webnovel

Curse of a Hundred Graves

Editor: LiberReverieGroup

Nang walang pag-aalangan, may kidlat na namuo sa mga paa ni Zhao Feng habang mabilis siyang lumutang sa hangin. Sa gitna nito, nakaramdam siya ng isang malamig na aura mula sa isang libingan sa baba niya at nagsisimula itong kumalat papunta sa kanyang paa.

Biglaan, isang nakapanlalamig, mapanganib na pakiramdam ang naramdaman niya, tila ba hinahanap nito ang daan patungo sa kanyang kaluluwa. Ang pakiramdam na ito ay kagaya ng naramdaman niya noong unang beses na tumapak siya sa teritoryo ng mga kalansay, tanging mas malakas lamang ito ng sampung beses.

Peng Peng Peng Peng…

Sa kalaliman ng kaliwang mata ni Zhao Feng, ang kulay asul na kawalan ay naglabas ng kakarampot na ancient aura. Sa pagkakataong iyon, saka pa lamang naglaho ang mapanganib na pakiramdam.

Nanlamig ang puso ni Zhao Feng. Ang panganib na kanyang naramdaman ay mas higit pa kaysa sa naramdaman niya nag makita niya ang kalansay sa Sky Cloud Forest. Bigla niyang napagtanto na baka bawal palang puntahan ang lugar na ito.

Ang iilang mabibilis na hininga ay tila parang isang siglo.

Lumipad na si Zhao Feng at nilagpasan ang mga libingan. Sinasabi ng kanyang isip na nagmumula sa isang daan na libingan sa baba ang panganib.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw ay lumapag sa lupa na halos kasingbilis ng pagdating ni Zhao Feng. Ang lapag ay gawa sa isang misteryosong pilak na kristal na kahit ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay hindi ito masuri.

Hindi halos maparam na sa lakas na mayroon si Zhao Feng ay hindi niya pa rin kayang manira ng kahit ano doon. Pero nararamdaman ni Zhao Feng na ang enerhiya rito ay tila nanigas na sa yelo.

Ang kanyang pusa ay tumalon nang maliksi sa gitna ng lapag, kung nasaan ang batong altar. Maraming mga hindi maunawaan na array lines ang nakaukit roon sa altar at napansin niya noong tumingin siya na tila napunta siya sa isang walang hanggang espasyo.

Shua!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at kinopya sa isip ang mga nakaukit. Kahit wala siyang magagawa dito, ang kalaliman nito ay may dalang napakataas na halaga. Tumalon patungo sa batong altar ang kanyang pusa at kita mo rito na bahagyang maligalig ito.

Naisip ni Zhao Feng: Wala namang kayamanan rito, kung kaya bakit ganyang ang pusang iyan?

Paulit-ulit munang tumalon nang paikot ang pusa bago ito magpakita ng malungkot na itsura. Hindi na ito pinansin ni Zhao Feng at naglakad na siya patungo sa batong silid na katabi ng altar. Maingat niyang sinuri ito sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata at nalaman niyang walang panganib doon.

Simula nang lagpasan niya ang mga libinga, nawala na ang mapanganib na pakiramdam, na siyang nasiguro ni Zhao Feng na ang pilak na kristal na kanyang tinatapakan ay isang ligtas na lugar.

Sa loob ng kwarto.

Ang lahat ay nababalutan ng alikabok, mukhang napakatagal nang naririto ng kwartong ito.

Mabilisang sinuri ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang mga aytems sa kanilang halaga at agad na nabaling ang kanyang atensyon sa tatlong ito: Isang maliit na bote, isang prasko ng alkohol at isang piraso ng balat ng halimaw. Sa totoo lang, lahat ng hindi nabubulok ay mahalaga.

Shua shua!

Si Zhao Feng at ang maliit na pusang magnanakaw ay nagsimula nang kumilos at sa parehong oras, pero ang kanilang obhektibo ay magkaiba. Si Zhao Feng ay nakatingin sa tatlong aytems na nasa mesa at pinuntahan ito. Ang gusto naman ng pusa ay isang patay na insekto.

Bahagyang nagulat si Zhao Feng. Nakita niya rin naman ang patay na insekto, at ang katawan nito ay hindi nabulok. Pero halata namang ayaw niya rito. Ang pusang ito ay nilunok lang naman nang buo ang insekto, tila ba takot ito na makuha ito ni Zhao Feng.

"Hindi ka ba natatakot na baka may lason pala iyan?" Ngumiti si Zhao Feng.

Nang suriin ng kanyang kaliwang mata ang katawan ng insekto, nakita niyang balot ito ng lason. Pero ang ginawa lamang ng pusa ay suminok.

Nagulat talaga si Zhao Feng – dapat malaman na ang pusang ito ay hindi nagkasinok sa tuwing kumakain ng primal crystal stones at ibang aytems. Mukhang ang insektong kinain ng kanyang pusa ay hindi simple.

Muling binalik ni Zhao Feng ang kanyang mga mata sa kanyang mga nakuha.

