webnovel

Pagtataksil!

Editor: LiberReverieGroup

Nagulat na tumingin ang mga tao dahil sa nangyari. Sinong mag-aakala na ang maalamat na si Lord Guanjun ay madaling matatalo ng isang youth?

"Master!" sigaw ni Ye Linyun at ng iba pa habang tumatakbo papunta kay Lord Guanjun. Tumingin nang masama kay Quan Chen ang grupo, ngunit hindi pa rin maitago ang takot sa kanilang mga puso.

"Walang aatake sa inyo!" Inayos ni Lord Guanjun ang kaniyang sarilli at sinabi ito sa kaniyang mga disipulo.

Halos hindi na niya kayang tumayo mag-isa. Habang nakatingin sa kaniyang anyo, may nakita si Zhao Feng na gumalaw sa puso niya. Kung wala si Lord Guanjun, lahat sila ay nakatadhanang mamatay nang malupit.

"Uncle Xu, ako ay hindi isang mamamatay tao," ngumiti si Quan Chen at tumingin kay Bei Moi.

Shua!

Ang kaniyang anyo ay biglang nawala at biglang lumitaw sa harap ni Bei Moi.

"Anong…" Ang ekspresyon ni Bei Moi ay nagbago nang mapagtantong ang kaniyang Inner Strength ay napigilan.

"Brother Bei Moi, ikaw ang core disciple ni Uncle Xu Ran, kaya dapat na alam mong ang siyam na antas ng Martial Path ay isa lang pundasyon. Sa Holy Martial Path pa lang ito tunay na magsisimula…" ang boses ni Quan Chen ay kalmado at nakakapawi.

Ang ibang taong nasa lugar gaya ni Zhao Feng ay hindi naintindihan ang kaniyang ibig sabihin.

"Alam ko."

SInubukang kumawala ni Bei Moi sa selyo sa kaniyang katawan nang walang ingay. "Ang siyam na antas ng Martial Path at kilala bilang Consolidation Realm, na may layuning palakasin ang pundasyon. Pagkatapos ng Consolidation Realm ay ang Ascended Realm, at pagkatapos ay ang True Spirit Realm. Ang Ascended Realm ay kilala bilang Holy Martial Path ng mundo ng mortal, kapag nakalagpas sa hangganan ng mga mortal…"

Consolidated Realm, Ascended Realm, True Spirit Realm…

Ang kaniyang pag-aanalisa ay nagpaisip nang malalim kina Zhao Feng at iba pa. Mahirap isipin na ang siyam na antas ng Martial Path ay isa lang realm ng pundasyon.

"Ang mundo ay mas malaki kaysa sa iniisip mo. Ang iyong Master ay nasa Second Sky ng Ascended Realm at siya ay parang isang langgam lang sa Clan," pang-asar na sabi ni Quan Chen.

Isang langgam? Ang mga disipulo ay nag-apoy sa galit.

"Huwag mong hamakin ang aking Master!" sigaw nila Ye Linyun at Yang Qingshan.

May ngiti pa rin sa mukha ni Quan Chen at hindi siya nag-abalang magpaliwanag. Kahit na mag-isa lang siya, mas lamang pa rin siya sa halos sampung mga cultivator na nasa ikasiyam na antas at isang Holy martial artist. Ang panig ni Lord Guanjun ay hindi nangahas na kumilos.

"Ito ang lakas! Kung isang tao ay may sapat na lakas, ni hindi niya kailangang matakot sa buong Province City." Nagulat si Zhao Feng at kasabay nito ay wala ring magawa. Ang youth sa kaniyabg mismong harapan ay napakalakas na kayang sirain ang buong Guanjun Palace sa ilalim ng kaniyang paa.

"Tignan mo, ang iyong Master ay hindi man lang umangal sa akin. Isa lang siyang tauhan ng Clan, isang talentadong henyo na tulad mo ay limitado lang sa pagkakaroon ng isang Master tulad niya," mabagal na sabi ni Quan Chen.

Namula ang mukha ni Bei Moi nang subukang sirain ang selyo sa kaniyang katawan, ngunit nabigo nang ilang ulit.

"Ano bang gusto mo?" sumuko na rin si Bei Moi.

Kailangan niyang aminin na ang youth na ito sa kaniyang harapan ay may kapangyarihang mas malakas pa sa kaniyang Master, at sinabi ng lalaki na nalagpasan ni Master ang Ascended Realm, at nakaabot sa True Spirit Realm.

