webnovel

Una (2)

Editor: LiberReverieGroup

Ang mga nanonod ay hindi nahirapang makitang sinisira ni Zhao Feng ang lakas ng loob ni Cang Yuyue.

Sa ilalim ng lockdown ng God's Spiritual Eye, ang bawat salita ni Zhao Feng ay naglalaman ng mental energy na nakakarating sa isip ng kaniyang kalaban.

Kasabay nito, ang kaniyang sariling lakas ng loob at pagnanasang lumaban ay patuloy na tumataas. Ang mga simpleng salita ay naglalaman ng ganap na paniniwala.

Ang hindi masukat na lakas ni Zhao Feng ay naikintal sa isip ni Cang Yuyue.

Kasabay nito, ang kapangyarihan ng kaniyang seed of sword content ay limitado.

Ito ang pakay ni Zhao Feng.

Kahit sinong cultivator ng espada ay may malakas na paniniwala sa Dao of the Sword. Kung wala nito, hindi nila maipapalaganap ang seed of sword intent.

Sa puso ni Cang Yuyue, walang makakapigil sa kaniyang isang espada.

Ang paniniwalang ito ang nagpataas ng kapangyarihan ng kaniyang espada ngunit sa paggamit ni Zhao Feng ng God's Spiritual Eye at mental energy technique, nawalan ng paniniwala ang seed of sword intent ni Cang Yuyue.

Ang paghina ng kalaban ay katulad ng pagpapataas ng kaniyang pagkakataong manalo.

Ang isang laban sa pagitan ng mga eksperto ay hindi lang tungkol sa kapangyarihan lumaban lahat. Naglalaman din ito ng karanasan, daya, pag-iisip, layunin, at marami pang iba.

"Hmph, sa tingin mo ba alam mo na kung gaano kalakas ang seed of sword intent?"

Si Cang Yuyue ay malakas na naghmph at ginawang aktibo ang kaniyang sword aura para mapuwersa ang isip at katawan ni Zhao Feng.

Malinaw niyang naiintindihan ang ibig sabihin ni Zhao Feng ngunit siya ay bahagyang apektado at ginamit ang kaniyang paniniwala at lakas ng loob para lumaban kay Zhao Feng.\

Jiang!

Ang bergeng patalim ay inilabas niya sa lalagyan nito at tila lumitaw sa hangin ang talim nito, na hindi natanggal kay Zhao Feng.

"Hehe, tignan natin kung tatagal ka sa laban gamit ang iyong isang espada."

Si Zhao Feng ay malakas na loob na tumawa at gumalaw ang kaniyang Yin Shadow Cloak sa hangin, na nagdahilan para mas lumabo pa ang kaniyang anyo.

Sa sandaling ito, ang aura ng espada bumuwelo kay Zhao Feng. Ni hindi pa nga iwinasiwas ni Cang Yuyue ang espada at ang invisible power mula sa kaniyang seed of sword intent at sinubukang saksakin si Zhao Feng.

Kung ibang tao ito, sa aura pa lang ay masisira na ang kanilang isip at iiwan sila ng kapangyarihang lumaban.

Ngunit si Zhao Feng ay walang ekspresyong nakatayo at hindi nagalaw.

"Cloud Heaven Sword Slash!"

Isang liwanag ng sword intent ang lumtiaw sa mga mata ni Cang Yuyue nang iwinasiwas sa hangin ang berdeng espada, na nag-iiwan ng magandang liwanag na tila bahaghari.

Tok! Tok!

Ang mga array sa hangin ay nabuksan.

Ang atake ng seed of the sword intent ay mas malakas kaysa sa mga atakeng nagamit na ni Cang Yuyue noon. Nakarating na ito asa bagong lebel.

Noong hindi pa naiintinihan ni Cang Yuyue ang seed of sword intetnt, walang nakapigil sa kaniyan salita at ngayon ay mayroon na siyang seed of sword intent.

Ang tagumpay o pagkatalo ay mapapagdesisyunan na rito.

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang hindi inalis kay Cang Yuyue ang kaniyang kaliwang mata at pinasabog ang kaniyang bloodline power isang sandali bago ang siya umatake.

Weng~

Isang mahinang azure na dugo ang dumaloy sa kaniyang katawan at ang tattoo na katulad ng isang salamin.

Ang kaniyang dugo at mga buto ay naglabas ng isang invisible na aura na nagdahilan para hindi maganda ang maramdaman ng mga disipulo sa paligid at mapatigas ang kanilang dugo.

Ito ay lalo na para sa mga may bloodline. Naramdaman nila Zhao Yufei, Lin Tong, at iba pang nanginig ang kanilang mga bloodline.

Sa sandaling iyon, ang mga katangian ni Zhao Feng ay kapansin-pansing tumaas at tila siya ay pinoprotektahan ng isang misteryosong kapangyarihan.

"Ano ang bloodline power na ito..." Ito ay napakaluma at malamang nanggaling sa makalumang panahon..."

