi ng City Lord habang nahihiyang nakatingin kay Zhao feng.

"Maaari bang magpaliwanag ang City Lord? Huminga ng malalim si Zhao Feng.

Noong una palang sila nagkakilala, ang City Lord ay kinakalkula na laban sa kanya, ginawan na sumali siya sa laban tapos gawing makontrol ni Liu Qinxin ang kanyang cultivation at ngayon bigyang siya ng titulo na 'asawa sa hinaharap'.

"Sinabi dati ng Master ni Liu Qinxin na ang unang lalaki na magtatangal sa belo niya ay ang nakatadhana na maging kabiyak niya."

Ang Flooding Lake City Lord ay tuwang-tuwa. Sa sandaling ito nakita na niya si Zhao Feng, may mga ginawa na siyang mga plano at sa huli ay ikinagulat niya ito.

Ang ngayon, si Zhao Feng ang nagtanggal ng belo ni Liu Qinxin at nag nakatadhana na maging kabiyak niya.

"Ano, hindi… Ang taong nagtanggal ng belo niya ay hindi ako… Yung pusang iyon…" Sagot ni Zhao Feng na may mababang mukha.

Próximo capítulo