webnovel

Redemption (1)

Editor: LiberReverieGroup

Sa sentro ng Feinan.

Sa walang hanggang dagat, isang Abyssal Gate ang nakatayo sa isang lugar sa dakong silangan ng Supreme Jungle.

Ang isang madugong ilog mula sa Abyss ay dahan-dahang dumadaloy sa kalupaang ito.

Hindi mabilang na Druid ang nagtipon-tipon sa linya ng depensa sa dakong silangan, sinusundan nila ang mga Great Druid ng Migratory Bird Council, seryosong pinaghahandaan ang digmaang ito.

Ang pwersa ng mga Demon ay nakasakay sa mga barkong nagmula sa walang hanggang Abyss, dumadaan sila sa isang madugong ilog para makarating sa Feinan.

Madilim ang kalangitan, halos walang pinagkaiba ito sa gabi. Magmula noong namatay ang Astral Beast, nasa kalangitan pa rin ng Feinan ang bangkay nito, kaya naman natatakpan nito ang sinag ng araw.

Ang madilim ang mapanglaw na panahon ay katulad ng nararamdman ng mga nainirahan sa Supreme Jungle.

Ang Abyssal Gate ay lumitaw kalahating buwan na ang nakakalipas. Sa pagkakataon na ito, narito na ang kasuklam-suklam ng Demon Lord na kilala sa buong Feinan.

Ang Spatial Law ay nakabawi na mula sa pagbagsak ng Universe Magic Pool, kaya maaari nang makapasok sa Feinan ang mga tunay na pinakamakapangyarihan.

Isa-isang nag-descend ang mga God.

Nakatuon ang atensyon ng mga ito sa North at sa West, sinisimulan na nilang palawakin ang kanilang naaabot ng kanilang impluwensya. Sa mga ito, ang Three Northern Cities, na biglang nawala ang pinuno, ay pinangangasiwaan pa rin ng God of Dawn and Protection. Nagawa nilang lumaki at umunlad sa ilalim ng pamumuno nito.

Ang ibang God naman ay walang ibang masyadong magawa. Nagsimula na silang mag-descend gamit ang kanilang mga tunay na katawan, at dahil sa taglay nilang lakas, hindi sila magawang kalabanin ng mga tao.

Bukod sa ilang pwersang mayroong Source of Fire's Order, ang apoy ng mga God na ang nagliliyab sa bawat sulok ng Feinan.

Pero hindi pa nila ginagalaw ang Supreme Jungle at ang Migratory Bird Council.

Matapos mabigo ang ilang negosasyon, ang mapagmatigas na grupong ito na taga-sunod ng Ancient Nature God ay hindi tinanggap ang "kabutihan" ng sino mang God, at nagdesisyon silang protektahan nang mag-isa ang kanilang sariling teritoryo.

Kaya naman, isang labanan ang naganap.

Umatake ang hukbo ng mga Demon at nanuod lang ang mga God.

Ang mga Sorcerer mula sa Lavis Kingdom ay hinarap ang hindi mabilang na Demon na nagmumula sa Bloody River pero hindi nila mapigilan ang lahat ng mga ito. Nalungkot sila dahil tunay ngang nagbago na ang lahat.

Dumating na ang God Era.

Ayaw man nila itong aminin, tunay na kahit ang pinakamalalakas na pwersa sa Feinan ay halos hindi maipagtanggol ang kanilang sarili.

Wala pang God na kumakalaban sa mga pwersang ito, pero inanunsyo na nila na hindi nila poprotektahan ang mga lugar na iyon.

At dahil dito, pinunterya na ito ng ibang mga taga-Outer Plane at inatake na ang mga naninirahan sa Feinan.

Ito ay isang bagay na hindi maiiwasan.

Kahit ang pinakamalakas na Demon ay alam na kailangan nilang piliin ang pinakamalambot para mas maraming makuha at mas makapangwasak sila.

Pinili ng grupong ito na atakihin ang Supreme Jungle

Kakaunti na lang ang natitirang pwersa sa Feinan. Ang White River Valley, na pinakasikat, ay kalahating buwan na ang lumipas mula nang umalis ang kanilang Overlord at hanggang ngayon ay wala pang balita tugnkol dito. Mahirap para sa substitute Lord na si Constantine na patuloy na depensahan ang teritoryong ito, kahit na nagagawa nilang labanan ang pwersa ng mga God dahil sa kapangyarihan ng Sanctuary. Ganoon din ang sitwasyon ng Three Sisters ng Rocky Mountain na pinupunterya ng Twin Goddess. Subalit, bago pa man manaig ang plano ng kalaban, nagamit ni Lorie ang kanyang Wisdom Ability, na higit na mas lumakas kesa noong huling pagkikita nila ni Marvin, para makita kung ano ang binabalak ng mga ito kaya nagawa nilang pigilan ito. Pero kahit pa ganoon, magulo na rin ang sitwasyon sa Rocky Mountain.

Hindi naman malinaw ang posisyon at saloobin ng mga Elf, Anient Gnome, at mga Vampire.