"Kapag mas matanda ang bloodline, mas malakas ang ninuno nito. Ngunit sa kabilang banda, ang katiwasayan ng bloodline ay mas mahina at ang pagkakataong mamana ito ay mababa."

Ang mga misteryosong anyo mula sa Iron Dragon Country ay nagbuntong-hininga.

Ang bloodline power ay talagang hindi karaniwan sa Thirteen Clans at minsan ay lumalabas lang kada 1000 taon.

Ngunit ang mga taong ito ay tila mas may alam pa sa bloodline power.

"Masira ka!"

Ang azure na buhok ni Zhao Feng ay hinangin at ang kaniyang mga kilay ay naging azure rin. Kasabay nito, ang azure na tattoo na tulad ng isang salamin ay naglabas ng liwanag.

Isang invisible na aura ng kapangyarihan ang naging isang mental energy sound attack mula sa sigaw ni Zhao Feng.

Ang materyal na itim na buhangin ay unti-unting nasira.

Sa hangin, isang bilog ng liwanag ang tumama kay Cang Yuyue.

Ito ay hindi lang isang simpleng mental energy technique ngayon. Ito ay naglalaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng at ang misteryosong kapangyarihan mula sa kaniyang bloodline.

Sa sandaling iyon, isang nakakasilaw na azure na liwanag ang mabilis na umikot sa mata ni Zhao Feng at ang azure abyss at tila lumaki na sa hangin.

Hong Long Long!!

Naramdaman lang ni Cang Yuyue na yumanig ang kalangitan at kung hindi dahil sa kapangyarihan ng kaniyang espada, siguradong mapapadura siya ng dugo dahil sa puwersang ito.

Isang liwanag ng holy sword intent ang lumaganap sa kaniyang mata at nilabanan ang azure abyss sa mata ni Zhao Feng.

Ang bilis ng palitang ito ay sampung beses na mas mabilis kahit sa mental energy.

Ang aura ng sword intent ni Cang Yuyue ay biglang nabawasan nang kalahati.

Ang seed of sword intent ay lumaganap gamit ang kaniyang paniniwala sa espada. Nang mawala ang kapangyarihang ito, nawala ang talim ng kaniyang espada.

"Hindi ito maganda, ang seed of sword intent ni Yuyue ay hindi matatag."

"Ang bloodline power ng ungas na iyon ay mas nakatuon sa panig ng mental energy at naglalaman ng kapangyarihang katulad ng sword intent."

Ang mga ekspresyon ng mga Elder ng Cloud Sword Clan ay nagbago.

Naging mas katangi-tangi pa ito dahil ang mga kilos ni Zhao Feng ay nangyari sa sandali bago mangyari ang atalke ni Cang Yuyue.

Ang kaniyang biglaang mga galaw ay hindi natalo ang sword intent ni Cang Yuyue ngunit napigilan ang kaniyang mga galaw nang kalahating porsyento, na nagdahilan para manginig ang kaniyang isip.

Shuuuu-----

Isang liwanag ng espada ang lumitaw sa hangin na tila isang bahaghari patungo kay Zhao Feng.

Ang mga nasa Seventh Sky of the Ascended Realm ay siguradong hindi makakaiwas dito.

Gayunman, sa ilalim ng lockdown ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng, nakita niya ang tinatayang direksyon ng espada sa sandaling iwinasiwas ito ni Cang Yuyue.

Ang daan ng espada at nakikita nang 100 beses na mas mabagal sa kaniyang mata. Ngunit ang espada ni Cang Yuyue ay mayroon pa ring kaunting seed of sword intent na natitira na itinuon ang tingin nito kay Zhao Feng.

Weng~

Ang tatoo na tulad ng isang salamin sa katawan ni Zhao Feng ay nagbigay ng isang liwanag at tila pinapataas nito ang kaniyang depensa.

Kahit na walang pagtaas sa depensa, maaari namng hayaan ni Zhao Feng ang karamihan ng kapangyarihan ng sword intent gamit ang kaniyang mental energy.

Ang pinakamahalagang hakbang ni Zhao Feng ay nakumpleto na.

Sa pagbaba ng kapangyarihan ng sword intent ni Cang Yuyue, ang ibig sabihin nito ay kapansin-pansing bababa ang kaniyang mga atake.

Lightning Wind Destructiion!

Lumitaw ang azure na kidlat sa paligid ng katawan ni Zhao Feng at bumuo ng malaking ipo-ipo na dinurog ang lahat ng nasa loob nito.

Boom-----

Ang ipo-ipo ng kidlat ay tumama sa sword attack at ito ay sumabog, na nakagawa ng malaking itim na butas sa entablado na napakalalim at hindi na makita ang dulo nito sa ibaba.

Ang ganoong kagila-gilalas at nakakasirang kapangyarihang ito ay nagulat ang mga manonood. Ito ay mahirap isiping nanggaling sa isang taong nasa Ascended Realm.