Ang maliit na bote ay makinis at kita mo ang loob, halata namang hindi ito gawa sa simpleng mga materyales. Bukod pa roon, naglalaman rin ito ng isang walang kulay na likido sa loob.

Para naman sa prasko ng alkohol, napakabigat nito at napakabango, pero nang buksan ito ni Zhao Feng, wala naman itong laman. Subalit, sinasabi ng isip ni Zhao Feng na ang praskong ito ay hindi simple.

Ang maliit na pusang magnanakaw at nakatitig lamang sa bote at prasko nang may galit at panghihinayang, hindi naman kayang kumuha nito ng dalawa at hindi rin naman niya matatalo ang kanyang may-ari.

Sa piraso naman ng balat ng halimaw ay may dalawang linya ng mga salita na isinulat sa minadaling paraan. Sa mga huling salita nito, malabo na at hindi malinaw. Hindi tuloy mapigilan ni Zhao Feng na mag-isip ng kongklusyon.

Ang batong silid ay orihinal na pinoprotektahan ng isang tao, pero dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, umalis ang taong ito at naiwan niya ang bote ganoon rin ang prasko dahil sa pagmamadali.

Pero… Hindi makilala ni Zhao Feng ang lenggwaheng nasa balat ng halimaw. Hindi ito ang pangkaraniwang salita ng kanilang kontinente.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw at tumalon sa braso ni Zhao Feng at nagpakita ito ng isang kakaibang ekspresyon nang suriin ang dalawang linya.

"Nauunawaan mo ito?"

Kalahating naniniwala at kalahating nagsususpetsa si Zhao Feng. Nararamdaman niyang ang pusang ito ay hindi lamang isang organismo na pinanganak, pero isang bagay na punong-puno ng kaalaman.

Ang pusang ito ay nagpakita ng pagmamataas sa kanyang mukha at ikinumpas ang kanyang pangalmot kay Zhao Feng. Kumuha naman agad si Zhao Feng ng isang panulat at papel mula sa kanyang interspatial bracelet.

Ginamit ng pusa ang maliliit nitong pangalmot at hinawakan ang panulat bago 'isalin' ang mga salita sa balat ng halimaw.

Agad namang tinignan ni Zhao Feng ang mga laman nito: Ang Three Saints Palace ay hindi na gumagalaw sa Area of Dust. Sa mga nakalipas na araw, inakit na rin nito ang karamihan sa mga One-Star Factions para sirain ang 'Curse of a Hundred Graves'. Ngayon, ubos na ang enerhiya ng Teleportation Array… Ang tagapaglingkod na ito ay mauuna nang lumisan.

Kumunot ang mga kilay ni Zhao Feng matapos itong basahin.

Saan ang Area of Dust? Ito ba ay ang Thirteen Clans o ang Northern Continent?

Ang One Star Factions ay isa pang bakas.

Narinig ni Zhao Feng na binanggit ng First Elder na ang mga pwersa ay nakaranggo mula sa one hanggang five stars at ang five bilang pinakamalakas. Subalit, ang five star factions ay ang pinakamalakas na pwersa kung kaya naririnig lamang sila sa mga alamat. Pero ang pwersa ng kontinenteng ito ay tila hindi inayos ng mga bituin o stars.

Hindi alam ni Zhao Feng kung paano inayos ang mga pwersa, pero mukhang alam ito ng First Elder. Sa huli, nakasulat rito ang 'Curse of a Hundred Graves' at napagtanto ni Zhao Feng ang pagkakaroon ng isang daang libingan roon.

Hindi na nakapagtataka kung bakit nakaramdam siya ng lamig sa kanyang katawan ng nang pasukin niya ang teritoryo ng mga kalansay.

Pero dahil sa kanyang kaliwang mata, ang sumpa ay hindi nakapasok sa kanyang katawan. Bukod pa roon, ayon sa nakasulat sa balat ng halimaw, ang Curse of a Hundred Graves ay malapit nang maglaho kung kaya ang epekto nito ay higit na mahina kumpara dati.

Balewala lang rin sa maliit na pusang magnanakaw ang sumpa – ibig sabihin ang katawan nito ay kakaiba at maalam ito kung kaya nakapasok siya nang walang problema.

Kahit hindi talaga maunawaan ni Zhao Feng ang mga salitang nakasulat sa balat ng halimaw, alam niyang sa salitang 'alikabok' pa lamang na ang mundong ginagalawan niya ay nasa dulo lamang ng isang malaking tipak ng yelo. Nang makitang hindi maisip ni Zhao Feng kung paano solusyunan ang problemang ito, hindi na siya nag-isip pa.

Binaling niya agad ang kanyang atensyon sa prasko ng alkohol at sa bote.

Ang prasko ay walang laman, kung kaya nilagay niya na ito sa kanyang interspatial bracelet. Nang makita ito, ang mga mata ng kanyang pusa ay nagningning at tumalon na rin ito patungo sa kanyang interspatial bracelet.