Matapos magtatag ng kanilang tirahan ang mga Hig Elf sa Jewel Bay, sa ilalim ng pamumuno ni Butterfly, wala pang pagkilos ang mga ito mula noon. Malinaw na hindi ito pagpapakita ng kahinaan, bagkus, makikita inaabangan nila kung ano pa ang mga mangyayari. Ginusto man ng Great Elven King na si Ivan ng Thousand Leaves Forest na tumulong, hinikayat siya ng mga High Elf, sa pamamagitan ng isang liham, na wag munang kumilos. Wala naman ibang impormasyon sa kung ano pa ang nilalaman ng liham. Tungkol naman sa mga Ancient Gnome at mga Vampire, kababalik lang ng mga Ancient Gnome at ang pagprotekta lang sa kanilang teritoryo ang inisip ng mga ito. Kahit na malapit lang Abyssal Gate sa kanilng lokasyon, ipinakita nilang kayang kalabanin ng kanilang Floating City ang ano mang pag-atake. Habang ang mga Vampire naman, matapos magbalik ng Primogenitor na si Yin, kakaiba ang naging pagkilos ng mga ito, grupo-grupo silang naglalakbay na tla may hinahanap.

Umabot na sa punto na noong humingi ng tulong ang Migratory Bird Council mula sa kanilang mga ka-alyansa, nagula sila na ang nag-iisang nagbigay sa kanila ng tulong ay ang Lavis Dukedome sa North. Nagpadala si Daniela ng Sorcerer Squadron para tumulong, pero kahit na napakalakas ng mga Sorcerer na ito, hindi ito naging sapat para sa mga Demon.

Sa harap ng kanilang hukbo, kung saan magsisimula na ang laban, naghanda ng napakaraming depensa ng Migratory Bird Council.

Sa isa sa mga Defensive Bridgehead, seryosong nakatingin sa malayo si Old Ent.

"Pasensya na… Hindi ako nagtagumpay sa pagwasak sa Abyssal Gate."

Yumuko ang Great Druid na si Sky Fury, tila nahihiya ito.

Nakatayo ito sa tabi ni Shadow Thief Owl. Ang matandang Legend na ito ay naging bahagi rin ng misyon na ito, dahil kahit paano ay kasapi siya sa Lavis Dukedom.

Pero kinulang pa rin sila ng tao. Sa kakayahan nina Sky Fury at Owl, hindi nila nagawang wasakin ang Abyssal Gate na itinayo ng Demon Lord.

"Hindi na mahalaga 'yon, ito ang kapalaran natin," mahinang sabi ni Old Ent. "Siguro kung nandito lang ang lahat ng miyembro ng Old Alliance of the Seven Orders, marahil iba ang kinalabasan ng sitwasyon."

Nanatiling tahimik ang lahat ng nasa kanyang likuran.

Magmula nang mag-descend ang mga God, si Inheim, na napaktagal na panahon ang ginugol sa pagtugis sa Shadow Prince, ay nasa blacklist na ng mga God at siya na ngayon ang walang humpay na hinahabol ng mga ito. At ang Old Alliance of the Seven Orders ay kasama ni Inheim na iniiwasan ang pagtugis ng mga God na ito.

Ang mga Legend na kasama sa listahan ay ang Copper Dragon Professor at si Blade Master Kangen.

Nalubog sa matinding kaguluhan ang buong Feinan.

Ang mga powerhouse ng sangkatauhan ay walang tigil na lumalaban sa walang humpay na pag-atake ng mga God, habang ang mga Demon at Evil Spirit naman ay sinamantala ang pagkakataon na ito para pasukin ang Feinan.

Habang ang Hell… Walang nakakaalam sa kung ano ang ginagawa ng mga Devil. Ang mga balitang patuloy na nanggagaling sa Hell ay nakakagulat. Sinasabi na ang hukbo ni Diross ay nasakop na halos ang kabuoan ng Nine Hells. Kung mapag-iisa nga nito ang Nine Hells, masamang pangitain ito para sa kinabukasan ng FEinan.

Ang mas nagpalala pa ng sitwasyon ng Migratory Bird Council ay wala doon ang lahat ng kanilang mga Great Druid!

Noong nakaraan pa umalis sina Endless Ocean ang iba pa para magpunta sa Green Sea Paradise para hanapin ang kasamahan ng Ancient Nature God. Hindi sila sigurado kung ano ang dahilan pero marahil ay natagalan sila dahil sa pagkakaiba ng mga plane. Kahit na nakarating na sa Supreme Jungle ang Half-God na si Minsk, kulang pa rin ang kanilang lakas.

"Maaaring ngayon na ang huling araw natin sa mundong ito."

Tiningnan ni Old Ent ang Celestial Deer na bigla na lang dumating. "Hindi ka naman bahagi ng teritoryong 'to. Hindi ka dapat madamay," sabi nito.

Umiling si Lorant.

Tiningnan niya ang hukbo ng mga Demon at malumanay na sinabing, "Hindi na mahalaga 'yon."

"Sa katunayan, may isa pa kong iniiisp…. Saan na ba napunta ang lalaking 'yon?"

Ang lahat ay natahimik nang marinig ang mga salitang ito.

Ang lahat ng naninirahan sa Feinan ay nagtataka.

Kalahating buwan na ang nakalipas magmula nang mawala si Marvin… Nasaan na siya?!

Kasabay nito, sa isang barkong puno ng mga Demon, isang maliit na Demon ang hindi mapigilang humikab.

'Ang lungkot nang walang Planar Teleportion spell.'

'Mas nakakalungkot na mapilitang gumamit ng barko pauwi… Pero nakakapagtaka pa rin na madamay ang isang maliit na Demon sa isang hukbong tulad nito.'

'Patungo dapat ang barkong 'to sa Upper Planes… pero… sigurafong masyado pang maaga para magbukas ang isang Abyssal Gate sa Feinan?!"

Próximo capítulo