Sa loob ng isa at kalahating buwan, ang Broken Moon Clan ay binusisi ang lugar ng pamilyang Xing, ngunit walang tanda na may bangkay dito.
Unti-unting lumawak ang pinaghahanapan, ngunit ang pagkakataong mahanap ito ay mas lumiit.
Ang 3 Elders ay isa isa nang umalis at halos kalahati na lang ng mga disipulo ang natira.
Nasa grupo rin si Zhao Feng na bumalik sa Broken Moon Clan.
Tatlong araw ang lumipas, ang mga miyembrong elite ng Clan ay umalis na rin.
Isang kakaibang tunog na 'thok thok' ang maririnig sa ilalim ng puntod ng lugar ng pamilyang Xiang.
Kung susuriin ang lugar mula sa itaas, makikita ang isang kakaibang tanawin:
Ang dugo ng mga bangkay ay lumubog sa lupa at nakabuo ng kakaibang daan, na nagtatagpo sa huli. Ang mga bangkay na ito ay ang mga naamatay sa pamilyang Xing at kahit nasunog na sila at naging abo, ang dugo nila ay nasa lupa.
Apoie seus autores e tradutores favoritos em webnovel.com