Ipinokus muna ni Zhao Feng ang kanyang atensyon sa bote. Mayroon itong manipis na suson ng walang kulay na likido sa loob at nararamdaman ni Zhao Feng ang isang purong enerhiya mula rito sa pamamagitan ng kanyang kaliwang mata. Higit itong mas mabuti kaysa sa mga Spiritual Spills na kinakain niya sa Clan.

Nang walang pag-aalangan, ininom niya ang likod, na sumasakop lamang ng sangdalawampu ng bote. Ang walang kulay na likido ay dumireto sa kanyang lalamunan patungo sa kanyang katawan.

Sa isang bigla, isang daluyong ng puro at dalisay na enerhiya ang dumaloy sa kanyang katawan.

Ang dami ng walang kulay na likido ay kagaya lamang ng hinlalaki, pero naglalaman ito ng napakaraming enerhiya at nagbibigay ng napakalakas na aura.

Ang unang pakiramdam na naramdaman ni Zhao Feng ay punong-puno siya at ang kanyang enerhiya ay lahat nanumbalik.

Sumunod, ang kapangyarihan ng likido ay nagsimula nang maganap sa kanyang buto, dugo at balat. Ang epekto nito ay sampung beses na mas malakas kaysa sa Marrow Cleansing Pill.

Sa kabutihang palad, ang kapangyarihan nito ay kalmado. Kung hindi, mapipinsala na naman nito ang katawan ni Zhao Feng. Naramdaman ni Zhao Feng na luminis nang luminis ang kanyang katawan at ang ilang mga tagong pinsala sa kanya ay humilom na.

Sa parehong pagkakataon, naramdaman niya na ang kanyang mga buto ay nagbago. Agad siyang umupo nang magkasalubong ang paa at ginamit ang kapangyarihan upang magsimulang magcultivate.

Ang enerhiya mula sa likido ay madaling higupin.

Isang oras ang makalipas.

Isang suson ng maitim at malapot na likido ang lumabas mula sa katawan ni Zhao Feng.

Kalahating araw ang makalipas.

Nahigop nang lahat ni Zhao Feng ang likido, na kasingdami lamang ng hinlalaki, at naramdaman niyang dumaloy ang kapangyarihan sa kanya. Tila ba kumain siya ng isang kumpletong pananghalian at ang lahat ng kanyang lakas ay nanumbalik.

Sa pagkakataong iyon, naabot na ni Zhao Feng ang peak ng 5th Sky.

"Tanging ang kakarampot na likido ang nakapagpaabot saken sa peak ng 5th Sky."

Huminga nang malalim si Zhao Feng at pinigilan ang sayang namumuo sa kanyang puso. Ang pagtingin niya sa lugar na ito ay lalong tumaas.

Ayon sa kanyang analisis, ang likidong ito ay mukhang 'pagkain' ng taong ito at ang paglilinis ang katawan ay isang dagdag lamang na epekto.

Tama iyon, dagdag lamang na epekto.

Unang naramdaman ni Zhao Feng na tila puno siya nang inumin ang likido, at saka nagbago ang kanyang katawan.

Itinaas niya ang kanyang kamay at ipinadaloy ang kanyang true force. Naramdaman niyang ang kanyang kapangyarihan ay dalawang beses na mas malakas kaysa dati.

Ang katawan niya pa lamang ay mas malakas na agad kaysa sa mga normal na cultivators ng 4th Sky.

Ang epekto ng misteryosong likido na ito ay nakasisindak, pero nakakalungkot pa rin dahil kakaunti na lamang ito, at tira lamang ng isang tao na uminom nito.

Muling cinonsolidate ni Zhao Feng ang kanyang realm at napag-alaman niyang ang kanyang cultivation ay mas mabilis na ngayon kaysa sa dati.

Kung magpapatuloy ito, kaunting araw na lamang at natural niya nang maaabot ang limit ng 5th Sky.

Bumuntong hininga si Zhao Feng – uminom lamang siya nang kaunting likido, pero ang epekto nito ay nakakagulat at dapat lamang siya na masiyahin rito.

Agad niyang binalik ang kanyang atensyon sa interspatial bracelet at nagulat siya sa kanyang nakita.

Sa loob ng kanyang interspatial bracelet, ang maliit na pusang magnnakaw ay tila naging lasing at ang aura nito ay naging mas malakas kaysa dati.

"Saan nanggaling ang alkohol na iyan?" Nagulat si Zhao Feng.

Alam niyang walang alkohol sa kanyang interspatial bracelet. Bigla tuloy siyang napatingin sa prasko.

Ang prasko ay napakabigat at mayroon pa itong ilang mga patak ng alkohol sa loob.

Saan galing ang alkohol na iyan?

Sigurado si Zhao Feng na walang laman ang prasko bago niya ito pinasok.

Napabuntong hininga siya nang malamig at saka niya muling hinila palabas ang pusa.

Isang oras ang makalipas.

Sinabi na rin ng maliit na pusang magnanakaw ang katotohanan at naglagay siya ng tubig sa prasko.

Hindi nagtagal, ang tubig sa loob ng prasko ay nagsimulang magbigay ng mabangong amoy.

Próximo capítulo