Qiu----

Isang mahinang azure na anyo ang lumitaw sa hangin. Si Zhao Feng ay lumipat sa sandaling hinarap niya ang atake. Ngunit kahit na ganoon, may lumabas na dugo mula sa gilid ng kaniyang labi at isang malalim na sugat sa kaniyang balikat na sa lalim ay makikita na ang kaniyang buto. Mula rito, makikita kung gaano kalakas ang atake ni Cang Yuyue.

Kailangang malamang ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay nakaabot na sa peak ng ikaanim na lebel at ang kaniyang bloodline power ay ganap nang nabuksan. Kahit na si Ao Yuetian, na may napakalakas na depensa, ay matatalo niya gamit ang isang palad.

Ngunit kahit na ganito, si Zhao Feng ay nagtagumpay sa pagpapalaganap sa espada ni Cang Yuyue at ito ay isang bagay na hindi pa nangyari noon.

Nang mangyari ang ganitong hakbang, ang tagumpay ay halos mapunta na kay Zhao Feng.

Sa sandaling ito, ipinapalaganap muli ni Cang Yuyue ang kaniyang seed of sword intent.

Ang misteryosong kapangyarihan ni Zhao Feng ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kaniya. Bilang isang cultivator ng espada, ang kaniyang forte ay ang pag-atake at ang kaniyang pinakamalakas na espada ay napigilan ng kalaban.

Dagdag pa rito, ang pagsaksi sa lahat ng nangyari ay bumalot sa kaniyang isip.

Ang pagtiyempo ni Zhao Feng ay napakaperpekto. Ito ay hindi sobrang huli o sobrang aga ngunit sakto sa sandaling si Cang Yuyue ay umatake.

Naramdaman din ni Cang Yuyue na nakita ng kalaban ang daan ng kaniyang atake.

"Cang Yuyue... Ang katotohanang ikaw ay hindi nanalo gamit ang isang espada ay nangangahulugang nawala na sa'yo ang pagkakataong makuha ang tagumpay."

Ang anyo ni Zhao Feng ay lumitaw sa hangin sa gitna ng mga kidlat at tumalon papunta kay Cang Yuyue.

Hinawakan ni Cang Yuyue ang kaniyang berdeng espada at napagtantong hindi niya makita si Zhao Feng. Tanging sa kaniyang seed of sword intent lang siya magkakaroon ng pag-asa.

Sa sandaling ito, ang bloodline ni Zhao Feng ay ganap nang aktibo at gamit ang Yin Shadow Cloak, ang kaniyang Illusion Fish Lightning Arc Step ay nakaabot na sa pinakamabilis.

Ito ay hindi lang tungkol sa bilis. Ang skill ay naglalaman ng salitang 'Illusion' at sa ilalim ng paggamit ng mental energy mula sa God's Spiritual Eye, malilinlang nito ang kalaban.

Gayunman, nang ginamit ni Cang Yuyue ang kaniyang seed of sword intent, naituon niya pa rin ito kay Zhao Feng at nakaatake pa.

"Hehehe, huli na."

Isang mahinang tawa ang umalingawngaw sa kaniyang mga tainga.

Pumalibot kay Zhao Feng ang kidlat at nagmukha siyang isang Diyos ng Kidlat na bumaba. Ang kaniyang bilis ay biglang tu,aas nang bumuwelo paharap.

Naiwasiwas lang ni Cang Yuyue nang kalahati ang kaniyang espada bago masira ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kaniyang seed of sword intent.

Kasabay nito, isang kulog ang umalingawgaw sa kaniyang mga tainga na nakapagpanginig sa kaniyang dugo.

Ang katawan ni Cang Yuyue ay naging bahagyang manhid nang naging kalmado ang pagkataranta sa kaniyang mga mata sa unang pagkakataon.

Simula sa kaniyang path of cultivation, dinurog na niya ang bawat tao sa ilalim ng kaniyang paa gamit ang kaniyang espada at wala sa mas batang henerasyon ang nakakalaban sa kaniya.

Ang kaniyang ikalawang espada ay hindi makaatake.

Sa buong laban, si Cang Yuyue ay nakagamit lang ng isang espada at nang lumapit si Zhao Feng, natapos na ang laban.

Kung kinokonsiderang 10 ang kapangyarihan ng atake ni Cang Yuyue, ang kaniyang depensa at galaw ay hindi lumalagpas sa anim.

Sa kabilang banda, ang pang-atake, depensa, galaw, at mental energy ni Zhao Feng ay nasa walo.

Tanging naramdaman ni Cang Yuyue ang isang malaking pinanggagalingan ng kidlat na humaba mula sa kalahating pang-ibabang katawan niya pataas.

Ang sword intent na kaniyang pinalaganap ay natunaw ng kidlat na ito at kasama ang tunog na 'Pa', tumama ang kidlat sa kaniyang balikat.

Ang mahinang depensa ni Cang Yuyue ay hindi napigilan ang bilis ng kidlat, kaya bigla siyang dumura ng dugo at nawalan ng malay.

Próximo capítulo