"Ang aking Master ay isang taong naabot na ang True Spirit Realm at isang elder ng Broken Moon Clan. May kapangyarihan siyang hamakin ang langit, ito ang isang tunay na makapangyarihang tao!" mababakas ang tuwa at paghanga sa boses ni Quan Chen.

True Spirit Realm. Ito ang realm na kahit si Lord Guanjun ay yuyuko dito.

Ang mga sinabi ni Quan Chen ay nag patahimik kay Lord Guanjun. Maaaring ang mga sinabi ni Quan Chen ay ang katotohanan.

Sa sandaling ito, ang dalawang panig ay tahimik.

Mababakas sa mga mata ni Lord Guanjun ang kalungkutan nang siya ay nagbuntong-hininga, "Bei Moi, maaari mong gawin ang desisyon."

"Hahaha…Uncle Xu! Masyado kang mausunurin, sa tingin mo ba ay karapat-dapat kang maging Master ni Bei Moi?" mayabang ang pagtawa ni Quan Chen.

Di nagtagal ay tumingin siya muli kay Bei Moi. "Ang aking guro ay kilala nilang Hai Yun Master at bibigyan ka niya ng pagkakataong hayaan mo siyang maging iyong Master, papyag ka ba?"

Master? Ito…

Mababakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Bei Moi.

"Kung papayag ka at magiging disipulo ng isang elder, maaari kang maging isang inner disciple kaagad. Sa pamamagitan nito, mag-uumpisa ka sa mataas at magkakaroon ka ng pagkakataong makasalamuha ang mga tunay na henyo sa buong kontinente…" labis na nakakapanghikayat ang boses ni Quan Chen.

Si Zhao Feng at ng iba pa sa di kalayuan ay nag-uumpisa na ring panghinaan ng loob. Ano bang magiging itsura ng tunay na entablado ng mundo? Sa Sun Feather City, si Zhao Feng ay may malaking inaasahan na sa mundo sa labas.

"Kung magiging isa kang disipulo na isang elder, magkakaroon ka ng mas magandang kinabukasan," humina ang boses ni Quan Chen.

Hindi niya inatake si Bei Moi, sa halip, nagkuwento siya tungkol sa mundo sa labas. Sa sandaling ito, ang desisyon ni Bei Moi ay maging isang mababang-loob na outer disciple o maging isang disipulo ng isang elder.

"Hehehe, dapat mo ring malaman ang isang bagay. Si Xu Ran ay hindi kasundo ang aking guro, Hai Yun Master. Kung pupunta ka sa Clan bilang kaniyang disipulo, hindi ko masisigurong magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.," ang ngiti ni Quan Chen ay sobrang lamig ng mapapasinok ang mga youth.

Hindi ito mahirap isipin na si Lord Guanjun at ang guro ni Quan Chen ay hindi magkasundo. Kung ang isang tao ay disipulo ni Lord Guanjun at pumunta sa Clan, sila ay pipigilan at ang kanilang kinabukasan ay mawawala. Kahit na sobrang galing ni Bei Moi, isa pa rin siyang langgam sa mga mata ng isang elder. Kung gugustuhin ng elder na pigilan siya sa pagyabong, magiging madali lang ito.

Nang marinig ito, pinawisan si Bei Moi nangmalamig sa noo.

"Ano ang iyong desisyon?" marahang iginalaw ni Quan Chen ang kaniyang kamay at binuksan ang selyo na pumipigil sa Inner Strength ni Bei Moi.

Mababakas ang pag-aalinlangan at paghihirap sa mukha ni Bei Moi habang nakatingin siya kina Lord Guanjun at Quan Chen. Sisigawan n asana siya ng ibang mga disipulo, ngunit pinigilan sila ni Lord Guanjun.

Sa wakas, sinabi ni Bei Moi nang walang ekspresyon, "Nais kong sumunod kay Hai Yun Master."

Matapos gawin ang desisyon, walang ekspresyon niyang tinanggap ang mga sumpa at mura ng iba.

"Magaling magaling! Pagkatapos ang isang libong taon ay hindi mo pagsisisihan ang desisyong ito!" Mababakas ang kasiyahan sa mukha ni Quan Chen, at bigla siyan lumitaw sa harapan ni Lord Guanjun.

