webnovel

Great Country (2)

Editor: LiberReverieGroup

Naisip ni Zhao Feng na kung ang Liu Family na kanyang hinahanap ay totoong miyembro ng Four Great families ng Canopy Great Country, ito ay magiging kahanga-hanga.

Isang Emperor, Tatlong Sects, Apat na Pamilya.

Ang walong pwersang ito ang nagpanatili ng buhay ng Canopy Great Country at mas angat itong mga pwersang ito kumpara sa hindi mabilang na iba panng pwersa.

Kahit sino sa kanila ay maikukumpara sa isang malakas na bansa at may abilidad din itong ubusin sila.

Sa walong pwersang ito, ang Imperials ang pinakasikat at ang pinuno ng Canopy Great Country.

Dahil sa pagsasama-sama ng walong pwersang ito, ang sitwasyon sa great country na ito ay naging napaka kumplikado, ngunit wala itong masyadong kinalaman kay Zhao Feng na kararating lamang.

Halos wala siyang magawa para sa sitwasyon na nangyayari sa Thirteen Countries at maituturing lamang siyang isang maliit na alikabok sa Canopy Great Country.

Matapos nitong ayusin ang kanyang mga iniisip, muling napatingin si Zhao Feng sa River of Rage.

Ang River of Rage ay mayroong kahanga-hangang lakas ng alon na naging sanhi upang mahirapang huminga ang mga cultivators na nasa Ascended Realm.

"Ang River of Rage ay ang pinakamalaking ilog sa Canopy Great Country at isa ito sa tatlong pinakatanyag na bahagi ng tubig sa Northern Continent. Kung sinuman ang papasok sa banal na lupain ng Canopy Great Country at tutungo sa Apat na Pamilya ay kinakailangang tumawid sa ilog na ito."

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang hipan ng hangin ang kanyang kulay azure na buhok.

Ngunit hindi lang pala si Zhao Feng ang gustong makalagpas sa ilog.

Ang lahat ng eksperto ay may mithiing makalagpas sa ilog.

Ang River of Rage ay nasa hilagang bahagi at kinukunsidera itong abandonado - kahit na ang populasyon dito ay nalagpasan na ang populasyon sa Thirteen Countries.

Ang sinuman ay kinakailangang tumawid kung gusto nilang makapasok sa Canopy Great Country na maraming tao.

Qiu-----

Ang tunog ng paggalaw ng hangin ay maririnig nang mabago ang ekspresyon ng mga tao sa tabing-ilog dahil sa aura ng eksperto sa True Spirit Realm.

Isang four-winged flying leopard ang lumipad sa himpapawid. Ang laki nito ay kasinlaki ng isang elepante at isang taong may may suot na golden robe ang umupo dito nang lumipad ito mula sa tabing-ilog.

"Four-winged Flying Cloud Leopard!"

Isa itong battle-class flying pet. Ang four-winged Flying Cloud Leopard na ito ay may kakayahang pulbusin ang mga cultivators na nasa half-step True Spirit Realm nang walang kahirap-hirap.

Ang mga tao sa tabing-ilog ay puno ng respeto.

Ang pet ng taong naka-golden robe, ang "Four-winged Flying Cloud Leopard", ay magdudulot sa mga normal cultivators ng Ascended Realm ng dahilan upang umatras.

Nang lumapag sa lupa ang Four-winged Flying Cloud Leopard, nakaramdam si Zhao Feng ng pagkabalisa mula sa Azure Sharp Swallow.

Marahil ang Azure Sharp Swallow ay hindi mas mabagal sa Four-Winged Flying Snow Leopard kung bilis ang pag-uusapan, ngunit ang kanilang battle power ay magkaiba.

Napansin ni Zhao Feng na maraming cultivators ang mayroong flying beasts sa Canopy Great country, ngunit ang kanyang Azure Sharp Swallow ay isang rare type na sa sobrang bilis ay naiinggit ang iba.

Ang marangal na taong nakasuot ng golden robe ay mayroon kalmado mga mata nang tignan niya ang mga tao sa tabing-ilog. Siya ay bahagyang nagulat nang makita niya ang Azure Sharp Swallow sa tabi ni Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay nasa 6th Sky pa lamang ngunit mayroon na siyang Azure Sharp Swallow. Sinuman ay kailangang malaman na ang cultivators na nasa 7th Sky at half-step True Spirit Realm ay hindi masyadong maganda ang kakayahan sa paglipad.

Habang lumilipas ang oras, parami nang parami ang dumarating na tao sa tabing-ilog.

Kahit papaano, ang cultivation ng mga taong ito ay nasa 4th or 5th Sky, at ang 6th at 7th Sky ay sobrang karaniwan na lamang.

May iilang cultivators ng half-step True Spirit Realm ang makikita sa tabing-ilog.

Ang lakas ng mga taong ito ay hindi maihahambing sa mga tao sa Sky Cloud Forest Area. Kahit si Zhao Feng ay mahihirapang tapusin ang isang normal cultivator na nasa 7th Sky.

Siyempre, lahat sila ay puno ng respeto sa taong nakasuot ng golden robe.

"Dahil sa kanyang cultivation na nasa True Human Rank, siguradong makakatawid siya sa ilog. Siguro ay ayaw niya lang gumamit ng maraming enerhiya."

Bulong ni Zhao Feng sa kanyang puso.

Ang lahat ng taong nasa tabing-ilog ay naghihintay na makatawid sa ilog.

Subalit, ang presyo ng mga barkong ito ay napakamahal at ang mga materyales nito ay maihahambing na sa Mortal weapons. Kailangan din nila ng mga array masters para makayanan nitong labanan ang alon.

Ang mga normal na barko ay hindi kayang makatawid sa River of Rage. Tanging mga barko na gawa sa espesyal na materyales at pinatibay ng mga arrays ang kayang tumagal sa mga malalakas na alon.

"Malapit nang makarating dito ang Crossing Sky Ship."

Sigaw ng isang tao na nasa tabing-ilog at napatingin lahat ng tao sa ilog.

Si Zhao Feng ang may pinakamalakas na paningin at nakita niya ang dark-silver at may habang tens of yards na barko ang lumitaw.

Ang surface ng barko ay may naka-ukit na mga komplikadong arrays na nagbigay ng earth-yellow na kulay.

Tinantya ni Zhao Feng na kahit gamit niya ang kanyang buong lakas ay hindi niya masisira ang barkong ito.

Dahil ang mga arrays ng barkong ito ay kayang tumayo nang mataas at hindi ito matatamaan ng malalaking alon.

May iilang pyer malapit sa River of Rage, at kada pyer ay may mga barkong katulad ng Crossing Sky Ship na naghahatid-sundo sa mga pasahero.

Sa sandaling ito, kaunting tao lamang ang bumaba mula sa Crossing Sky Ship.

Kadalasan ay iniisip ng mga tao ang pumasok sa Canopy Great Country at hindi na sila umaalis dito sa oras na makapasok sila.

Sa Crossing Sky Ship, mayroong apat na mandaragat na may maskuladong pangangatawan. Ang kanilang mga muscles ay parang bronze metal na nagbibigay ng invisible na pressure.

"Ang apat na mandaragat na ito ay magaling sa pagpapalakas ng katawan at narating na ang 7th Sky. Kaya nilang gamitin ang kanilang katawan upang labanan ang mga cultivators na nasa parehas na rank.

Lubhang nagulat si Zhao Feng. Kung ang mga eksperto ito ay bata pa, mayroon silang pag-asang makakuha ng Star sa Alliance Banquet.

"Mayroong kabuuang 49 na lugar. Lahat ay magbayayad ng 300 low-grade primal crystal stones."

Anunsyo ng isang mandaragat na nasa harapan.

Sou.

Sa oras na nakaaalis ang mga salita sa kanyang bibig, ang taong nakasuot ng golden robe ay sumakay sa Crossing Sky Ship, ang kanyang True Spirit Realm aura ay naging dahilan upang magbago ang ekspresyon ng apat na mandaragat, ngunit kinuha pa rin nito ang mga primal crystal stones.

"300 low-grade primarl crystal stones? Bahagyang may kamahalan."

Bahagyang nagulat si Zhao Feng.

Ang 300 low-grade primal crystal stones ay may katumbas na 30000 substandard primal crystal stones.

Sa mundo ng mga cultivators, ang substandard primary crystal stones ay ang pinakamababang currency at madalas na ginagamit ng mga bottom echelons.

"Masagana sa resources ang Canopy Great Country, at ang bilang ng primal crystal stones na nakukuha ay napakarami, kaya naman ang presyo nito ay mataas rin."

Kalaunan ay naintindihan ito ni Zhao Feng.

Nanalo siya ng 10,000 low-grade primal crystal stones mula sa Alliance Banquet, at maikukumpara ito sa 1,000,000 substandard primal crystal stones.

Ang kabuuang ito ay nagpapula sa mga mata ng mga tao sa Thirteen Clans, pero sa lugar na ito, ang 10,000 low-grade primal crystal stones ay hindi maituturing na malaki. Ang mga normal cultivators na nasa half-step True Spirit Realm ay mas mayaman pa kay Zhao Feng.

Sou! Sou!

Lahat ng grupo ay pumunta tungo sa Crossing Sky Ship.

Ang Crossing Sky Ship ay nakadaong sa tabing-ilog ngunit may malalakas na hangin pa rin na nakapagpaurong sa cultivators na nasa Ascended Realm.

Samakatuwid, ang tanging pasukan ay ang ship gate.

"41… 42… pitong slot na lang ang kulang."

Sabi ng pinuno ng mga mandaragat.

Ang barko ay aalis kapag mayroon ng 49 slots na napuno.

Ang ibang grupo ay naiinip na.

Sinuman ay kailangang malaman na ang Crossing Sky Ship ay dumarating kada sampung araw at kailangan ayusin ang protective arrays nito. Bukod pa rito, ang Crossing Sky Ship ay kaya lamang tumagal ng 10,000 miles.