"Uncle Xu Ran, Nandito ako para kunin ang disipulong ito na nais sumama sa akin palayo. Wala namang problema 'di ba?" si Quan Chen ay may hambog na ekspresyon nang tumingin kay Lord Guanjun.

Sa kaniyang mga mata ay ang pagkasiya nang hangaan ang kawalang pag-asa ni Lord Guanjun.

"Alis na," namutla si Lord Guanjun nang kumaway, tila tumanda siya ng dalawampung taon sa isang saglit.

Sa sandaling ito, mababakas ang pagtutol sa mga mata nii Zhao Feng at ng iba pa, alam nilang lahat ang pag-aruga at pag-asang inilaan ni Lord Guanjun kay Bei Moi.

Sa sandaling ito, isang pinakahenyo ay nakuha ng kalaban sa harap mismo niya, paanong hindi siya malulungkot?

Tila narinig ni Zhao Feng ang dugong umaagos mula sa puso ni Lord Guanjun.

"Xu Ran! SInabihan ako ng aking guro na sabihin ito sa iyo. Tatapakan ka niya sa habangbuhay. Ang iyong babae at disipulo ay makukuha niya rin!" walang bahalang sinabi ni Quan Chen bago umalis.

Wah!

Halos mahimatay na si Lord Guanjun sa galit.

Tatapakan ka niya sa habangbuhay. Ang iyong babae at disipulo ay makukuha niya rin!"

Ang mga pangungusap ay umalingawngaw sa pasilyo nang dalawang beses.

Nanlamig ang mga puso nila Zhao Feng at iba pa, ang hirap isipin ng mga pinagdaanan ni Lord Guanjun noon sa Clan. Matatalo nang paulit-ulit si Lord Guanjun ng 'taong iyon' at nawala pa ang kaniyang minamahal na babae.

Pinaglaanan niya ng oras at pagod ang pagpapalakas sa isang henyo na makakatalo sa 'taong iyon,' ngunit ang disipulong ito ay nakuha na rin ng kalaban.

"Isa itong hindi patas na laban, pinagloloko lang ng Hai Yun Master na 'yan si Master." Rumagasa ang makatuwirang galit sa puso ni Zhao Feng.

Isa lang siyang outer disciple ni Lord Guanjun, kaya walang masyadong pagkagiliw sa kanila, ngunit sa mga sandaling ito, may matindi siyang pagkagusto sa pagtaguyod ng hustisya sa kalaban.

Ang pagpapaalis kina Bei Moi at Quan Chen sa kanilang harapan, ang moral ng mga natirang mga tao ay bumaba.

Sila Ye Linyun, Yang Qinshan at Nan Gongfan ay galit nang isumpa at murahin ni Bei Moi dahil sa pagattaksil nito kay Master.

"Huwag niyong sisihin si Bei Moi," masakit na pagkasabi ni Lord Guanjun.

"Master, bakit ipinagtatanggol mo pa ang hayop na iyo?" galit na sagot ni Nan Gongfan.

Si Lord Guanjun ay huminga nang malalim at sinabing: "Si Bei Moi ay napakamatalino. Sa kaniyang potensyal, ang kaniyang cultivation ay masisira kung hindi siya sumag-ayon. Dahil ang isang henyong katulad niya ay dadalhin sa isang upper class ng Clan, na isang bagay na ayaw makita ni Hai Yun Master."

Nang marinig ang pag-analisa ni Lord Guanjun, naintindihan kaagad ito ni Zhao Feng at ng iba pa. Ang pagtataksil o pagkalumpo habangbuhay ay hindi matatawag na pagpipilian. Si Bei Moi ay wala talagang magagawang iba.

Si Lord Guanjun ay tila mas tumanda nang tumingin sa kaniyang mga natitirang disipulo. "Si Bei Moi ay wala na, ngunit may tatlo pa ring rekomendasyon.

Ngayong si Bei Moi ay umalis na, ang kompetisyon ay mas mababa na, isang magandang bagay para sa mga natirang disipulo.

"Ang iyong potensyal ay napakababa kumpara kay Bei Moi. Kapag pumunta ka sa Clan, si Hai Yun Master ay hindi ka papansinin hangga't hindi ka magpapakitang gilas, ngunit ang ibang mga disipulo sa Clan ay…' walang pag-asa ang tono ng boses ni Lrod Guanjun.

Wala siyang masyadong inaasahan sa mga natirang disipulo, ginagawa niya lang ang kaniyang tungkulin bilang isang guro.

Próximo capítulo