"Mabilis."

Ito ang unang beses na sasakay dito si Zhao Feng kaya hindi niya alam ang sistema, kaya naman siya ay nasa likuran.

Qiu~~

Ang figure ni Zhao Feng ay kumislap nang may kasamang arcs of lightining ngunit ang kanyang galaw ay mas mabagal nang kaunti kung ikukumpara sa mga nakahanda.

Nang dumating si Zhao Feng, may apat na taong naglalaban para sa natitirang dalawang slot.

"Sky Frost Dominance Fist!"

Isa sa mga taong ito, na may kulay silver na buhok, ang nagpakawala ng isang wave of ice na may sampung yardang radius.

Napaatras ng batang ito ang cultivator na nasa 7th Sky at ang dalawang nasa 6th Sky.

Ang kapangyarihan nito ay maikukumpara kay Cang Yuyue na nasa Alliance Banquet.

Lubhang nagulat si Zhao Feng. Lubhang masagana sa resources ang Canopy Great Country at ang henyo rito ay parang mga isda sa ilog.

Hindi ito kayang labanan ni Zhao Feng kung hindi niya gagamitin ang kanyang bloodline power. Saka lamang niya ito mapapantayan kung makakabalik siya sa 7th Sky.

Nang makasampa na sa barko ang batang may kulay silver na buhok, si Zhao Feng at ang tatlong tao ay naiwan.

Charge!

Pumagaspas ang Yin Shadow Cloak ni Zhao Feng at ang kanyang katawan ay mas umitim at lumakas ang tunog ng kidlat.

Sa sandaling iyon, nalagpasan ng bilis niyang ang taong nasa 7th Sky at ang dalawang nasa 6th Sky.

"Huwag na kayong matangka pa!"

Ang tatlong taong iyo ay hindi pangkaraniwan. Ang kanilang lakas ay katulad ng kina Ao Yuetian at Xu Zixuan.

"Lightning Barrier."

Hindi ito nailagan ni Zhao Feng at may isang spiderweb na gawa sa kidlat ang naging barrier at pumaikot sa kanya.

Boom--

Ang atake ng tatlong taong ito ay tinamaan si Zhao Feng at nagkalat ang mga lightning arcs sa paligid.

Napahiyaw ang 7th Sky expert nang namanhid ang katawan nito; ang dalawa naman ay napaatras ng ilang yarda at may maliliit na marka ng sunog ang makikita sa kanilang katawan.

Qiu---

Bago pa makareact ang mga ito ay naging malabong figure na si Zhao Feng at matagumpay na nakuha ang huling slot.

Matapos gawin ito, ang paghinga ni Zhao Feng ay bumilis at ang kanyang ekspresyon ay naging mataimtim.

Simula nang pumasok siya sa Canopy Great Country, sa competition siya pinaka naging emosyonal.

Ang competition ay masyadong intense.

Para lang sa pagsakay ng barko ay kinakailangan pang makipaglaban.

"800 low-grade primal crystal stones."

Taimtim na sabi ng mandaragat.

"Bakit 800?"

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng.

Ang naaalala niya ay kinakailangan lamang magbayad ng 300 at ito ay napakamahal na.

"Ang iyong lumilipad na alaga ay nagkakahalaga ng 500."

Mabilis na sagot ng mandaragat.

Tahimik na inabot ni Zhao Feng ang 800 primal crystal stones. Ang Azure Sharp Swallow ay mas mahalaga pa rin kaysa sa mga bagay na ito.

Subalit, ang taong may suot na golden robe ay hindi dinagdagan ng bayad kahit na may dala itong Four-Winged Flying Cloud Leopard.

Nang mabasa niya ang nasa mga mata ni Zhao Feng, ngumiti ang taong nakasuot ng golden robe, "Hindi ka nagmula sa Canopy Great Country, hindi ba?"

Tumango si Zhao Feng.

Nang marinig ito ng ilang taong nasa barko, ang kanilang tingin kay Zhao Feng ay nagkaroon ng panghahamak na tila isa itong pulubi.

Gayunpaman, hindi nagpakita ang taong nakasuot ng golden robe ng kahit na anong pangmamaliit at matiyagang nagpaliwanag, "Mayroon akong Spiritual Pet Bag, ginagamit ito upang mabuhat ang mga flying beasts."

"Senior, maaari ko bang malaman kung magkano ang Spiritual Pet Bag na ito?"

Ang mga mata ni Zhao Feng ay nabaling sa itim na sakong nasa beywang ng taong nakasuot ng golden robe.

"100,000 primal crystal stones."

Kaswal na sumagot ang taong nakasuot ng golden robe.

Huminga nang malalim si Zhao Feng. Ang halaga ng Spiritual Pet Bag na ito ay sampung beses na mas malaki kumpara sa perang hawak niya ngayon.

Kaya naman.

Nagkaroon ng isa pang ideya tungkol sa Canopy Great Country si Zhao Feng, bukod sa competition dito.

Ito ay pera.

Próximo capítulo